Chapter 14

3.2K 55 3
                                    

"AKALA ko ba girls' night out?"

She didn't know how to feel when Crystal brought her here in Xaniels Bar and Grill. Tiningnan ni Katrina ang kaibigan ng masama nang marinig niyang ngumisi lang ito sa tanong niya. Nakita naman niyang lumabas ng back seat ng sasakyang dala nila si Mariyah. Sinundo na lamang nila ito sa tinutuluyan nitong hotel kasama si Edgar.

"Bakit? Anong problema?" walang kaalam-alam na tanong ni Mariyah.

"Girls' night out?" painosenteng sabi ni Crystal.

"Bar and Bread pala?" sarkasmong saad niya habang hindi mapoknat ang nakakalokong ngiti ni Crystal.

"I have just realized that that place is boring. Hindi naman siguro natin makikita dito ang asawa mo kasama ang mga kaibigan niya." Parang wala lang rito ang mga sinasabi samantalang ito ang nagbukas ng usapan tungkol sa wedding anniversary nila ni Lyndon kanina habang nasa biyahe sila.

"Hindi dapat kita hinayaang hawakan ang manibela," iritang saad niya pero alam naman niyang hindi iyon papansinin ni Crystal.

"Let's go!" sigaw ni Crystal. Hinila nito si Mariyah papasok ng bar. Saglit palang na nakakakilala nito kay Mariyah pero biglang nakalimutan ata siya.

Wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa dalawa. Ang saliw ng mga ilaw at malakas na tugtugan ang sumalubong sa kanila. Ito ang ayaw niya sa mga ganitong lugar, maraming tao. Hanggat maaari ay ayaw niyang nakikisalamuha sa maraming tao. Inirapan niya ang mga taong nagsasayawan sa dance floor. Sinundan niya ang dalawa hanggang sa umupo mga ito sa bandang gilid lang ng stage kung saan may live band na tumutugtog.

"Mas tahimik sa Bar and Bread," pinagdiinan niya.

"Kaya nga boring," umikot ang mga mata ni Crystal. "At least dito my live band. Mas enjoy."

"Wala naman ditong naghuhubad na mga lalaki, no?" sigaw ni Mariyah dahil sa sobrang lakas ng tugtog.

Bigla naman humagalpak ng tawa si Crystal dahil sa sinabi ni Mariyah. "Oh my god! Of course, wala, Mariyah! Just a live band. Don't worry too much. Hindi magagalit si Mr. Belgrad!" Nagsisigawan na ang dalawa.

"Ayaw rin ni Xaniel ng ganoon! Kaya huwag kang mag-aalala!" sigaw naman niya para magkarinigan sila.

Umaliwalas naman ang mukha ni Mariyah sa sinabi nila.

May lumapit namang waiter sa kanila. "Your order, Ma'am?"

"One Margarita, please," sigaw ni Crystal. "How about you, Mariyah?"

"Hindi ako umiinom," saad ni Mariyah.

"Just a sim. Make it two," ani Crystal sa waiter.

"How about yours, Ma'am?" tanong naman sa kanya ng waiter.

"One Daiquiri, please," aniya.

Tumango naman ang waiter bago sila iniwan. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na rin ang order nilang inumin. Tahimik lang siyang sinisimsim ang inumin niya habang abala ang dalawang kasama niya magkwentuhan. Hindi na niya inabala ang dalawa dahil ngayon lang nagkakakilala ang dalawang kaibigan niya. Kuntento na sana siya sa pag-inom at pakikinig sa musikang umaalingawngaw sa buong bar nang bigla naman siyang pagtuunan ng pansin ni Crystal.

"This is how we celebrate their wedding anniversary," panunukso sa kanya ni Crystal.

Pinukol niya ng masamang tingin si Crystal. Kung hindi niya lang kaibigan ito ay kanina pa niya ito sinabunutan.

Tumingin naman sa kanya si Mariyah.

"Don't ask me, please," inunahan na niya ito bago pa ito makapagsalita.

BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon