"PUPUNTA na ako ng conference room, Crystal. Ikaw na lang muna ang bahala rito."
Ibinaba niya ang ilang folder sa table ni Crystal pagkalabas niya ng kanyang office. Akmang tatalikuran na sana niya ito ng hawakan nito ang braso niya dahilan para mapatingin siya rito ng may nagtatakang mga mata.
"Dalhin mo 'to," sabay abot sa kanya ng isang baso. "Coffee mocha shake. Baka matagalan kayo sa meeting, e, lumabas ako kanina para bumili ng maiinom tapos naisip kita. Bayaran mo 'yan, ah."
Sinamaan niya ito ng tingin. "Matutuwa na sana ako. Kaso babayaran ko pa rin pala."
Ngumiti ito. "Joke lang. Sige na baka hinihintay ka na ng lovey-dovey future ex-husband mo."
Inismiram niya lang ito saka sumimsim sa coffee mocha. Nakita pa niyang ngumisi si Crystal bago niya ito tinalikuran. Minsan talaga may sapak ang babaeng iyon.
"Mrs. Saavedra!"
Gusto naman niyang batuhin si Mhike ng hawak niyang coffee mocha shake nang bigla siyang tawagin nito sa pangalang iyon pagkapasok niya ng conference room. This jerk! How dare him to call me that way! Pilit ang mga ngiti niyang ibinigay rito. Naupo siya sa pinakadulong upuan sa likuran. Ayaw niyang makiusyoso sa mga business partners ni Lyndon. Napadako naman ang tingin niya sa harapan. Nakita niya si Xaniel na inaayos ang sound system samantalang si Mhike ay nilalagay na sa mesa ang mukhang report na pag-uusapan sa meeting.
"Nice seeing you back, Mrs. Saavedra," may pilyong bati sa kanya ni Mhike nang makalapit ito sa kanya sabay abot ng isang folder.
"Don't call me like that," aniya sa mababang tono pero may pananakot.
Pero syempre, Mhike is the kind of a guy that would never listen to others. "But why? Still, you are. Unless, pirmahan ni Lyndon ang divorce paper but I bet that would never happen."
Sabay bukas ng dalawahang pinto ng conference room at iluwa noon ang pinakahuling lalaking gusto niyang makita sa tanang buhay niya.
"Oh, speaking of," biglang lapit ni Mhike sa bagong dating at tinapik ito sa balikat. "Mr. Saavedra!" tawag nito na may pagpipigil ng tawa. "Your wife is here!" May pagdidiin sa salitang ayaw na ayaw na niyang itukoy sa kanya.
Hindi siya nag-abalang tapunan ito ng tingin. Diretso lang ang mga mata niya kay Xaniel na nag-aayos sa harapan hanggang sa makita niya sa gilid ng mga mata niya sina Mhike at Lyndon na papunta sa harapan. Kinuha na lamang niya ang coffee mocha na nilapag niya kanina sa mesa at ininom ang laman noon. Pagkababa ng baso ay nakita niyang nakatingin sa kanya si Lyndon, ay hindi, sa hawak niyang coffee mocha. Hindi niya alam kung tama ba ang nakita niyang pagkislap sa mga mata nito pero agad ring nabura at pinagtuunan nito ang folder na kanina'y kinalat ni Mhike sa mahabang mesa.
PINILIT niyang hindi mapangiti habang nakikita niya sa gilid ng mga mata niya na ininom ni Katrina ang binigay niyang coffee mocha shake na pinaabot niya sa sekretarya nito. Still, he can trust Crystal.
Isa-isa nang dumating ang nga board members niya. Maging sina Mhike and Xaniel ay nakiupo na rin sa misming harapan. Alam namn niyang hindi niya mapapalipat si Katrina sa bandang unahan. Nakita naman niyang isa-isa itong binabati ng mga board members.
"Our sales reached its target of 15% for the last two months. Sofistikada has been the most requested fashion magazine in Singapore due to highly recommended fashion styles for women. And we already send some copies outside the country, like in Malaysia, China and Thailand. Next month, we will release our first copies in America due to highly recommendation of known magazine there. While DBS Men reached its highest sales last month for past three years." Hinanda naman ni Xaniel ang PowerPoint Presentation na ginawa niya para ipakita ang summary ng sales ng DBS. "Halos 500,000 copies na ang nailabas natin para sa DBS Men for the last two weeks. And I still received some e-mails from known stores that they are requesting some copies. Mailalabas natin ang iba for the next two weeks."
Pinakita naman ni Xaniel ang ilang stores kung saan nai-distribute ng mga copies ng DBS Men and some stores tahtbare still requesting for some copies.
"How about the other countries that we targetting to distribute our magazines?" biglang tanong ng isang board member.
"I already talked with a known publishing house in Japan and Korea. And still, we are working with the agreement. While, in the Philippines, I already talked about it with Mr. Edgar Belgrad since his Belworts Publishing is very known in their country. We already have a schedule for the signing of contract," aniya bilang sagot.
Sunod-sunod na palakpak na lamang ang narinig niya mula sa kanyang mga board member. Napangiti naman niya nang makitang natuwa ang mga ito sa result of their sales for the last month.
"And for the agenda for the next month, I and Mr. Belgrad will have a collaboration with their magazine since my wife had a project with them. We planned to feature their models and they will feature our magazines in return. That is just a part of the agreement. And still, we will talk again." Sinara na niya ang folder na hawak. "Any questions?"
Umiling-iling ang mga board members niya. "Good job, Mr. Saavedra. If you need something, don't hesitate to ask us."
Ngumiti siya bilang tugon. "Thank you so much. This meeting is dismissed." Isa-isa siyang kinamayan ng mga board members niya bago mga ito lumabas ng confernce room. Naiwan na lamang silang tatlo nila Xaniel at Mhike. Inaayos ng dalawa ang mga ginamit sa meeting.
"You still have the gut to call me your wife?"
Bigla siyang napalingon sa kanyang likuran at laking tuwa nang makita niya si Katrina pero nakakunot ang noo nito sa kanya. Nginitian niya ito at hinawakan ang pisngi nito pero agad nitong hinawi.
"Because you are my wife," pagdidiin sa boses niya. "That will never change, Katrina." Sabay kindat dito na ikinaikot lang ng mata nito.
"Lyndon!" tawag sa kanya ni Xaniel. Napatingin siya rito na nasa pinto na pala ng confernce room. Katabi nito si Mhike na may nakakalokong ngiti.
"Cafè Xaniels tayo mamaya! Sa Orchard!" sigaw ni Mhike. "Mangchi-chix tayo!" Sabay labas ng dalawa sa conference room.
Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinigaw ni Mhike. Shit! Humanda ka sa akin mamaya, Mhike! Humarap ulit siya kay Katrina pero bigla siya nitong tinalikuran. Mabilis ang mga hakbang nito na lumabas ng conference room.
Buwisit talaga kayong dalawa sa buhay ko!
BINABASA MO ANG
BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #6: Katrina, The Mourning Dame Katrina is a successful fashion designer. She was a known designer and a model-maker all over the world. After her project in the Philippines, she decided to go back where she started, in Si...