Chapter 6

4.1K 75 1
                                    

MABIBIGAT ang mga hakbang ni Lyndon pagkababa niya ng kanyang kotse sa tapat ng Cafè Xaniels. Sinalubong siya ng isang waitress pagkapasok niya sa loob.

"Sir, nasa loob po sila ng VIP room. Doon ka na lang po dumiretso sabi po ni Sir Xaniel," bungad sa kanya ng waitress.

Tinanguhan niya ito saka dumiretso sa bandang dulo ng cafè kung nasaan ang VIP room. Hindi na siya kumatok at binuksan na lang ang pinto at tumambad sa kanya ang apat kalalakihan sa loob ng kwarto. Hindi na siya nagtaka. Mukhang pinagplanuhan na talaga ito ni Mhike.

"Woah! Lyndon!" salubong sa kanya ni Mhike habang may hawak itong wine sa kaliwang kamay at pinangtapik naman ang kanang kamay sa likod niya. "You're here! Akala ko iindyahin mo kami!"

Umupo siya sa tabi ni Xaniel na sumisimsim na ng wine. Akmang kukunin niya ang basong may wine sa center table nang tapikin ni Gerrard ang kamay niya.

"Oops! Bawal!" saway nito sa kanya. "Ito inumin mo," sabay abot sa kanya ng isang cocktail drink.

"Seriously?" natatawang tanong niya sa kaibigan. "Cocktail drink? For me?"

Sabay batok naman sa kanya ni Xaniel. "Gusto mong mamatay? Ako na gagawa para sa'yo?"

"Gusto kong umuwi ng Pilipinas bukas na bukas rin at ayokong magkaroon ng dahilan para magstay na naman dito," seryosong saad ni Gerrard. "Kaya hindi ka iinom ng ibang alak maliban d'yan."

Napailing-iling na lamang siya. "Bakit ka ba nandito? Iniwan mo na naman ang Standford School. Wala na namang principal ang paaralang sinilangan ko." Gerrard is a bachelor school principal. Sa edad nitong 28 ay minana na nito ang pamamahala sa tinayong paaralan ng nasira nitong lolo na minana naman ng ama nito kaya sa huli ay ito rin ang humawak 'nun.

"Parang ang tagal ng biyahe mula Pilipinas hanggang dito," pagdadahilan ni Gerrard.

"I heard your wife is back. Kumusta naman kayo?" biglang singit ni Francis na nakaupo katapat niya at ninanamnam ang wine. "Hihiwalayan ka na ba? Gusto mo pa-trace ko 'yung attorney?" Natatawang saad nito.

"Baliw!" sigaw biya rito. Kahit kailan talaga gustong-gusto nitong mang-blackmail.

"As usual, hindi siya tinigilan ni Atty. Cortez tungkol d'un sa divorce paper na inihain ni Katrina." Nahamigan niya ng pagkairita sa boses ni Xaniel.

"Sabihin mo na kasi 'yung totoo," seryoso na ang boses ni Mhike. "Kung ako talaga mapuno d'yan sa asawa mo, kapag nakasalubong ko 'yan sa DBS, sasabihin ko na ang pinakatatago-tago mo!"

Akmang susuntukin niya ito pero umilag lang ito. "Tumigil ka d'yan. Manahimik ka."

"Kailan pa niya malalaman? Kapag patay ka na?" singit ni Francis.

Napabuntong-hininga na lamang siya at napasandal sa backrest ng sofa. Kahit ano namang pagtatangka ng mga kaibigan niya ay kilala niya ang mga ito. Tikom ang mga bibig ng mga ito kaya panatag niyang hindi iyon makakarating kay Katrina.

"Hoy!" biglang sigaw ni Xaniel sabay yugyog sa balikat niya. Binalingan naman nito ang mga kasama nila. "Buwiset kayo! Shet talaga kapag nag-emotional breakdown 'to dito! Ako na papatay sa inyo!" Sabay duro kina Mhike, Gerrard at Francis.

"Hala!" sabay lapit sa kanya ni Mhike. Niyugyog nito ang balikat niya. "Pare! Gumising ka! Huwag kang matutulog!" sigaw nito sa kanya pero may halong pagtawa.

Pinaghahampas niya ang mga kamay ng mga kaibigan sa kanyang balikat. "Tigilan niyo nga ako! Magsilayasan kayo sa harapan ko!"

Natatawang bumalik sa upuan si Mhike samantalang parang walang ginawang sumandal sa sofa si Xaniel.

"Iinom na lang natin 'yan!" sabay sigaw ni Francis. "Pero cocktail lang kay Lyndon! Kawawang bata!"

Hanggang sa tawanan na ng mga kasama niya ang umalingawngaw sa buong kwarto. Buwiset talaga ang mga ito sa buhay niya.

PALABAS na sana siya ng building ng DBS nang biglang may humawak sa braso niya. Laking ngiti naman niya nang malingunan si Crystal.

"Kain tayo sa labas?" yaya nito sa kanya. "Matagal rin tayong hindi nakakain sa labas. Sa hula ko, tatlong taon."

"Baliw," aniya rito. "Saan mo gusto?"

"Yes!" sigaw pa nito. "Sa Cafè Xaniels? Sa may Ruffles tayo. Kasi narinig ko kanina pupunta sila Xaniel sa Cafè Xaniels pero sa Orchard."

"Lakas ng pandinig mo, ah," hangang sabi niya. "O, siya sige." Sumakay na siya sa driver's seat ng kanyang kotse samantalang si Crystal ay sumakay sa passenger's seat. Halos tatlumpung minuto rin ang lumipas bago nila narating ang Ruffles St. Pi-na-rk niya ang kotse sa tapat ng Cafè Xaniels.

Pumwesto sila ni Crystal sa pinakadulo ng Cafè na tanaw ang kahabaan ng highway sa salaming pader ng lugar. Dumating na ang order nila halos limang minuto lamang ang lumipas.

"Kumusta naman ang bakasyon mo sa Pilipinas?" maya-maya'y basag ni Crystal sa katahimikan nila. "Hindi ka naman nalungkot?" Sabay tingin nito sa mga mata niya. She doesn't like whenever Crystal is looking straight through her eyes. Hindi siya makatingin dito ng diretso lalo na't alam niya kung saan patutungo ang usapang iyon.

"Okay naman," mahinag sabi niya. Nakatungo lamang siya sa pagkain at pilit pinapagana ang sarili. "Masaya."

"Sinungaling," sabay paikot ni Crystal ng tinidor sa italian-style carbonara na inorder nito kanina. "Kitang-kita ko sa mga mata mo na may nawawala sa puso mo."

"Crystal," pigil niya rito.

"Sure ka na ba sa divorce paper? Gusto mo ba talagang makipaghiwalay kay Lyndon dahil hindi mo na siya mahal?" nakatungo lang ang kaibigan sa pagkain habang ipapaikot pa rin ng tinidor sa palato nito. "O gusto mo lang siyang hiwalayan kasi sa tingin mo nagkulang siya sa'yo? Sa inyo?" Sabay angat nito ng ulo at tiningnan siya sa mga mata.

"Crystal," gusto nang mangilid ng mga luha niya sa gilid ng kanyang mga mata.

Ngumiti ito sa kanya. "Just wanna remind you, baka pagsisihan mo 'yang hakbang mo. Look at the other side, Katrina. Malay mo, may hindi ka pala nakikita. Ang nakikita mo lang ay ikaw ang nasaktan. Pero hindi mo nakita kung gaano rin siya nagsaktan."

Biglang kumunot ang noo niya sa sinabing iyon ng kaibigan. Gusto pa sana niya itong tanungin pero walang namutawi sa bibig niya. Hanggang sa natapos na lamang ang hapunan nilang hindi na siya kinukulit nito. Hindi naman niya alam kung bakit may kaba siyang naramdaman sa mga salitang iyon ni Crystal.

Kung nasaktan rin siya, dapat pinakit man lang niya sa aking nagsisisi siya.

BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon