Sam POV
Nagising ako ng maramdaman kong tumatama na pala ang sinag ng araw sa mukha ko galing sa bintana . dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at saka umupo at nag-unat unat.
Teka parang ang tahimik naman ng bahay, but i like it . It's sounds good.
Haay! Makashower na nga, i need to go to school.
" Hep Hep! Saan ka naman nanggaling? Akala ko nasa meeting ka lang kaya tinext lang kita, tapos nung tinawagan kita cannot be reach yung phone."
Sounds bad! Akala ko okay na!
" Galing ako sa meeting! Tapos di ko namalayan na nakatulog pala ako sa office." Katwiran ni Dad. Baka naman nagsasabi si Dad ng totoo.
" Pwede ba? Sawang sawa na ako dyan sa mga excuses mo. Wala na bang bago?" Tama rin si Mom, baka nga di nagsasabi si Dad ng totoo?
Haist! Di ba talaga sila titigil. Ang hirap din makialam sa away nila.
Jusko! Sana soundproof na lang tong kwarto ko para wala na akong naririnig na ganito.
Lumabas na ako ng shower room at nagbihis pero rinig na rinig ko pa rin yung mga boses nila sa kabilang kwarto.
Grabe na talaga to, ang aga aga pa lang ang ingay na, bumaba na ako para naman mabawasan yung ingay na naririnig ko sa taas.
" Sabihin mo na kasi kung may babae ka para matapos na to'ng usapan na to.". Haay sanay na nga ako na lagi na lang silang ganyan, ewan ko ba sa kanila ayaw ko naman magtanong baka sabihin pa na nakikialam ako, iniisip ko na lang na away mag-asawa lang yan tapos mamaya magkakabati na naman sila. Pumunta na lang ako sa kitchen tapos Lumapit na lang ako sa kapatid kong si Sid habang kumakain ito sa dining , napaupo ako at kumain.
"Good morning ate" habang nakangisi ito sakin. Parang wala lang sa kanya yung nakikita at naririnig araw-araw.
"And what's funny" habang iniikot ko yung mga mata ko sa kanya. Nakakainis kasi.
" Ate, ang bitter mo." Pakialam nya ba, mas matanda kaya ako sa kanya.
" ikaw naman siraulo, ganyan na nga si Dad at si Mom, natutuwa ka pa. Itanong mo kaya sa kanila kung bakit araw-araw na lang ganyan sila" nakakainis lang talaga eh.
" ate naman, makikialam pa ba ako sa mga away ng matatanda. Im just fifteen lang kaya at baka mabawasan na naman yung allowance ko, ikaw na lang kaya ang magtanong mas matanda ka sakin no." Tiningnan ko lang sya ng masama, Grabe tong kapatid ko na to hah, kung makapagsalita naman to parang sobrang tanda ko na. Haler im just 19 pa lang naman.
" So aalis na ako, enjoy the food and dont forget to smile don't be bitter, NBSB kasi eh di mo ko gayahin di ko na nga mabilang yung mga chikas na naging GF ko." Habang kinukuha nya yung bag nya ay hinila ko muna yung tenga nya at piningot ko sya.
"Aray, aray ate naman. Im just kidding." Lalo kong nilakasan ang hila sa tenga nya.
"Anong sabi mo bitter ako, NBSB ako. Umayos ka nga dyan.." Nang mabitawan ko yung tenga nya ay dali dali syang tumakbo palabas ng bahay at nilampasan nya lang si Dad at si Mom na nagdedebate sa may living room, oo iba naman ang location nila. Kanina sa taas ngayon nasa baba na naman sila kaya sinuot ko na lang yung headset ko.
Eto naman ako nag-iisang kumakain ng breakfast bakit kasi hindi sila nagsasawang mag-away. Binilisan ko ang kain ko para makaalis na ng bahay at makapasok sa school.
"This is life, youre always completing my day ." nakita ko lang naman yung Car ko na nakapark sa Garage, this car is my bestfriend kahit na may bestfriend na talaga ako but this time tao na talaga, but she is not here eh.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With My Best friend's Fiancee
RandomHighest Rank Achieved: #1 in Kilig ( 02 . 20 . 19 ) #2 in pretending #5 in Tagalog love story #13 in Fall #21 in Romance-Friendship #26 in Romantic Comedy #12 in Tagalog #10 in Taglish I'm Samantha Marie Martinez, single at walang balak magkaboyfri...