Chapter 27

3.9K 69 0
                                    

"MANANG, pakidalhan naman ako ng isang palangga ng maligamgam na tubig at bimpo."

Maingat na nilapag niya si Katrina sa kama at siniguradong hindi ito magigising. Hinubad naman niya ang suot nitong sapatos. Ilang minute pa ang lumipas ay dumating na ang kasambahay nilang dala ang pinapadala niya.

"Tulungan mo akong punasan siya, Manang," aniya.

Tumango-tango ang kasambahay nila. "Dumating siya rito kanina, iho. Hinahanap ka. Akala ko nga babalik na siya rito sa bahay."

Napatitig siya kay Katrina habang tinatanggal ni Manang ang mga damit nito. Napalunok naman siya nang halos underwear na lang ang suot ni Katrina. "Ahm. Lalabas muna ako saglit. Pakibihisan na lang muna siya ng pajama."

"Sige."

Mabilis na lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa kusina. Nagtimpla siya ng kape at tahimik na sinimsim iyon. This time, he will do everything to make their relationship in good again. He knows, he feels that Katrina also wants the same thing. Hindi nga lang niya inasahan na maglalasing ito sa isang linggong hindi niya pagpaparamdam dito pagkalabas niya ng ospital. Sinadya niyang hindi magpakita dahil may mga bagay siyang inayos bago humarap ulit sa asawa. Mabuti na lamang at sakto lang ang pagbabalik niya nang tawagan siya ni Xaniel na naglalasing si Katrina sa bar nito. Napasalamat na lamang siya at hindi ito inalisan ng tingin ng mga kaibigan niya. Ito ang nagbantay sa asawa habang wala siya.

"Iho, tapos na."

Bigla niyang nalingon si Manang sa entrada ng kusina. "Salamat po. Puwede na po kayong magpahinga, Manang. Malalim na rin ang gabi."

"Dito na ba ulit siya tutuloy?" tanong ni Manang.

Ngnitian niya ito. "She will. I swear."

Ngumiti rin si Manang. "Good night, iho."

"Good night po."

Agad siyang bumalik sa kwarto nila ni Katrina nang maubos niya ang kapeng tinimpla. Nang makalapit siya sa kama at lumuhod siya para mapantayan ang mukha ni Katrina na nakatagilid ng higa. Kitang-kita niya ang maamong mukha ng asawa. How he miss her! He will make sure that he will make it this time. He will not lose it this time. He leans and put a sweet kiss on Katrina's lips that makes his heart trembled. Na-miss niya ang mga labi ng asawa. He took a deep breathe and stood up. Pumasok siya sa bathroom at nag-ayos ng sarili. Paglabas niya ay mahimbing pa rin ang tulog ni Katrina. Maingat na sumampa siya sa kama at marahang niyakap ang asawa sa bewang nito. Siniksik niya ang mukha sa mabangong buhok ni Katrina at nilanghap ang bango niyon. Na-miss niyang makatabi ang asawa sa iisang kama. Sisiguraduhin niyang hindi iyon matatapos sa gabing iyon.

BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon