PAKIRAMDAM ni Katrina ay bumabalik ang lahat ng sakit habang nakatanaw sa labingpitong palapag ng DBS Trend Magazine, Inc. building. Napabuntong hininga siya ng malalim saka nag-ipon ng lakas ng loob na pumasok sa loob. Sinalubong siya ng nakangiting mukha ng babae sa front desk.
"Good morning, Mrs. Saavedra! Welcome back po!" bati sa kanya ng babae na may malawak na ngiti pero gusto niya rin agad na burahin iyon.
"Ms. Belarmino," aniya na may seryosong boses at naka poker face na nakatingin dito.
"Po?" takang tanong naman ng babae na mukhang hindi naintindihan ang ibig niyang sabihin.
Sinilip niya ang pangalan nito sa nameplate na nakasabit sa damit nito. "Jane," tawag niya na kinataranta nito. "Call me 'Ms. Belarmino' and not 'Mrs. Saavedra'." Hindi niya alam kung bakit irita siya nang tawagin siya nito sa apelyido ni Lyndon. Kahit pilit niyang pagandahin ang pagbabalik niya sa kumpanya ay mukhang hindi na mangyayari iyon.
"S-Sorry po," tarantang sabi ng babae. "G-Good morning po, M-Ms. Belarmino. W-Welcome back po."
Tumango-tango siya saka iniwan ito. Dumiretso siya sa elevator. Bumukas ang pinto 'nun at kitang-kita niya ang pagkagulat ng mga empleyado sa loob. Para naman itong mga pusang parang nahuling nagnakaw ng ulam sa mesa na isa-isang nagmamadaling lumabas ng elevator at binati siya nang hindi tumitingin sa mga mata niya.
"G-Good morning, Mrs.---Ma'am!" bati ng isang empleyado na nahalata niyang playing safe ang pagtawag sa kanya.
"Welcome back po," bati pa ng isa. Hanggang sa wala nang natira sa elevator.
Pumasok na siya sa loob at akmang pipindutin ang 15th floor nang may humabol at pumasok sa loob ng elevator. Hindi niya ito nilingon at nang mapansing wala nang papasok ay mabilis niyang sinara ang pinto ng elevator at naramdaman na niyang paakyat na ang elevator.
"So, the news is real. You're here," ani ng katabi niyang hindi niya nililingon pero kilala niya ang bariton nitong boses. "Welcome back after three years."
"I don't have time to have a little chitchat with you, Xaniel." Diretso lang ang tingin niya pero kita niya ang repleksyon ng matangkad na lalaki sa pinto ng elevator.
"Just wanna ask how's your vacation but it seems that you did not enjoy it," sarkasmong sabi nito.
Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator. Naglakad na siya at iniwan ito. Hindi niya inabalang lingunin ito ng tawagin nito ang pangalan niya. Dumiretso siya sa kanyang naiwang opisina pero inaasahan na niyang aabutan doon si Crystal, ang kanyang long-loyal na sekretarya.
"Good morning, Katrina. Welcome back," bati nito sa kanya. Crsytal is not just her secretary. She's also her friend way back in their college days. Kaya kilalang-kilala na niya ito at okay lang sa kanya na tawagin siya nito sa kanyang pangalan. Her trust is on her that she let her handle her works when she was away.
"Good morning. How are you?" bati niya rito. Saka dumiretso sa kanyang office table at umupo sa kanyang swivel chair. Napatungo-tungo siya nang mapansin niyang mukhang naalagaan ang opisina niya sa loob ng tatlong taon na nawala siya. "Kumusta ang trabaho?"
Inabutan siya nito ng isang tasang kape. Routine na nito na bigyan siya ng kape sa umaga dati kahit hindi niya hinihingi at mukhang hindi iyon nagbago. "Deadly," natatawang sagot ni Crystal. "Iniwan mo lang naman sa akin lahat ng trabaho mo sa loob ng tatlong taon. And now you're asking me how's work?" Basang-basa niya ang sarkasmo sa boses ng sekretarya.
Pero tinawanan niya lang ito. Tumayo siya at niyakap ito ng mahigpit. "Kaya malaki pasasalamat ko't nandito ka. Thank you so much, my friend." Pinakawalan niya ito. "I'll treat you makabawi man lang ako sa'yo."
"Iyan lang naman hinihintay ko, e," sabay hawi nito sa buhok na para bang nasa commercial ng shampoo. "Number one is body massage and spa. Sumakit katawan ko sa trabaho, ah."
"Schedule it and we will do it," aniya saka bumalik sa swivel chair niya.
"Sabi mo 'yan, ah!" sabay turo nito sa kanya. "Sabagay, isisingit ko talaga 'yan sa schedule mo."
"Oo na," natatawang saad niya.
"Oh, by the way, ikaw na ang umattend ng board meeting, ah. Here is the minutes of the meeting last month tapos ito naman 'yung agenda this time," sabay abot sa kanya ng halos hindi bababa sa limang folder. "Kumpleto na naman 'yan. Nandyan na lahat. But if you need clarifications tawagin mo lang ako, nandyan lang naman ako sa labas ng office mo. I think pag-uusapan lang naman 'yung naging sales last month and project for the next month. Tapos naayos ko na 'yung report mo about sa naging fashion show mo sa Pilipnas, ipi-feature rin 'yun sa magazine for the next month's issue. Pasadahan mo na lang kung okay na sa iyo 'yung ginawa ko."
Napailing-iling siya. "Sa dinami-rami ng sinabi mo, wala akong naintindihan ni isa."
Napanguso na lamang si Crystal sa kanya. "May jetlag ka pa ba? Basta, ikaw na umattend para updated ka. Tsaka hindi naman ikaw ang maghost sa harap ng investors, your lovey-dovey future ex-husband-if-ever ang magrereport kaya makinig ka na lang."
Gusto niyang samaan ng tingin si Crystal sa pang-aasar nito sa kanya. Kahit kailan talaga hindi nito tinigilan ang pagtawag sa 'asawa' niya sa harap niya mismo.
"O, s'ya, s'ya, sige na ako na ngang bahala. Babasahin ko na lang muna ito," aniya.
"Ten 'o clock ang meeting. Sa conference room. Don't be late. Papaalala ko na lang sa'yo. May gusto ka pa ba?"
Umiling-iling siya. "Wala na. Salamat."
"Okay, enjoy," sabay talikod nito sa kanya at lumabas ng kanyang opisina.
Hindi niya alam kung kakayanin niyang mag-enjoy gayong ang dami niyang kailangang basahin. Napabuntong-hininga na lamang siya sa sobrang inis. Mas lalong nadagdagan ang pagkairita niya gayong ang asawa niya ang magpepresent mamaya sa board meeting.
Wala na kayang hangover ang lokong iyon? Ipinilig naman niya agad ang ulo. Bakit ba iniisip ko ang mokong na 'yon? Bahala siya sa buhay niya!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Welcome back to me! Heheheh!
Okay, I will have another batch of Angel With A Shotgun Series! Let me introduce them to you!#6: Katrina, The Mourning Dame (This is Katrina from #4: Mariyah, The Fierce Eye)
#7: Kira, The Great Player
#8: Laurisse, The Dauntless Daughter (She is Dr. Galvez from #5: Margaux, The Lost Smile)
#9: Natalya, The Bold Wrecker (She is the co-worker of Kira)
#10: Samantha, The Secret Mistake (Secret. Hehehehe. You'll found out who she is when I already updated #9: Natalya, The Bold Wrecker)
VOTES AND COMMENTS ARE GREATLY APPRECIATED! ENJOY READING! :)
BINABASA MO ANG
BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #6: Katrina, The Mourning Dame Katrina is a successful fashion designer. She was a known designer and a model-maker all over the world. After her project in the Philippines, she decided to go back where she started, in Si...