Chapter 17

3.2K 54 1
                                    

PININDOT ni Crystal ang floor kung nasaan ang opisina ni Lyndon. Hinilot-hilot naman niya ang kanyang sentido pagkasara ng pinto ng elevator. These past few days were like hell. Parang bumalik na naman ang pagkataranta ng buong DBS building katulad nangyari tatlong taon na ang nakakaraan. Hinintay niya lang ang tamang pagkakataon at mukhang ngayon na nga ang araw na iyon. She stared at the resignation paper that she was holding right now. Isang linggo na ring wala siyang ginagawa dahil isang linggo ng walang paramdam ang kanyang boss slash friend na si Katrina at noong nakaraang araw nga ay nakasalubong niya si Xaniel habang hawak nito ang divorce paper nila Lyndon at Katrina. She sighed in frustration. She didn't expect this thing to happen. Hindi niya akalain naabot pa rin pala ang dalawa sa hiwalayan.

Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator pagkatapos niyang alalahanin ang mga pinagdaan ng mag-asawa, na ngayo'y hindi na. Muntik pa niyang makabungguan ang isang lalaki pagkalabas niya ng elevator. Tinanguhan siya nito bilang paghingi ng despensa kahit hindi naman siya tuluyan nitong nasagi. Naudlot naman ang akma niyang paghakbang nang mapansin ang suot na uniporme ng lalaki.

"Kuya," pigil niya sa lalaki. Mabuti na lamang ay hindi pa ito nakakasakay ng elevator. "Saan ka galing?" usisa niya rito sabay sipat sa suot nito nang humarap sa kanya.

"Ma'am?" tawag ng lalaki sa kanya na may nagtatakang boses.

Tinitigan niya ang suot nito pati ang tatak ng suot nitong red polo shirt. Namilog naman ang mga mata niya nang mabasa ang nakatatak sa polo ng lalaki. Kilala niya ang logo na 'yon. Isa 'yung sikat na brand ng alak sa Singapore. Bigla naman siyang kinutuban sa pakay ng lalaki. "Saan ka galing, kuya?" may takot sa boses niya.

Mukhang nataranta naman ang lalaki sa tanong niya. "S-Sa office po ni Sir Lyndon Saavedra."

"Anong d-in-iliver mo?" halos mangarag ang boses niya.

Nabasa niya ang pag-aalinlangan sa mga mata ng lalaki.

"Kuya!" medyo napalakas ang boses niya

"Ah, M-Ma'am. N-Nagpa-deliver po si Sir Lyndon ng wine. Mahigpit po niyang bilin na huwag na huwag papakita at papasabi sa sinumang makakasalubong ko. Pasensya na po. Trabaho lang. Umorder po kasi siya sa amin online."

"Oh my god!" hiyaw niya. Mabilis na tinalikuran niya ang lalaki at tinakbo ang pinto ng opisina ni Lyndon. "Lyndon!" sigaw niya habang malakas na kinakatok ang into. "Lyndon! Open this damn door! Lyndon!" Malakas ang bawat paghampas niya sa pinto pero alam niyang hindi siya pagbubuksan ni Lyndon.

Hinalungkat niya ang gamit sa loob ng shoulder bag niya at kinuha roon ang kanyang cellphone. Nanginginig ang kamay niyang binuksan iyon at pumunta sa contacts. Hinanap niya ang pangalan ni Xaniel habang mabilis na bumalik sa tapat ng elevator. Wala na ang lalaki na kausap niya kanina. Laking pasalamat naman niya nang bumukas agad ang elevator at mabilis na pumasok doon. Pinindot niya ang floor kung nasaan ang opisina ng Creative Department. Natarantang nagdasal naman siya na bumilis ang pagbaba ng elevator. Pagbukas ay agad siyang pumasok sa loob ng Creative Department.

"Xaniel!" sigaw niya sa binatang abala sa harap ng laptop. Humahangos na lumapit siya sa office table nito.

"Crystal?"

"Si Lyndon nagpa-deliver ng wine! Kumatok ako sa opisina niya pero hindi niya ako pinagbuksan!" sigaw niya sa kaharap.

"Shit!" Mabilis na tumayo si Xaniel at nagmamadaling lumabas ng opisina. Sinabayan naman niya ang pagmamadali nito. "Tawagan mo si Mhike!" utos nito sa kanya.

Nanginginig na ang kamay niya habang hinahanap ang pangalan ni Mhike sa contacts niya. Nakasakay na ulit sila ng elevator ng sagutin ng huli ang tawag niya. "Hindi binubuksan ni Lyndon ang opisina niya! Pumunta ka dito, bilisan mo!" aniya kahit hindi pa nakakapagsalita si Mhike sa kabilang linya. Narinig na lang niya na naputol na ang tawag.

"Lyndon! Open this damn door!" hampas ni Xaniel nang marating nila ang opisina ni Lyndon. "Sisipain ko 'to kapag hindi mo pa binuksan!"

"Hindi siya nagla-lock ng pinto! Buti na lang nakasalubong ko 'yung delivery boy. Napaamin ko siyang nagpa-deliver si Lyndon ng wine!" aniya. Kumakabog naman ang dibdib niya sa sobrang kaba.

Nagpatuloy naman si Xaniel sa paghampas sa pinto. "Ayaw mo talagang buksan, ah!"

Napasinghap si Cystal nang walang prenong sinipa ni Xaniel ang pinto ng opisina ni Lyndon ng malakas dahilan para masira ang doorknob nito. Ang malutong na mura na lamang ni Xaniel ang kanyang narinig nang pumasok ito sa loob. Halos matutop naman niya ang bibig nang mahagip ng mga mata niya si Lyndon na nakahandusay sa sahig habang hawak ang isang bote ng wine.

"Tumawag ka ng ambulansya!" sigaw ni Xaniel.

Mabilis na tinakbo niya ang mesa ni Lyndon kung nasaan ang telephone nito. Mabuti na lang at agad na sumagot ang Cho Chua Kang Hospital at nagpadala siya ng ambulansya. Sunod na nakita niya ay ang pagpasok ni Mhike sa loob. Buhat na nina Xaniel at Mhike si Lyndon na walang malay hanggang sa elevator.

BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon