NANGINGINIG ang mga kalamnan ni Katrina habang nakatingala sa building ng Choa Chu Kang Hospital. Kanina pa gumugulo sa isip niya kung pupunta ba siya o hindi. Pero parehong sinisigaw ng puso at isip niya puntahan ang dating asawa. Pagkatapos niya ng entrance ng hospital ay dumiretso siya sa front desk.
"Good morning," bati niya sa babae sa front desk. "Can I ask about the room of Mr. Lyndon Saavedra?"
"Let me check, Ma'am," ani ng babae. Tumingin ito sa monitor ng computer at nagtipa sa keyboard. Pagkatapos ng ilang segundo ay binalingan siya nito. "Mr. Lyndon Saavedra is currently in ICU. Second floor, Ma'am. Room 201."
"Thank you," aniya. Nasapo naman niya ang dibdib nang malamang nasa ICU si Lyndon. Ganoon na ba ka-delikado ang lagay nito? Mabilis na tinahak niya ang hakdan. Halos manginig ang tunod niya bawat hakbang pataas ng second floor ng ospital. Hinanap naman niya agad ang room ni Lyndon. Halos marating niya ang dulo ng hallway bago nakita ang room number. Halos lukubin siya ng konsensya nang masilip niya si Lyndon mula sa salaming bintana ng pinto. Mariin niyang naipikit ang mga mata. Parang hindi niya kayang pagmasdan ang lalaki sa dami ng IV na nakadikit sa balat nito. Nilakasan na niya ang loob at tinulak ang pinto ng kwarto ni Lyndon. Halos dumagundong ang puso niya nang magtama ang mga mata nila ni Mhike na nakaupo sa sala. Katabi nito si Xaniel na nakatungo habang sapo ng mga palad ang mukha.
"Anong ginagawa mo rito?!"
Halos mapatalon naman siya sa lakas ng sigaw sa kanya ni Mhike. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito. Napaatras naman siya nang tumayo ito at akmang susugurin siya per agad na napigilan ito ni Xaniel.
"Do you still have the guts to come here after what you have done to Lyndon?! Gusto mo ba talaga siyang mamatay?!" bulyaw sa kanya ni Mhike habang pigil ito ni Xaniel na makapalit sa kanya.
"Stop it, Mhike," kalmadong sabi ni Xaniel. Tinulak nito si Mhike pabalik sa sofa. Napalunok naman siya nang lingunin siya nito. "What are you doing here?" mahina lang ang boses ni Xaniel pero ramdam niyang may galit.
"Tinawagan ako ni Crystal," sagot niya.
Napatungo naman siya nang humakbang si Xaniel palapit sa kanya. Ramdam niya ang galit sa kanya ng dalawang lalaki. Hindi na siya nagulat nang hawakan siya ni Xaniel sa braso niya nang may higpit. Napasunod na lamang siya rito nang hilahin siya palabas ng kwarto. Malayo na sila mula sa kwarto nang bitawan siya ni Xaniel. Hindi niya ata kayang salubungin ang mga mata nito pero may nag-udyok sa kanyang gawin. Iniangat niya ang mukha at nakita niyang nakasandal na ito sa katapat niyang pader.
"Bakit ang damot mo, Katrina?"
Nakagat naman niya ang ibabang labi sa tanong ni Xaniel. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata ni Xaniel na diretso ang tingin sa kanya. Gusto niyang magtanong kung anong nangyari pero wala siyang lakas para magsalita.
"When I was in high school, I met Lyndon. We are not yet friends that time. Actually, kalaban ko siya sa pagiging SSG President ng Standford School. Lyndon is so competitive. Alam kong alam mo 'yan dahil ikaw mismo ay nakalaban mo siya during your college days. Determinado akong talunin siya. Ego, you know. Hindi ko matatanggap na matatalo ako ng isang Lyndon Saavedra. Naglaban kami. Debate. School discussion. General assembly. Kaso after the election, talo ako. Natalo niya ako. Hindi ko matanggap. Hinamon ko siya sa labas ng school." Xaniel chuckled. "I was with my friends at the back of school building, waiting for him. Dumating siya. Mag-isa. But he didn't come to fight against me. Sinabi niyang bababa siya puwesto kung hihilingin ko." Xaniel laughed. "Handa siyang bumaba sa puwesto at ibibigay niya sa akin ang posisyon niya. Nainsulto ako sa sinabi niya. I just wanted a one good punch on his face."
Nakita niyang nag-iwas ng tingin si Xaniel pero nahagip ng mga mata niya ang pagkislap ng mga mata ng binata. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito.
BINABASA MO ANG
BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #6: Katrina, The Mourning Dame Katrina is a successful fashion designer. She was a known designer and a model-maker all over the world. After her project in the Philippines, she decided to go back where she started, in Si...