"I WANT a salary increase for this."
Tinawanan lang ni Lyndon ang sinabing iyon ni Crystal. Maingat niyang hinawakan ang mga balikat ni Katrina na mahimbing nang natutulog at nakasubsob sa mesa dahil sa sobrang kalasingan. Inalalayan naman siya ni Crystal para mailipat ang asawa sa mga bisig niya. Kailngan na niyang maiuwi ang asawa para makapagpahinga na ito.
"Just ten percent," nakangising saad ni Crystal.
"Oo na. Sige na. One month lang, ah," aniya. Marahan niyang binuhat ang asawa at naglakad palabas ng bar. Sa labas naman ay naghihintay ang kanyang sasakyan kung saan nakasandal sina Xaniel at Mhike. Marahan niyang inilipat ang tulog na asawa sa passenger's seat nang buksan ni Mhike ang pinto niyon. Siya na ang nagsara at siniguradong hindi magiging ang asawa.
"Kumusta naman ang mga nilakad mo?" usisa ni Xaniel. "Hinanap ka niya sa office kanina. Mahaba-habang paliwanag ang gagawin mo."
Tumango-tango siya. "Salamat sa pagbabantay sa kanya habang wala ako."
"Hoy, may bayad 'yon," singit ni Crystal. "Ten percent. One month. Wala ng bawian."
"Oo na."
"Yes!" hiyaw ni Crystal.
"Next week pa ang flight nila Gerrard at Francis," ani Mhike.
"Okay lang," aniya. "Aayusin ko muna ang relasyon namin. By next week, alam kong okay na kami." Nginitian niya ang mga kaibigan. He is really thankful to have them. Hindi sila iniwan ng mga ito kahit nagkanda-letse-letse ang relasyon nila ni Katrina.
"Good luck," sabay-sabay na saad ng tatlo.
"Sige. Sige. Mauna na kami. Iuuwi ko na si Katrina." Umikot na siya sa driver's seat at sumakay roon. Pinaandar na niya ang sasakyan. Tinahak niya ang daan sa bahay nila. Sa bahay nila sa Scotts Road.
BINABASA MO ANG
BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #6: Katrina, The Mourning Dame Katrina is a successful fashion designer. She was a known designer and a model-maker all over the world. After her project in the Philippines, she decided to go back where she started, in Si...