Chapter 22

3.7K 61 7
                                    

HALOS isang buwan na ang nakakalipas matapos ang naging operasyon ni Lyndon ay hindi pa rin ito nagigising. Pero malaki pa rin ang pasasalamat ni Katrina na unti-unti nang bumabalik ang normal heartbeat ni Lyndon. The doctors implanted a peacemaker beneath Lyndon's chest skin wherein it helps to control Lyndon's abnormal heart rhythms. The doctor said that the peacemaker uses electrical pulses to prompt the heart to beat at normal minimum rate.

"Matulog ka muna sa sofa. Ako na lang muna ang magbabantay," ani Crystal.

Nginitian niya ito. "Hindi na. Okay lang ako."

Crystal smiled at her. "Huwag ka na masyadong mag-alala. Magigising na si Lyndon anumang oras. We should be thankful that the operation was successful. Bumabalik na ang normal heart beat niya."

Nakangiting napatingin naman siya sa heart rate monitor. "Yes. But still I want to be the first one who Lyndon would see if he wakes up."

Crystal chuckled. "Cheesy. Okay po. Sila Xaniel at Mhike muna nag-aasikaso sa DBS. Siguro after work hours didiretso sila dito."

Tumango-tango siya.

"Bibili muna ako ng makakain. Nagugutom na rin ako."

"Sige."

"May papabili ka ba?"

"Ikaw na lang bahala."

"Okay." Sinundan na lamang niya ng tingin si Crystal hanggang sa makalabas ito ng kwarto ni Lyndon.

Agad naman siyang naupo sa isang monoblock chair na nasa tabi ng higaan ni Lyndon. Kinuha niya ang kamay ng asawa at kinulong iyon sa mga palad niya matapos niyang dampian ng halik. Nakangiting pinagmasdan niya ang mukha ni Lyndon.

Wake up, Lyndon. Aniya sa isip. Maraming nakaka-miss sa'yo. Your friends never leave you. Sila ang mga nakasama ko mag-asikaso sa'yo. You have so much great friends. They already miss you as I miss you so much. Sorry for everything. Sana mapatawad mo pa ako. Sana pumayag kang magsimula tayong muli. She smiled when she remembered what Xaniel said before Lyndon's operation. Walang bisa ang divorce paper nila. It means they are still husband and wife. Natawa na lamang siya sa kanyang sarili. Bakit ba hindi niya man lang binasa ang laman ng brown envelope na binigay sa kanya ni Atty. Cortez? Mabuti na lang pala kinuntyaba ni Xaniel ang abogado na huwag ipapasa sa husgado ang divorce paper.

She was about to stand and get her bag from the sofa and she felt stilled and her eyes were widely opened when she looked at Lyndon's face. Lyndon was straight looking at the ceiling. Lyndon's eyes were open! Mabilis na hinawakan niya ulit ang mga kamay ng asawa at mangiyak-ngiyak na tiningnan ang mukha nito.

"L-Lyndon?" her voice was stammering. "N-Naririnig mo ba ako?" But Lyndon did not respond. Mabilis na pinunasan niya ang luhang bumagsak mula sa mga mata niya dala ng galak at tuwa na nararamdamang binuksan na ni Lyndon ang mga mata. Mabilis na umikot siya ng higaan ni Lyndon at inabot ang intercom at tumawag sa nurse station. "Please, ICU Room 201. The patient opens his eyes!" Narinig lamang niya ang sagot ng nurse pero hindi niya naintindihan dahil ang isip niya'y nasa asawa. Punas ang mga luhang bumabagsak sa pisngi na bumalik siya sa puwesto ni Lyndon. Nanginginig ang kamay na hinaplos niya ang pisngi ni Lyndon. "L-Lyndon? N-Naririnig mo ba ako? I-It's me. N-Nakikilala mo ba ako?" Lyndon did not respond. Diretso lang ang mga mata ni Lyndon na nakatingin sa kisame ng kwarto. Halos minute lang ang lumipas ay dumating na ang mga doktor na tumitingin kay Lyndon kasabay si Crystal na natatarantang lumapit sa kanya at hinila siya palayo ng higaan ni Lyndon.

"He opens his eyes!" natutuwang sabi niya kay Crystal.

"Yes, Katrina. Di' ba sabi ko sa'yo magiging na siya," nakangiting saad ng kaibigan.

BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon