KATRINA collapsed due to unending tears that were running down through her cheeks. When she woke up, she found herself in a full-white painted room. Pinilit niya ang sariling bumaba mula sa hospital bed. Nahilot pa niya ng bahagya ang sentido nang makaramdam doon ng konting kirot. Ano bang nangyari? Paano siyang napadpad sa kwartong iyon?
"Okay ka na ba?"
Bigla naman siyang napalingon sa sofa na nasa bandang pintuan ng kwarto. "Mhike?" tawag niya sa lalaki.
"Nawalan ka ng malay kanina. Sa sobrang iyak mo, hindi mo na nakontrol ang sarili mo," anito. "Kailangan mong magpahinga. Over fatigue sabi ng doktor."
Lumapit siya rito. Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "Si Lyndon?"
Tumayo si Mhike kaya medyo tiningala niya ang binata dahil mas matangkad ito sa kanya. "Under observation. Bawal ang hindi authorized sa loob ng kwarto niya. Naagapan naman ng mga doktor niya pero sobrang bawal na talaga ng tibok ng puso niya."
May umalpas na luha mula sa kaliwa niyang mata na agad rin naman niyang pinunasan. Mas mabuti na rin na naibalik rin ang pagtibok ng puso ni Lyndon pero mas masakit na hindi niya alam kung hanggang kailan titibok ang puso ni Lyndon.
"Umuwi muna si Xaniel at Francis. Nagbabantay sa labas ng kwarto ni Lyndon si Crystal. Dumating siya habang wala kang malay. Kumain ka muna, nalipasan ka na ng gutom. Baka sumunod ka kay Lyndon," ani Mhike at mabilis na lumabas ng kanyang kwarto.
She sighed in frustration. Hindi dapat siya panghinaan ngayon. Kailangan niyang kumapit sa kahit kapirasong pag-asa na gigising pa rin ang asawa. Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa second floor ng ospital. Nakita niya sa dulo ng hallway na nakaupo si Crystal sa isa sa mga waiting chair sa labas ng kwarto ni Lyndon. Agad namang tumayo ang kaibigan nang makita siya. Halos takbuhin nito ang kinatatayuan niya at mabilis na pinulupot ang mga kamay sa kanyang braso.
"Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Crystal. Inalalayan siya nito hanggang sa makaupo ulit sa waiting chair.
"Kumusta si Lyndon? Anong sabi ng mga doktor?" gustong-guto na niyang malaman ang sitwasyon ng asawa.
"Bumabagal ang heart rate ni Lyndon pero binabantayan naman ng mga doktor. Nasa loob sila. Bawal pumasok ang mga bisita, e, kaya nandito muna ako. Hindi naman kita napuntahan kasi sabi ni Xaniel binabantayan ka naman ni Mhike hanggang sa magising ka. Mas mabuti na raw na may nagbabantay rin dito kay Lyndon kaya hinintay ko na lang na magising ka. Alam kong dito ka agad pupunta paggising mo."
Nakagat niya ang mga labi wari'y mapipigilan niya ang pag-alpas ng mga luha mula sa kanyang mga mata. "Sorry," aniya. Naalala niya kung paano nagalit sa kanya si Crystal sa bar ni Xaniel. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ito nagalit sa kanya kaso mukhang huli na para humingi siya ng tawad.
Naramdaman niya ang pag-aalo ni Crystal sa braso niya. She heard her sighed so deep. "It's not really your fault. Kasalanan niyong dalawa 'to," mapaklang tumawa si Crystal. "Duwag kasi si Lyndon, hindi niya agad sinabi sa'yo." Tumingin sa kanya si Crystal. "I'm sorry, friend. Hindi ko rin sinabi ang nangyari kay Lyndon habang wala ka rito. Pinigilan niya rin kasi kami. Nagmakaawa siya sa amin nila Xaniel at Mhike na huwag na huwag sasabihin sa'yo. Hayaan daw namin na siya ang magsabi sa'yo kaso pagbalik mo galing Pilipinas, nagpupuyos na ang galit mo kasi hindi ka pinuntahan ni Lyndon. Nataranta na siya kung paano ka papaamuhin."
Naisandal na lamang niya ang sarili sa balikat ni Crystal habang pigil niya ang bawat hikbi na gustong kumawala sa kanyang bibig. Bakit sa ganitong sitwasyon niya pa kailangang malaman ang lahat?
"Kinausap ng mga doktor kanina sina Xaniel at Francis. Mukhang may kinalaman iyon kay Lyndon pero hindi ko naman naintindihan pero bilin ni Xaniel na tawagan kop ala siya kapag nagising ka na." Mabilis na kinuha ni Crystal ang isang cellphone sa dala nitong shoulder bag.
Kunot-noo na lamang niyang tiningnan si Crystal habang nagtitipa sa cellphone nito.
"Everything will be okay, Katrina," anito pagkatapos na magtext kay Xaniel.
Binalik na lamang niya ngiting binigay nito sa kanya pero alam nilang dalawa na hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.
Halos kalahating oras siyang nakasandal sa balikat ni Crystal at pareho silang walang imik nang bigla silang nakarinig ng mga paparating na yabag na mukhang nagmamadali. Nang iangat niya ang ulo ay nakita niya ang mga bulto nila Xaniel at Francis. Halos hingal ang dalawang lalaki nang marating ang puwesto nila.
"Pirmahan mo 'to," ani Xaniel sabay abot sa kanya ng mga papel na hawak nito.
Wala sa sariling kinuha niya ang mga papel. Lumapit naman si Francis sa pinto ng kwarto ni Lyndon at parang may sinenyasan mula sa loob. Lumabas naman agad mula roon ang isang doktor. Hindi naman niya maintindihan ang pagmamadali ng dalawang lalaki kaya hindi niya agad napagtuunan ng pansin ang hawak na mga papel.
"We already paid the payment for the operation and then," lumapit sa kanya si Francis. "Here's his wife so she will sign the consent."
"Okay. Good. We can already do the operation as soon as possible," the doctor said.
Bigla namang namilog ang mga mata niya sa sinabi ni Francis. Ooperahan si Lyndon? Bigla siyang napatayo at mabilis na binasa ang nakasulat sa mga papel na binigay sa kanya ni Xaniel. The letter is about a consent of immediate family member to agree that the patient will undergo an operation. Bigla siyang napatingin kay Xaniel.
"Puwede pa bang ako ang pumirma dito?" punong-puno ng tanong ang kanyang mga mata. "Lyndon already signed the divorce paper----."
"Hindi pa iyon inaasikaso ni Atty. Cortez sa husgado."
"What?!" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Hindi mo binasa, no? O hindi mo man lang tinangkang buksan 'yung envelope?" Xaniel smirked. "Kilala kita. Kilala ko kayo. Pirmahan mo na 'yan para maoperahan na si Lyndon."
Mabilis pa sa alas kwatrong pinirmahan niya ang consent paper at inabot iyon sa doctor. "Please do everything to save my husband's life," aniya sa doktor.
"The operation is scheduled tonight," ani ng doktor.
Tumango-tango siya. Pumasok naman agad ang doctor sa kwarto ni Lyndon. Naiwan siyang parang hindi pa rin makapaniwala sa nalaman. Tiningnan niya ng masama si Xaniel.
"I will explain." Mukhang naintindihan naman ng binata ang ibig sabihin ng masama niyang titig. Umupo naman ito sa tabi ni Crystal. Bigla naman siyang nakonsensya sa itsura nila Xaniel at Francis. Mukhang pagod na ago dang mga ito. Parehong pikit ang mga matang nakasandal ang ulo sa pader. Biglang nakonsensya ang puso niya. Lyndon has great friends he can lean on.
"Kumain na ba kayo?" aniya.
Parehong umiling-iling ang dalawa habang nakapikit pa rin.
Tumayo si Crystal. "Ako na lang ang bibili."
"Hindi na," ani Mhike na saktong dating. May mga dala itong supot. "Bumili na ako. Pumunta ako sa isang fast food chain paggising ni Katrina." Iniisa-isang abutan ni Mhike ang mga kasama nila ng isang box ng pagkain. "Kumain na muna kayo. Baka paggising ni Lyndon, hindi na tayo makilala sa sobrang payat na natin."
Napangiti naman siya habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ng asawa. She's still so greatful that her husband has loyal friends like them. Inabot naman niya ang isang supot na may lamang mga bottled juice at siya na ang isa-isang nag-abot sa mga kasama habang pinagmamasdang kumakain ang mga ito.
"Kumain ka na rin, Katrina," ani Crystal.
Tumango-tango siya bilang sagot at sinaluhan ang mga kasama kumain. Hindi naman niya maiwasan ngumiti habang pinagmamasdan ang mga kasama.
Thank you for everything.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's note!
Don't be lazy to vote! Thank you!
BINABASA MO ANG
BOOK 6: Katrina, The Mourning Dame [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #6: Katrina, The Mourning Dame Katrina is a successful fashion designer. She was a known designer and a model-maker all over the world. After her project in the Philippines, she decided to go back where she started, in Si...