PAKIRAMDAM ni Katrina ay nawalan siya ng lakas nang maisara niya ang pinto ng kanyang condo unit. Unti-unti siyang napaupo habang nakasandal sa pinto. Nayakap na lamang niya ang sariling mga tuhod at doon humagulgol ng iyak. Dalawang linggo nang nakaratay si Lyndon sa ospital at dalawang linggo na rin siyang walang tamang tulog at umiiyak. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Lyndon. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya, sila kasama ang mga kaibigan ng lalaki na isang araw, imumulat na ni Lyndon ang mga mata.
Mabilis niyang pinunasan ang mga luhang bumagsak sa kanyang pisngi. Hindi dapat siya ngayon manghina. Mas kailangan siya ngayon ni Lyndon. Pinangako niyang hindi siya susuko ngayon tulad ng hindi pagsuko ni Lyndon para ipaglaban ang relasyon nila. Hindi na ulit siya bibitaw sa pangalawang pagkakataon. Mas lalong hindi dapat siya mawala sa tabi ni Lyndon ngayon. Babawi siya ngayon. Kung noong una ay wala siya sa tabi nito nang maratay ito ng halos tatlong buwan, ngayon ay sisiguraduhin niyang hindi siya mamawala sa tabi nito.
Tumayo na siya at mabilis na pumasok sa kanyang kwarto. Umuwi lang siya saglit para mag-ayos. Babalik rin siya agad sa hospital para magbantay kay Lyndon. Pagkatapos maligo at mag-ayos ay dumiretso siya sa grocery store para bumili ng pagkain para kina Xaniel at Mhike. Halos wala ring tulog at kain ang dalawang kaibigan ni Lyndon. May galit pa siyang nararamdaman mula kay Mhike pero hinahayaan na siya nitong makapasok sa kwarto ni Lyndon. Pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang sasakyan at dumiretso na sa Choa Chu Kang Hospital.
Tinatahak na niya ang second floor ng ospital nang mahagip ng mga mata niya na may lalaking lumabas mula sa kwarto ni Lyndon. Nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang sa ilang hakbang na lang ang layo niya sa pinto ng kwarto ni Lyndon. Napahinto naman siya nang mapatingin siya sa lalaking nakita niyang lumabas kanina. Nakasandal ito sa pader sa tabi ng pinto. Napalunok naman siya nang magtama ang mga mata nila. She knows him. He is one of Lyndon's friends.
"Ayokong sisihin ka. Still, may mali rin si Lyndon. Hindi niya sinabi sa'yo ang sitwasyon niya," ani Gerrard. Nakasiksik ang mga kamay nito sa bulsa ng suot na pantalon. "Nasa loob sila. Sabay kasi kaming nag-book ni Francis ng flight nang mabalitaan namin."
Tumango-tango siya. Hindi na niya ito kinausap at dumiretso na siya sa loob. Naabutan niya ang sa loob sina Xaniel, Mhike at Francis. Nakaupo ang mga ito sa mahabang sofa samantalang si Francis ay nakasandal sa back rest ang ulo at nakapatong ang braso sa mga mata, halatang pagod sa biyahe.
"Kumain muna kayo," aniya. Napatingin sa kanya sina Xaniel at Mhike. "Bumili ako ng makakain. Alam kong wala pa rin kayong pahinga at kain. Ako na lang muna ang magbabantay kay Lyndon."
Tumayo si Xaniel at kinuha ang hawak niyang mga supot. Nagising naman si Francis at pakurap-kurap na napatingin sa kanya. Nginitian niya lang ito at dumiretso sa upuan sa tabi ng higaan ni Lyndon.
"Kumain ka na rin ba?" tanong ni Xaniel sa kanya.
Tumango-tango siya. "Tapos na."
"Kayo?" tanong naman ni Xaniel sa dalawang lalaki.
"Wala akong gana," si Mhike.
"Busog pa ako," si Francis.
Nakagat naman niya ang ibabang labi. Kahit hindi sabihin ay alam niyang may sama pa rin ng loo bang mga kaibigan ni Lyndon sa kanya. Hindi na lamang niya ito pinansin. Sumandal siya sa higaan ni Lyndon at hinawakan ang kamay ng lalaki. Pigil naman niya ang mga luhang mamuo sa gilid ng kanyang mga mata.
Lyndon. Tawag niya sa lalaki sa kanyang isip. Gumising ka na, please. Mag-uusap pa tayo. Ayusin natin 'to. Lumaban ka. Kailangan mo pang marinig ang sorry ko. Hindi ko ginusto ang nangyari sa atin. Patawarin mo ako. Kung alam ko lang sana ang nangyari sa'yo, hindi natin kailangang umabot sa ganito. Hayaan mo sanang makabawi ako sa'yo. Gusto kong kasama na kitang dumalaw sa puntod ni Daniel. Gusto kong kasama kita at makita ka ng anak natin kahit sa libingan na lamang niya. Alam kong miss na miss ka na rin ng anak natin. Kaya kahit ngayon na lang ay magkakasama tayo bilang isang pamilya. Para kay Daniel, lumaban ka. Hindi ko na hahayaang mag-isa kang lumalaban. Sasamahan kita. Pinagsaklob niya ang mga kamay nila ni Lyndon at mariing naipikit ang mga mata habang nakadikit ang magkasaklob nilang mga kamay sa kanyang noo.
She was in the middle of wiping the tears that came down on her cheek when she heard a flatline sound. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita niyang nag flatline ang heartbeat ni Lyndon sa heart rate monitor.
"Lyndon?!" sigaw niya. Pilit niyang inaabot ang kamay ng asawa nang hilahin siya ni Xaniel. Pilit siya nitong nilalayo sa higaan ni Lyndon.
"Tumawag kayo ng doctor!" sigaw ni Xaniel.
Mabilis namang tumakbo palabas ang dalawang lalaking kasama nila sa loob. Nagkukumahog namang pumasok sa loob si Gerrard. Pilit niyang inaalis ang pagkakakapit sa kanya ni Xaniel.
"Lyndon!" hiyaw niya. Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha niya mula sa kanyang mga mata. "Lyndon! Wake up, please! Lyndon!" Wala siyang nagawa nang hilahin siya ni Xaniel at Gerrard palabas. Sakto namang dumating ang mga doktor at pumasok sa loob. Hindi na siya nakasilip sa loob dahil hinarangan na nila Mhike at Francis ang pinto.
"Lyndon!" tawag niya sa pangalan ng asawa. "Please, let me see Lyndon," pakiusap niya kina Xaniel at Gerrard na nakahawak pa rin sa magkabilaang braso niya.
"Umupo ka muna, Katrina," ani Xaniel.
"Kumalma ka muna," si Gerrard. "The doctors will do everything to save him."
Marahas na umiling-iling siya. Parang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang tunog ng pag-flatline ng heartbeat ni Lyndon. "Lyndon," aniya sa pagitan ng paghikbi. Bigla naman siyang nakaramdam ng paghihina ng mga tuhod. Unti-unti siyang napaupo sa sahig habang nakasandal sa pader. Sapo ang mukha ng mga palad, hindi tumitigil ang pagdaloy ng mga luha niya. Hindi siya handa sa nangyayari. Hindi niya alam kung paanong pagkalma ang gagawin sa sarili. Hindi niya kayang mawala sa isang iglap si Lyndon. Hindi niya kakayanin mawalan na naman ng isang taong mahalaga para sa kanya. Sawang-sawa na siyang umiyak sa pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay. Ayaw na niyang maranasan ang sakit ng pangungulila. Ayaw na niyang mamatayan ng minamahal.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's Note!
Last update for today! Enjoy reading! Votes and comments are greatly appreciated!
BINABASA MO ANG
BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #6: Katrina, The Mourning Dame Katrina is a successful fashion designer. She was a known designer and a model-maker all over the world. After her project in the Philippines, she decided to go back where she started, in Si...