Chapter 23

3.6K 62 0
                                    

"THE doctors authorized me to talk to him."

Mabilis na lumabas ang mga nurse sa kanyang kwarto. Diretso lang ang mga mata niyang nakatingin sa magkasaklob niyang mga kamao. Napabuntong-hininga siya. Gaano na ba siya katagal nakahiga sa hospital bed na iyon? Napailing-iling na lamang siya. It feels like his body really wants to lay down in such kind of bed.

"Mabuti naman at gumising ka ng gago ka."

Umalpas ang isang pilyong ngiti sa kanyang labi. "Sorry."

"Pati sina Francis at Gerrard ay napabiyahe nang wala sa oras. Pero pinauwi ko na rin sila pagkatapos ng operasyon mo. May mga trabaho sila sa Pilipinas."

Tumango-tango siya.

"So, anong palabas ito?"

Tiningnan niya sa mga mata si Xaniel. Ginalaw-galaw nito ang panga habang hawak ang sariling baba. "Anong ibig mong sabihin?"

"Gago, huwag mo akong lokohin. Wala kang amnesia. Puso mo ang bumagal ang tibok, hindi ang utak mo ang naalog."

He chuckled. Xaniel really knows him well.

"I signed the divorce paper."

Xaniel smirked. "But I did not let Atty. Cortez to pass it to the law office. So, it means she's still your wife, stupid."

Halos mamilog ang mga mata niya sa sinabi ni Xaniel. How stupid he is to tell that he doesn't have a wife?! Argh! Halos mangarag pa ang boses niya ng sabihin niya iyon at pakiramdam niya ay tinusok-tusok ang puso niya nang makita niya sa gilid ng mga mata niya kung paano nag-react si Katrina sa sagot niya kanina. And yes, alam niyang nasa loob rin ng kwarto si Katrina habang tinatanong siya ng mga doktor. Pigil na pigil niya ang sariling lumingon sa puwesto nila Katrina at Crystal kanina kahit na gustong-gusto na niyang bumaba ng kama at yakapin ang asawa.

Mabilis na dinampot niya ang unan sa likod niya at walang anu-anong binato iyon kay Xaniel. "Buwesit ka! Bakit hindi mo agad sinabi?!"

"Lah! Kararating ko lang!" Sabay bato pabalik sa kanya ng unan. "Gago ka, e! Inasikaso ko kaya 'yung DBS habang mahimbing kang natutulog at si Katrina walang pahingang nagbabantay sa'yo!"

Nahilamukos niya ang mga palad sa mukha. "Nasaan si Katrina?"

"Pinauwi ko."

"What?!"

"Sabi ko huwag ka munang dalawin."

"Xaniel!"

Pero ang walanghiya niyang kaibigan ay tinawanan lang siya. "It's your fault, duh! Pa-'I don't have a wife' ka pang nalalaman, ah! Pinauwi ko kay Crystal para makapagpahinga."

Naikuyom niya ang mga kamao at gustong-gusto na niyang sapukin ang kaibigan. Saktong bumukas naman ang pinto ng kanyang kwarto at pumasok si Mhike.

"Aba, ginagalit mo na agad 'yong pasyente natin," ani Mhike kay Xaniel.

"Nasaan sina Katrina?" ani Xaniel.

"Naisakay ko na ng taxi," sagot ni Mhike.

Nginisian naman siya ni Xaniel. "Nakauwi na."

"Gago!" sigaw niya rito.

"Woah!" si Mhike na nagulat. "What's happening?"

"Guilty," si Xaniel.

Tinawanan naman siya ni Mhike. "Love makes you stupid."

"Tse!" sigaw niya. "Lumayas na kayong dalawa! Sinamantala niyo habang wala akong malay, no!"

"Sinong tangang naglasing kahit alam niyang bawal?"

Inismiran niya lang ang mga kaibigan. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang reaksyon ni Katrina kanina. Ano nang gagawin niya? Babalik na naman ba siya sa umpisa? Parati na lamang ba ganito ang madadatnan niya tuwing gigising siya?

"Sinabi na namin sa kanya ang sitwasyon mo at lahat ng nangyari limang taon na ang nakakalipas."

Hindi makapaniwalang napatitig siya sa seryosong mga mukha ng dalawa niyang kaibigan. Alam na ni Katrina lahat?

"Seriously?"

"Seriously."

Wala sa sariling naibagsak na lamang niya ang katawan pahiga sa hospital bed. Sapo ang mukhang hindi na niya alam ang gagawin. Parang ang daming nangyari habang wala siyang malay. Paano na siya haharap kay Katrina nito? Paano na ulit babawi?

"She understands, by the way."

He sighed. "Sana nga."

BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon