ABALA si Katrina sa pagsasalanlan ng mga papeles niya sa maleta niya. Napagdesisyunan na niyang bumalik na lamang ng Pilipinas dahil naroon naman talaga ang pamilya niya. Naroon ang anak niya. Magsisimula siya ng bagong buhay sa Pilipinas at mapupuntahanat madadalaw na niya ang mga magulang at anak. Sinasara na niya ang maleta nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Nilukob naman siya ng kaba nang mabasa ang pangalan ng caller. Halos isang linggo nan nag huli niyang makausap si Crystal. Alam niyang masama ang loob nito sa kanya.
"Hello?" saad niya nang sagutin niya ang tawag.
"Masaya ka na ba sa desisyon mo?" Nababanaag niya ang seryosong boses ni Crystal. Medyo nailing siya sat ono ng pananalita nito.
"Crystal," tawag niya sa kaibigan.
"Sinugod namin si Lyndon sa Choa Chu Kang Hospital. Naabutan namin siyang walang malay sa opisina niya." Huminto saglit si Crystal. Hindi naman niya maipaliwanag ang kabang bumalot sa bawat parte ng katawan niya nang marinig ang sinabi nito. Nasa ospital ang asawa niya, dating asawa. "Agaw buhay siya ngayon, Katrina. Alam kong hiwalay na kayo pero sana kahit na bilang kakilala na lang, sana naman lumambot ang puso mo para sa kanya."
Parang paulit-ulit na tinutsok ang puso niya sa sinabi ni Crystal. Ganoon na ba katigas ang puso niya para kay Lyndon? Ganoon na ba kasama ang turing niya rito para sabihin iyon ni Crystal sa kanya? Ganoon na ba siya kamanhid sa pagsusumamo ni Lyndon sa kanya?
"Tumawag lang ako kasi baka sakaling may awa ka pa kahit konti para sa dati mong asawa." Crystal ended the call and left her speechless.
Nasapo naman niya ang sariling dibdib dahil hindi tumitigil sa pagbilis ng tibok ang kanyang puso. Gulong-gulo ang isip niya. Nahilamos niya ang sariling palad sa mukha. Why does it feels like it's her fault?
BINABASA MO ANG
BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #6: Katrina, The Mourning Dame Katrina is a successful fashion designer. She was a known designer and a model-maker all over the world. After her project in the Philippines, she decided to go back where she started, in Si...