NAMUMUO ang mga butil ng pawis sa noo ni Katrina habang nakapikit at pilit ginigising ang sarili. Isang malaking pagsabog ang gumising sa kanyang binabangungot na diwa.
"Daniel!" hingal na sigaw niya pagkabangon mula sa pagkakahiga sa kanyang kama. Napahawak siya sa kanyang dibdib na halos kumabog sa sobrang kabang nararamdaman hanggang sa napalitan ang kaba ng pangungulila. Mula sa pangungulilang nararamdaman ay namuo iyon ng butil ng mga luha sa sulok ng kanyang mga mata at ang mga luhang iyon ay lumandas sa kanyang pisngi. Nayakap niya ang sariling mga tuhod at paghikbi na lamang niya ang tanging narinig niya sa apat na sulok ng kanyang kwarto.
Kahit ilang beses pigilan ni Katrina ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mata ay hindi niya magawang patigilin ang mga karimlan na dumadaloy mula sa kanyang pagkatao. Limang taon pero parang kahapon lang nangyari ng lahat. Ang pinakamasakit na parte ng kanyang buhay na pilit niyang binubura sa kanyang isipan ay patuloy na dumadalaw sa mga gabing pakiramdam niya ay mag-isa na lamang siya sa buhay.
Patuloy ang pagpunas niya sa basa niyang mga pisngi pero wala ring tigil ang pamumuo ng mga butil ng tubig sa kanyang mga mata. At ang hiyaw ng iyak ng isang nangungulila ang mararamdaman sa buong kwarto niya.
Pinilit na lamang niyang iapak ang mga paa sa sahig at iangat ang sarili para makapaglakad-lakad. Lumabas siya sa kanyang kwarto na may luhaan pa ring mukha. Dumiretso siya sa kusina para magtimpla ng kape. Napatingin siya sa labas ng bintana. May araw na pero parang wala siyang lakas para pumasok ngayon.
Kakahalo pa lamang niya ng tinimplang kape nang tumunog ang doorbell. Napatingin siya sa pinto ng unit niya. Sino naman kaya ang dadalaw sa kanya ng ganito kaaga? Bumaba siya sa pagkakaupo at dumiretso sa pinto. Hindi naman niya akalain ang bubungad sa kanya pagbukas niya niyon. Nakita niya ng pag-aalala sa mga mata ni Lyndon nang magtama ang mga mata nila. Naalala niyang kakatapos niya lang palang umiyak at paniguradong mugto ang mga mata niya. Agad niyang pinunasan ang pisngi gamit ang sariling mga palad.
"Ayos ka lan---"
Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil may biglang yumakap sa kanya na kinagulat niya. Hindi naman agad niya nakilala ang babaeng yumakap sa kanya hanggang sa bitiwan siya nito.
"Katrina! Na-miss kita!"
Nanlaki naman ang mga mata niya nang makilala ang bagong dating. "Iyah?! A-Anong ginagawa mo rito?!"
Mula naman sa likuran ni Lyndon ay sumilip ang lalaking hindi niya inaakalang makikita niya sa araw na iyon.
"Hi, Katrina," bati sa kanya ni Edgar.
"Na-surprise ka ba?" nakangiting tanong ni Iyah.
Sa sobrang pagkagulat niya ay hindi niya magawang magsalita. Hindi niya inaasahan ang mga bisita sa umagang iyon.
"Dumating sila kagabi. Pinilit ako ni Mariyah na makita ka ngayong umaga kaya napilitan akong dalhin sila sa'yo ngayong umaga," paliwanag naman ni Lyndon.
Saglit niya itong tiningnan at tinanguhan saka binalik rin ang tingin kay Mariyah. "Masaya akong nagkita ulit tayo, my fierce eye! Pero teka bakit magkasama kayo ni Edgar?"
Bigla namang nakagat ni Mariyah ang ibabang labi. Tiningnan niya ito ng may pilyong ngiti. Binuksan niya ng malaki ang pinto at pinapasok muna ang mga bisita kasama ni Lyndon.
"Mukhang may ipapaliwanag kayong dalawa sa akin," aniya pagkahatid sa mga ito sa kanyang sala. Si Lyndon naman ay tumuloy sa kusina. Hindi na niya inabalang tanungin kung anong gagawin nito.
Nakangiti lamang sa kanya si Edgar at miminsang napatingin ito kay Mariyah wari ba'y humihingi ng tulong dito. Tumayo naman si Mariyah at lumapit sa kanya. Halos manlaki naman ang mga mata niya at napanganga siya nang tinaas nito ang isang kamay at pinakita sa kanya ang mga daliri nito. Pinukol niya ng masmaang tingin si Edgar.
"You got married without telling me?!" sigaw niya sa dalawa. Bigla naman siyang nayakap ni Mariyah.
"Sorry! Nagmadali kasi si Edgar!" paliwanag ni Mariyah. "Hindi na namin nasabi sayo atsaka alam kong busy ka dito kasi kababalik mo palang."
Bumitaw siya kay Mariyah at lumapit kay Edgar. Narinig naman niya ang hiyaw ni Mariyah nang bigla niyang batukan si Edgar. "Ikaw! Huwag na huwag mong sasaktan ang fierce eye ko! Kundi ako aaway sa'yo!"
Natatawa namang tumayo si Edgar habang sapo pa ang ulong binatukan niya. "I promise, Katrina. Hinding-hindi ko sasaktan si Iyah. Hindi ko sasayangin ang pagod ko para lang patawarin niya ako at pumayag na pakasalan ako, no."
"Mabuti naman," aniya. Binalingan niya ulit si Mariyah at niyakap ito. "Congtratulations! Alam ko namang kayong dalawa ang magkakatuluyan kaya nga kita pinilit na makapasok sa Belworts, e."
Gigil rin ito niyakap siya. Halatang na-miss nila ang isa't isa. Naputol lang kasiyahan nila nang lumabas si Lyndon mula sa kanyang kusina at may dala na itong apat na tasa ng kape.
"Magkape muna tayo." Nilapag nito ang dala-dala sa center table sa sala. Umupo naman ito sa tabi ni Edgar.
Samantalang sila ni Mariyah ay naupo sa katapat na sofa. "Kukuha lang ako ng tinapay." Akmang tatayo na siya nang biglang tumayo si Lyndon.
"Ako na," anito at dumiretso sa kusina niya. Kahit na medyo naiilang siya ay nasundan na lamang niya ito ng tingin. Kahit papaano ay panatag naman ang loob niya dahil kilala na niya ito. Kung ikakaila niyang asawa pa niya ang lalaki.
"Bakit kayo magkahiwalay ng bahay?"
Laking gulat naman niya sa tanong na iyon ni Mariyah na ikinatigil ng mundo niya. Pakiramdam niya ay natanong sa kanya ang pinakamahirap na tanong sa huong mundo.
Tumikhim siya para mawala ang pagkakailang sa tanong ni Mariyah. "B-Bakit? Bakit mo naman natanong?"
"E, 'di ba mag-asawa kayo?"
Sakto namang lapag ni Lyndon ng isang balot ng tinapay sa mesa. Nahiling niya sa mga oras na iyon na sana mabura na sa harapan niya si Mariyah. Sinamaan naman niya ng tingin si Edgar. Nasisigurado niyang ito ang nagsabi 'nun kay Mariyah. Pero ang lokong lalaki nginitian lamang siya. Iniiwas naman niya ang tingin kay Lyndon na umupo sa tabi ni Edgar. Si Mariyah naman ay nakatingin lang sa kanya na parang inosenteng naghihintay ng sagot mula sa kanya.
"Kain na tayo," bigla ay yaya na lang niya para mawala ang usapan sa kanila ni Lyndon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's note!
If you're the only one fighting in a relationship, will it be enough reason now for you to give up?
BINABASA MO ANG
BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #6: Katrina, The Mourning Dame Katrina is a successful fashion designer. She was a known designer and a model-maker all over the world. After her project in the Philippines, she decided to go back where she started, in Si...