MABILIS na bumaba ng stage si Lyndon pagkatapos ng kanyang kanta. Inabot naman niya kay Xaniel ang ginamit na gitara. Alam niyang suntok sa buwan ang ginawa niya pero hindi siya papayag na matapos ang araw na hindi man lang nakakasama ang asawa. Kaya nga pinilit niya pa kanina si Cyrstal na sa Xaniels Bar and Grill dalhin si Katrina kaya mabilis na hinanap ng mga mata niya ang asawa pagsampa palang niya ng stage. Laking pasalamat na lang talaga niya na dinala talaga ni Crystal si Katrina sa nasabing lugar kahit irap lang ang natanggap niyang tugon mula sa sekretarya ng asawa. Sinalubong naman siya ni Mhike pagbaba niya ng stage at inabot sa kanya ang isang bouquet ng white roses.
"Siguraduhin mong hindi ka papalpak dito, Lyndon," may banta ang sinabing iyon ni Mhike nang iabot nito sa kanya ang bulaklak.
Tumango na lamang siya bilang tugon. Nilampasan niya ito at nagtuloy-tuloy hanggang sa marating niya ang puwesto nila Katrina. Nakatungo si Katrina habang sapo ng dalawang palad nito ang mukha. Para siyang tinusok sa puso ng paulit-ulit nang makita niyang tumulo ang mga luha nito kanina habang nakanta siya. Alam niyang nakita siya ni Katrina dahil nagtama ang mga mata nila kanina. Narinig naman niyang tumikhim si Crystal na nakaupo sa katapat na upuan ni Katrina. Nakita naman niyang namilog ang mga mata ni Mariyah nang iangat nito ang mukha at nakita siyang nakatayo sa gilid ni Katrina.
Tumayo si Crystal at tiningnan siya ng masama. "Make it fast, Lyndon. And make sure hindi na ulit siya iiyak o ako sasapak sa'yo kahit CEO ka pa ng kumpanyang pinagtatrabahuan ko." Binalingan naman nito si Mariyah. "Iwan muna natin sila, girl. May susubok ulit ditong magpaamo sa mabangis na leon." Hindi na nito hinintay ang sagot Mariyah bagkus ay mabilis nitong hinila ang pulsuhan ng asawa ni Mr. Belgrad.
Napabuntong-hininga muna siya bago hinila ang isang upuan at pumwesto sa harapan ni Katrina. Binaba niya ang bulaklak na hawak sa mesa at hinawakan ang dalawang pulsuhan ni Katrina at binaba iyon para makita niya ang mukha ng asawa. Bigla naman niyang nilukob ng guilt nang makitang basang-basa ang mukha nito dahil sa kakaiyak.
"Sorry." He felt like sorry to see her in such kind of situation. Alam niyang sobrang sakit ang nagawa niya noon pero hindi siya susuko hanggang sa maging maayos ang relasyon nila. Iniangat niya ang mga kamay para punasan ang mukha ni Katrina. Para siyang malulunod sa titig ni Katrina. Matiim lang itong nakatingin sa mga mata niya habang tinutuyo ang mukha nito. "Sorry. Hinding-hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa nagawa hanggang sa mapatawad mo ako. I don't like to happen. Ayokong iwan ka at magluksa mag-isa. Hindi ko sinasadyang hindi makapunta. Hindi ko sinasadyang hindi ka madalaw. Hindi ko ginustong mag-isa mong harapin ang nangyari. I swear, kung binigyan ako ng pagkakataong makapunta, that day I wanted to see you so bad dahil alam ko kung gaano kasakit nangyari. Katrina, anak ko rin si Daniel at sobrang sakit sa akin namawalan ng anak. Kung gugustuhin ko mang pumunta at umuwi, ginawa ko na pero talagang hindi lang ako binigyan ng pagkakataon. Nawalan na ako ng anak, ayoko ng mawalan pa ng asawa. Please, forgive me. Babawi ako. Promise. Huwag mo kong iwan. Dito ka lang." Hindi na niya namalayan ang mga luhang bumagsak sa kanyang mga mata. Pinagdikit niya ang mga noo nila ni Katrina. Mariin siyang napapikit at pilit pinipigilan ang hikbing gustong umalpas mula sa kanyang dibdib. "Katrina, please, patawarin mo na ako. Huwag mo kong iwan. Dito ka lang."
"L-Lyndon."
"Katrina, I'll do everything for you to forgive me."
Inilayo ni Katrina ang mukha sa kanya at binawi ang mga kamay mula sa pagkakahawak niya. Nagsusumamo ang mga matang hinuli niya ang mga mata ng asawa. Pilit niyang hinahawakan ang mga kamay nito pero nilalayo iyon ni Katrina sa kanya.
"Lyndon," pigil nito sa ginagawa niya.
"Katrina, please. Don't do this. Gagawin ko ang lahat para maging deserving sa pagpapatawad mo," aniya sa pagitan ng paghikbi.
"Hindi na ako masaya Lyndon."
Para naman siyang nabingi sa sinabi ni Katrina. Halos mamilog ang mga mata niya at paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang sinabi ng asawa. Napailing-iling na lamang siya habang nakatingin sa seryosong mga mata ni Katrina.
"No," aniya sa mahinang boses at hindi makapaniwala sa sinabi nito.
"Sign the divorce paper and I will forgive you." Diretso ang mga mata ni Katrina na nakatingin sa kanya bago tumayo at iniwan siya roong bigo.
Narinig pa niya ang boses ni Crystal na tinawag si Katrina. Siya naman ay parang namanhid sa kinauupuan at napahawak sa kanyang dibdib. Katrina doesn't want to settle their relationship. Katrina already give him up. Katrina will just forgive him if he would sign the divorce paper. Bigla naman siyang napakapit sa gilid ng mesa at mahigpit na napahawak sa kanyang dibdib. Sobrang sakit na nararamdaman niya, emotionally and physically. Habol ang hiningang unti-unting umiikot ang paningin niya pero bago siya bumagsak sa sahig ay narinig niya ang boses ni Mhike na sinigaw ang pangalan niya.
"ANONG ginagawa mo, Katrina?!"
Nasa labas na siya ng Xaniels Bar and Grill nang marinig niya ang sigaw ni Crystal. Huminto siya sa gilid ng kalsada at nilingon ang kaibigan. Kasama nito si Mariyah na halatang hindi alam kung anong nangyayari.
She calmed herself and looked at Crystal.
"Hindi mo alam kung anong ginawa mo, Katrina!" sigaw nito sa kanya.
"Bakit ka ba nagagalit, Crystal?" iritang sagot niya rito. "Nakakalimutan mo na ba kung anong ginawa niya sa akin?"
"That's why he wants to make everything right?!" she saw annoyance in Crystal's eyes. "Please naman, Katrina, talk to Lyndon and settle everything. Hindi mo na ba talaga mahal 'yung tao?"
"Ayoko," may paninindigan ang boses niya.
Napailing-iling na lang sa kanya si Crystal. "Hindi mo alam kung anong ginawa mo, Katrina. You might kill him!"
Napalunok siya sa huling sinabi ng kaibigan. Hindi naman niya maipaliwanag ang kabang naramdaman.
"Papatayin mo si Lyndon sa ginagawa mo at paniguradong pagsisihan mo 'to." Binalingan nito si Mariyah. "Umuwi ka na, girl. Babalik ako sa loob." Walang pasabing tinalikuran sila ni Crystal at bumalik sa loob ng bar.
Napabuntong-hininga na lamang siya nang tingnan siya ni Mariyah.
"I don't have time for this. Sorry kung nagulo ang girls' night out natin. Maybe next time." Tinanguhan na lamang niya si Mariyah at nagpara na ng taxi para makauwi. Ayaw na niya atang pumasok sa anumang pagmamay-ari ng kaibigan ni Lyndon.
BINABASA MO ANG
BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #6: Katrina, The Mourning Dame Katrina is a successful fashion designer. She was a known designer and a model-maker all over the world. After her project in the Philippines, she decided to go back where she started, in Si...