KATRINA pushed the button of the floor of her unit in Hillsta when someone stopped the door from closing. Pumasok sa loo bang humabol para lang pala mairita siya. Umusod siya sa kanang panig ng elevator at siniguradong hinding hindi sila magdidikit ni Lyndon. Bakit ba kasi kinuha nito ang katabing unit ng tinutuluyan niya? It makes her more irritated to him.
"Saan ka galing?" maya-maya'y putol ni Lyndon sa katahimikan nila habang pataas ang elevator. "Hindi ka pumasok sa DBS."
She frowned. "Then?" Note the sarcasm on her voice. Bakit ba nakasabay pa niya ito sa elevator? Katatapos niya lang umiyak at ayaw niyang makasama ang dahilan niyon. Laking pasalamat naman niya nang tumunog na ang elevator at bumukas ang pinto niyon. Inunahan niya ito na makalabas at hindi man lang ito tinapunan ng kahit na saglit na tanong.
Mabilis na binuksan niya ang unit niya gamit ang keycard at sinara ang pinto. Binagsak niya ang kanyang shoulder bag sa sofa at dumiretso siya sa kanyang kusina. Kumuha siya ng isang basong tubig sa friedge at sumandal sa island counter habang umiinom. Muntik naman niyang maibuga ang tubig sa bibig nang mapalingon siya sa doorway ng kusina at makita doon si Lyndon na prenteng nakasandal sa hamba.
"What are you doing here?" aniya sabay baba ng baso sa lababo.
Walang emosyon ang mukha ni Lyndon. "You did not answer my question."
Inirapan niya ito. "I don't need to answer that." At nilagpasan niya ito. Dumiretso siya sa pinto ng kanyang kwarto pero lumingon siya rito bago pumasok. "Give me back my keycard. Or do you want me to report it as lost."
"I ordered at Xaniels Restaurant. Any minute darating na iyon. Let's eat dinner," anito sabay balik nito sa loob ng kusina.
Umiling-iling siya. Pumasok siya sa kanyang kwarto at nag-ayos ng sarili. She took half-bathe and laid on her bed. Halos isang oras na ang lumipas ay hindi pa rin siya lumalabas ng kanyang kwarto. Sinadya niya iyon para mainip si Lyndon at ito na ang kusang umalis ng unit niya. Tinali muna niya ang kanyang buhok na pinatuyo niya saka lumabas ng kanyang kwarto. Tahimik na sala ang sumalubong sa kanya.
Buti naman at umalis na siya.
Babalik na sana siya ng kanyang kwarto nang biglang may lumabas sa kusina na ikinalaki ng mga mata niya.
"Let's eat."
Inirapan niya lang ito. "Hindi ka pa rin umalis?"
"I have been waiting for you. I told you, we'll eat." Tumalikod na si Lyndon at pumasok sa kusina.
Hindi naman niya alam kung bakit nagkusa ang mga paa niyang humakbang papasok sa kusina. Naabutan niya roon si Lyndon na nakaupo na sa island counter. Umupo siya sa katapat nitong upuan. Tahimik lang siyang kinain ang hinanda nito para sa kanya. Wala siyang imik sa buong oras na pagkain nila. Siya na ang nagkusang ligpitin ang pinagkainan nila. Hindi niya ito tinatapunan ng tingin kahit ramdam niyang nakamasid lang ito sa ginagawa niya.
Pinunasan na niya ang kamay ng towel at handa nang lagpasan si Lyndon na nakasandal sa hamba ng pintuan ng kusina. Pero mabilis na hinarang nito ang kamay at tinungkod sa daraanan niya.
"Can we talk?" anito.
"No," mabilis na sagot niya at binaba ang kamay nitong nakaharang sa daraanan niya. Pero bago pa siya tuluyang makalapit sa pinto ng kanyang k'warto ay mabilis na hinablot nito ang kaliwang pulsuhan niya dahilan para mapaharap siya rito.
"Please?" May pagsusumamo ang mga matang tinitigan siya nito.
Bumuga siya ng malalim saka nilagpasan ito at dumiretso siya sa sofa. Sumunod rin si Lyndon at naupo sa pang-isahang sofa na katapat niya. Lakas-loob niyang sinalubong ang mga mata nito na may seryosong tingin. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili kahit kanina pa kumakabog ang dibdib niya. Hindi niya naman alam kung para saan ang kabang iyon, dahil sa galit na nararamdaman para sa asawa o dahil sa presensya nitong akala niyang nakalimutan na niya sa nakalipas na tatlong taon.
"What now?" her voice sounds serious, freaking serious.
"Let's settle this. Ayoko nang mag-away tayo," anito. Matiim lang itong nakatingin sa mga mata niya.
Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Then, sign the divorce paper then it settled."
Bumuntong-hininga ito wari ba'y nagpipigil ng sarili. "Hindi iyon ang sagot sa problema natin, Katrina. Ayusin natin ito sa maayos na paraan na hindi kailangang maghiwalay tayo."
"Hindi na natin magagawa iyon. Sira na ang relasyon natin. Matagal na," may paninindigan ang boses niya at hindi niya pinuputol ang tingin sa asawa.
"Bakit?" may pag-uusig ang boses ni Lyndon. "Bakit ang bilis naman para sa'yo ang magdesisyon tungkol sa hiwalayan? Bakit ba gustong-gusto mong pirmahan ko 'yan? Wala man lang ba sa'yo ang pinagsamahan natin? Masaya naman tayo nang mag-umpisa tayong maging mag-asawa, ah?"
"Noon iyon. Noong hindi mo kami tinalukuran ni Daniel. Noong araw na iyon, noong mamatay si Daniel sa kamay ko, noong binurol ko siya hanggang sa nailibing na siya't lahat at hindi ko man lang nakita ni anino mo, matagal mo nang tinapos ang relasyon natin. Hinding-hindi ko makakalimutan iyon. Hinding-hindi ko mapapatawad iyon."
Nagtangis ang bagang ni Lyndon sa sinabi niya. Bakas sa mga mata nito ang paghihirap sa sitwasyon nila pero wala pa iyon sa paghihirap na naranasan niya.
"Bakit hindi mo kami pinuntahan sa Pilipinas? Bakit hindi mo man lang dinalaw ang anak natin? Bakit hindi ka nagparamdam sa akin habang ako, nagluluksa sa pagkawala ng anak natin?" Pilit niyang pinipigilan ang mga luhang unti-unting namumuo sa mga mata niya.
"Katrina," bakas ang paghihirap sa boses ni Lyndon. "I'm sorry."
"Kapag nasabi mon a sa akin kung bakit, baka puwede pa kitang mapatawad pero hindi nagbabago ang isip ko sa divorce. Pirmahan mo na iyon dahil pareho lang tayong mahihirapan." Tumayo na siya at dumiretso sa pinto sng kanyang k'warto pero bago pa niya iyon mabuksan ay biglang nihila ni Lyndon ang braso niya dahilan para mapaharap siya rito at bigla siya nitong kinulong sa mga bisig nito.
"Please, don't do this." Siniksik nito ang ulo sa kanyang balikat. Nakagat niya ang ibabang labi nang marinig niya ang impit na pag-iyak nito.
"Let go of me, Lyndon," pilit niyang pinakalma ang sarili at nakontrol ang boses para hindi mangarag. "Hanggat hindi mo sinasagot ang tanong ko, walang magbabago sa desisyon ko." Nagawa niyang itulak ito para maglayo ang katawan nila. "Umalis ka na." Iniwan niya ito sa sala at mabilis na pumasok siya sa kanyang k'warto. Nakakuyom ang mga kamo niyang napasandal siya sa pinto ng kanyang k'warto.
Hindi nakaligtas ang isang butil ng luha mula sa kanyang mata. Kahit gusto na niyang matapos itong pinagdadaanan nila ni Lyndon ay hindi pa rin niya matanggap ang mga nangyari. Mabigat pa rin sa dibdib niya ang ginawa nito sa kanila ng anak nila. Nahiga na lamang siya sa kama at doon nilabas lahat ng luhang kanina pa niya pinipigilan. Hanggang sa nahulog siya sa malalim na pag-iisip habang inaalala ang mga mata ni Lyndon kanina na puno ng pagmamakaawa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's note!
Update might be one at a time for a meantime. Margaux, The Lost Smile is currently under evaluation of the publisher and Julianne, The Beautiful Cop is under editing. So, I am kinda busy plus my upcoming liscensure examination. So bloody. Maraming salamat sa pagbabasa! Votes and comments are greatly appreciated. God bless!
BINABASA MO ANG
BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #6: Katrina, The Mourning Dame Katrina is a successful fashion designer. She was a known designer and a model-maker all over the world. After her project in the Philippines, she decided to go back where she started, in Si...