PILIT pinasilay ni Katrina ang isang masiglang ngiti nang lumabas mula sa kanyang kotse nang maiparada niya iyon sa labas ng Café Xaniels sa Orchard. Kahapon lang ay nakasagutan niya ang may-ari 'nun pero look at her now, nandito siya sa pagmamay-ari nito pero mabuti na lamang ay hindi niya makikita dito ang pagmumukha ni Xaniel. Alam niyang nandoon 'yun sa DBS. Halos limang taon nang namamalagi ang lalaki sa kumpanya nila kahit na may dapat itong asikasuhing negosyo. Hindi niya nga alam kung bakit mas naglulungga iyon sa DBS kaysa dito sa café na pagmamay-ari.
Sinalubong siya ng isang babae na halos aksing edad niya lamang at kung hindi siya nagkakamali ay Sara ang pangalan. "Welcome back, Ms. Katrina. Nakabalik ka na pala."
Tinanguhan niya ito. "Sara. Nice to see you again."
"Hindi mo kasama si Sir Lyndon?"
Bigla siyang napangiwi sa tanong nito. Pilit naman niyang hindi mawala ang ngiti. Hindi rin naman niya ito masisisi dahil wala naman itong alam sa personal na nangyayari sa kanila. "Wala. Nasa work. May iba akong kasama. Parating na rin iyon. Table for two."
"Sige po," anito. Iginiya siya nito sa pangdalawang upuan sa bandang kaliwa ng café na tanaw ang kalsada sa samaling pader nito. "Oorder ka na ba, Ms. Katrina?"
Ngumiti siya. "Coffee mocha."
"Tulad pa rin ng dati," nakangiting saad nito. "Dalawa na ba?"
Tumango siya. "Yes. Parating na rin ang kasama ko. Pati two slice of chocolate mousse."
Tinanguhan siya nito bago umalis. Ilang minute lang ang lumipas ay dumating na rin ang katagpo niya. Mabuti na lamang ay nakita siya agad ni Mariyah pagkapasok nito sa loob ng café. Nakipagbeso ito sa kanya bago umupo sa kaharap niyang upuan.
"Matagal ka bang naghintay?" nag-aalalang tanong nito.
"Umiiling-iling siya. "Nope."
Tumingin ito sa labas. "Hinatid lang kasi ako ni Edgar. Tapos didiretso iyon sa DBS para ipagpatuloy ang meeting na naudlot kahapon." Nakita niya ang pagkagat nito sa ibabang labi na alam niyang ilang nang sabihin nito ang huling sinabi.
Nginitian naman niya ito. "Mas mabuti na rin siguro iyon na wala ako para maayos nila."
Hinawakan nito ang mga kamay niyang nakapatong sa mesa. "Ano ba kasing nangyari, girl? Nagulat ako kahapon, ah. Hindi kami handa ni Edgar. Pareho kaming speechless sa pagsasagutan niyo lalo na ng mga kaibigan ni Lyndon."
Pero bago siya makasagot ay nakabalik na si Sara dala ang mga inorder niya para sa kanila ni Mariyah.
"Enjoy your stay," ani Sara.
"Thanks, Sara."
Tumingin siya kay Mariyah nang makaalis na ang huli. May pag-uusisa sa mga mata nito. Alam niyang hindi siya palalabasin nito hanggat hindi siya nagsasabi ng totoo. Halos ito kasi ang nakasama niya sa Pilipinas nang umalis siya ng Singapore para iwasan si Lyndon.
"Totoo bang pumunta ka ng Pilipinas para lang iwasan si Lyndon?" anito habang sumisimsim sa coffee mocha. "So, hindi ka talaga nasa Pilipinas para sa isang project. Nagkataon na nakita mo ako sa gilid ng highway at pagod na pagod kaya bigla kang nagkaroon ng plano na pagkaabahalan at ako 'yon?"
Tiningnan niya ng matiim ang mga mata ng kaharap. Hindi naman talaga niya akalain na makikilala niya si Mariyah pagkagaling niya kay Daniel. Maybe, because of too much heartaches and sadness, nakita niya sa gilid ng Aguinaldo Highway si Mariyah, at ito ang naging daan niya para pansamantalang makalimutan ang masasakit na nangyari sa buhay niya.
"Totoo bang may dinalaw ka sa Cavite kaya nakita mo ako doon?" tanong ni Mariyah habang nakatingin sa kanya. "Kasi after 'nun, hindi ka na nagbabalik ng Cavite at tinuon mo ang pansin sa akin?"
BINABASA MO ANG
BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #6: Katrina, The Mourning Dame Katrina is a successful fashion designer. She was a known designer and a model-maker all over the world. After her project in the Philippines, she decided to go back where she started, in Si...