Chapter 28

4.7K 65 5
                                    

MASAKIT pa ang ulong napabalikwas ng bangon si Katrina. Sapo niya ang sentido at hinihilot-hilot iyon. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at halos manlaki iyon nang tumambad sa kanya ang hisang kwartong pamilyar na pamilyar sa kanya. That room? That room makes her remember the most memorable moments in her life. Paanong nakarating siya roon? Anong nangyari kagabi? Ang naalala niya lang ay nag-iinom sila ni Crystal sa Xaniels Bar and Grill? And then she woke up herself here? At halos lumuwa ang mga mata niya nang balingan niya ang kama kung saan siya nakahiga. Ganoon na lang kabilis ang tibok ng puso niya nang makilalakungs inong katabi niya sa kama at nakayakap sa bewang niya.

Lyndon? Parang bumagal naman ang galaw niya habang unti-unting inilalapit ang kamay sa mukha ng lalaking mahimbing pa rin ang tulog sa tabi niya. At halos mapigtas ang paghinga niya nang maramdamang hindi siya nananaginip at totoong katabi niya nga ang asawa. Maraming tanong ang umaandar sa isip niya pero mas nanaig ang kaligayahan na nasa tabi na niya ang lalaking maghapon niyang hinanap kahapon. Bumalik siya sa pagkakahiga habang nakaharap sa mukha ni Lyndon. Sinapo niya ang pisngi ni Lyndon. Kumawala naman ang isnag butil ng luha mula sa kanyang mata. She felt the happiness within her heart. Katabi na niya ang asawa. Hindi na niya napigilan ang sarili at mabilis na niyakap ang asawa. Siniksik niya ang mukha sa balikat nito. She smiled when she heard Lyndon groaned. Mukhang nagising niya ang lalaki mula sa pagkakatulog nito pero hindi niya ito binitawan bagkus mas lalo niya itong niyakap ng mahigpit.

"Katrina," tawag sa kanya ni Lyndon. "I can't breathe."

At mabilis na binitawan niya ito. "I'm sorry." Tarantang hinawakan niya ang mga braso nito. "I'm sorry! I'm sorry! Are you okay?!"

Ngingising umupo sa kama si Lyndon. "I'm okay," anito at sinapo ang magkabila niyang pisngi. "Because you're here."

"Lyndon," aniya. Hindi na niya namalayang humihikbi na pala siya at tumutulo na ang mga luha niya. "I'm sorry. I should not let you face this alone. I'm sorry. Please forgive me. I promise, I will not runaway anymore and be in your side forever. Kung inalam ko na lang sana kung bakit hindi ka nakasunod, hindi sana nagkaganito ang relasyon natin."

"Hush, I don't wanna see you cry again," alo ni Lyndon. Pinunasan nito gamit ang daliri ang mga luhang tumulo sa kanyang pisngi.

Umiling-iling siya. "No. It's my fault afterall. Asawa mo ko pero iniwan kitang mag-isa. Hinusgahan agad kita. Nagalit ako kasi hindi ka man lang nagparamdam sa akin. Pero mas masakit pala ang naramdaman mo. Wala man lang ako sa tabi mo habang nag-aagaw-buhay ka. Ni wala ako sa tabi habang nakikipaglaban ka sa sakit mo. Siyam na taon pero hindi ko man lang napansin na may piangdadaanan ka pala. Ang sama-sama ko. I'm so sorry. Dapat inalam ko muna ang nangyari sa'yo. Please, forgive me."

Niyakap siya ni Lyndon at hinimas-himas ang buhok niya. "Tahan na. Nasasaktan ako kapag nakikita kang umiiyak ng dahil sa akin. Hindi ako galit. Never in my life that I will be mad at you. Kahit ano pang isipin mo, kahit ano pang gawin mo, iintindihin kita. Asawa mo ako at mahal na mahal kita. It's not your fault afterall. Hindi ko sinabi. Hindi ako nakahanap ng pagkakataong sabihin sa'yo. Ayoko kasing masira ang relasyon natin ng dahil lang sa sakit ko. I'm sorry kung pinag-alala kita. Hindi ko ginustong mag-alala ka masyado sa akin. Kahit ilang beses pang bumagal ang tibok ng puso ko, lalaban at lalaban ako para sa'yo. Hinding-hindi kita iiwan. Pangako 'yan."

Para namang niyakap ang puso niya sa sinabing iyon ni Lyndon. She never asks why she deserve a man like him but she wants to ask now. Bakit nga ba binigyan siya ng Panginoon ng isang Lyndon Saavedra. Isang lalaking iintindi sa kanya at hindi sumusuko kahit pa ipagtulakan niya ito palayo.

"Hindi ka nagparamdam pagkalabas mo ng ospital. Nag-alala ako. Hinanap kita," aniya sa pagitan ng paghikbi. "Nabaliw na ko kakahanap sa'yo. Umalis ka pa sa condo unit sa Hillsta."

Naramdaman niya ang paghigpit ni Lyndon sa yakap sa kanya. "Gusto ko kasing umuwi na tayo dito." Pinakawalan siya saglit ni Lyndon at pinagtama ang mga mata nila. "Umuwi ka na dito. Hindi ko na kayang magtagal pang hindi kita nakakasama ulit sa iisang bubong."

Nakagat niya ang ibang labi at marahang tumango. "Okay. Babalik na ko."

Ganoon na lamang ang ngiti ni Lyndon sa sinabi niya. "Talaga? Uuwi ka na dito? Na-miss ka nila Manang. Tinanong niya ako kagabi kung dito ka na raw uuwi ulit. Pinangako kong papauwiin na kita dito."

Napangisi naman siya sa sinabi nito. "Nagkita nga kami kahapon ng dumating ako."

"Noong nakaraang araw, umalis ako. Pumunta ako ng L.A. Dinalaw ko sila mama dahil nabalitaan nila ang nangyari. Nagpakita muna ako saglit at baka atakihin na sa puso si mama kakaalala sa akin."

Nilukob naman ng pag-aalala ang puso niya. "Kumusta si mama? Okay naman?"

Tumango-tango si Lyndon. "Dadalaw siya rito next week. Gusto ka niyang makita. Miss ka na niya. Ipagluto mo raw siya ulit."

Natawa naman siya sa sinabi nito. "Okay."

Napangiti naman siya nang pagdikitin ni Lyndon ang mga noo nila. "I booked our flight for tomorrow. Pupunta tayo ng Pilipinas."

Namilog ang mga mata niya sa sinabi ni Lyndon. Umawang ang bibig niya pero hindi siya nakapagsalita. Hindi niya alam ang sasabihin. Bigla siyang kinabahan sa ibig sabihin niyon.

"I want to see Daniel." Napabuntong-hininga muna si Lyndon bago nagpatuloy. "I might not be the best dad in the world but still I want to be the best dad for Daniel. I know limang taon na ang nakakalipas at mukhang huli na para makabawi ako pero simula ngayon hanggang sa dulo ng buhay ko, babawi ako sa kanya."

"Lyndon," aniya. Hinawakan niya ang pisngi ng asawa at hinawi ang luhang bumagsak roon. "Daniel will be happy to see you."

"S-Sana nga," ani Lyndon. "Alam kong malaki ang pagkukulang ko sa kanya bilang isang ama. At gagawin ko ang lahat para makabawi sa kanya. Mahal na mahal ko ang anak natin. Mahal na mahal ko kayo. Kayo ang buhay ko, Katrina."

Her heart beats in trembled. He can still make heart flattered. This man always make her remember why she fall in love with him. All over again.

"Will you marry me?"

Halos matuod naman siya sa narinig. Hindi niya inaasahan ang mga salitang iyon mula sa bibig ni Lyndon. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nakahuma sa pagkagulat.

"What?"

Pero imbes na sagutin ay nginitian lang siya ni Lyndon at mabilis na bumaba ng kama. May kinuha ito mula sa bedside table saka bumalik at humarap sa kanya.

"I know. We already got married but I want to start again with our new life, new hope. Without any problem. Without any secret. You and me will start a new beginning," ani Lyndon.

At halos pigil niya nag hininga nang iharap sa kanya ni Lyndon ang isang maliit na red box at buksan iyon. Tumambad sa kanya ang isang diamond ring. Hindi pa rin makapaniwalang napatingin siya kay Lyndon.

"Katrina," nakangiting tawag sa kanya ni Lyndon. "I want to start a new beginning with you. Will you marry me, again?"

Natutop niya ang bibig ng sariling mga palad at hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ni Lyndon. Pero nagagalak ang kanyang puso sa pinapakitang pagmamahal ng lalaki.

"Yes! I want to marry you again!"

Naluluhang pinagmamasdan niya ang diamond ring na sinusuot ni Lyndon sa kanyang palisinsingan.

"I love you, Katrina. Always and forever."

Tiningnan niya ang lalaki ng may buong pagmamahal. "I love you, too. Everyday."

She just found Lyndon's lips on hers. How she miss his kisses. She encircled her arms on Lyndon's neck when she felt him deepen the kiss. What a sweet good morning kiss.

BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon