Gio pov
Habang nasa parking lot ako, i saw valerie. Papalapit sya sa kotse ko at tiningnan ko lang sya at napansin kong pumunta sya sa likod ng kotse ko. Ano bang ginagawa nya doon?
Lumabas ako at pumunta sa likod ng kotse, tinitingnan nya yung plate number ko. Anong problema nya?
"Trip mo ba yung kotse?"
"Ay kabayo! Bakit ka ba nanggugulat?" Muntik na sya sumubsob sa likod ng kotse ko, nakakagulat ba yung
"Ano ba kasing ginagawa mo dyan?"
"Sayo ba to?"
"Bakit may problema?"
"Oo may problema, eh ikaw lang naman pala ang muntik ng nakabangga sakin ah, at ikaw yung lalaki sa Mens room na nagpahiya sakin" hah sya ba yun. Galit ba sya dahil lang don, tiningnan nya ako ng masama.
" so ano ngayon?" Ang sabi ko kanya, bigla na lang nya akong tiningnan ng masama.
"Wala naman, papatayin lang kita" killer ba sya? Tapos kinuyom nya yung mga kamay nya, Tapos tumakbo sya papalapit sakin para suntukin ako nang bigla na lang syang natalisod, mabuti na lang nasalo ko sya.
Napahiga ako sa sahig at nakapatong sya sakin, nanlaki yung mga mata ko.
Sam pov
"Miss, kung kanina mo pa sinabi na gusto mo akong anuhin dyan, eh di dapat pala kanina pa natin ginawa. Di na tayo umabot dito, Nanghinayang ka ba na naudlot yung moment natin kahapon?" Nag wink sya sakin, anong akala nya gusto ko sya.
Bumangon ako para masampal ko sya.
PAK----
"Bastos na to"
"How dare you?" Bumakat yata yung kamay ko sa Kaliwang pisngi nya. Ang lakas kasi ng pagkakasampal ko sa kanya eh. Dapat lang sa kanya yan.
"Anong akala mo na porket gwapo ka , magagawa mo na lahat ng gusto mo. "
"Ano ka ba, babae ka ba talaga.? Wala pang babaeng sumampal sakin. Ikaw pa lang"
"At hindi lang ang mayabang na kagaya mo ang unang makakahalik sakin"
"So kaya pala defensive ka, wala pang nakakahalik sayo. " eto na naman sya dahan dahan syang lumapit sakin at ano bang nangyayari sakin naninigas na naman ako.
"Wag kang lalapit, dyan ka lang Lumayo ka nga Gio."
" Eto yung punishment ng pagkakasampal mo sakin"
Hinawakan nya yung batok ko tapos.
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5💓dug dug dug dug dug💓
Hinalikan nya ako, nanlaki yung mga mata ko. tapos ngumiti sya pero magkadikit pa rin mga labi namin."Kwits na tayo" tapos nag wink sya sakin at umalis dala yung kotse nya. Naiwan na naman akong nakatulala.
------------------
🏠
Pagdating ko sa bahay, nakatulala pa rin ako."Ate, Ate, ate" habang kinakaway yung kamay nya sa mukha ko.
"Hah.."
"Ano bang tinira mo?"
"Sid stop it okay, im tired gusto kong magpahinga." Habang sinusungitan ko sya at umakyat na ako sa kwarto ko at humiga sa kama.
Habang hawak hawak ko yung labi ko, naalala ko na naman yung ginawa ng Gio na yun. I save my first kiss to the man i love hindi sa kung sino lang, sa fiancee pa ng bestfriend ko.
Tinawagan ko si Valerie, pero di sumasagot.
-----------
Maaga pa ay bumaba na ako sa kitchen para magluto ng masarap na breakfast. Matagal na rin since huli akong nagluto pinagbawalan kasi ako ni Dad. Anyway magluluto ako ng favorite ni Sid na Bacon and ham, at kay mom naman pancakes, uhm kay dad pa pala friedrice and egg in the morning. Actually pareho lang kami ni Dad ng breakfast. After kong ihanda yung mga food ay ipinagtimpla ko si dad ng black coffee.
"Good morning ate" bati sakin ni Sid.
" Good morning din Sid, kumain ka na. I'll cook this for you."
"Ate, ano ba talagang tinira mo. Pahingi naman ako." Binatukan si Sid, anong akala nya nag-aaddict ako. Masama bang pagsilbihan ko sila.
" aray, ate naman nagbibiro lang naman ako eh"
" masama bang magluto? Maaga lang kasi akong nagising, so i ask manang kung pwedeng ako na lang ang magluto." Nakita ko naman si Mom at si Dad na pababa ng hagdan, papasok na yata sila sa office.
"Dad, mom aalis na po kayo?"
" oo anak eh, maaga kasi akong nagpatawag ng meeting. Anyway aalis kami ng mommy nyo mamaya, may pupuntahan kami sa Bacolod"
"Dad, kumain po muna kayo ni Mom. Nagluto po ako para sa inyo"
" you cook? Diba i told you na wag kang magluluto, anong ginagawa ng mga maids dyan? Nasaan sila? Manang Fe" bad mode yata si Dad. Napayuko na lang ako.
"Dad, please wag nyo pong pagalitan si Manang Fe, this is all my fault. Ako po ang nagpumilit."
" Sir, bakit nyo po ako pinatawag? " ang sabi ni Manang Fe.
" Diba sinabi ko na sa inyo na wag nyong hahayaan si Samantha. Ano sya na ba ang amo nyo ngayon? Sa susunod na mangyari ulit to, i will fire you." Galit na galit si Dad kay manang fe, nadamay pa tuloy sya dahil sa pangingialam ko.
" honey, tama na yan. Mahuhuli na tayo, umalis na tayo. Sam, please take care of your brother okay. Pagpasensyahan mo na ang Dad mo hah, mainit lang ang ulo nun." Tapos hinalikan ni Mom ang noo ko. " I love you anak.
" Sid, bye. O take care of your ate hah, wag puro barkada. " ang sabi ni Mom kay sid, lumabas naman si Sid para magpaalam kay Mom.
" Mom, aalis po kayo?" Ang sabi ni Sid kay mom.
" Take care mom, dad. " ang sabi ni Sid, ako naman tahimik lang sa tabi.
" o manang fe, kayo na pong bahala sa mga bata. Yung bilin ko hah, Samantha."
Tumango na lang ako at hindi na nagsalita.
Umalis na sila, ako naman naiwan na nag-iisa. Napaupo ako sa sopa. Habang si Sid masaya pa na umalis si Dad at si Mom.
Habang nakaupo ako ay naramdaman ko na lang na pumatak na pala ang mga luha ko
"Sam, wag mo ng isipin pa ang daddy mo hah. Baka may problema lang yun, kaya nagalit sya sayo." Habang hinahaplos ni Manang fe ang balikat ko at niyakap nya ako.
"Salamat po manang fe" bata palang ako si Manang fe na yung laging andyan sa tabi ko.
I hate to fell this na walang pakialam sakin si Dad, he didnt even appreciate my efforts.
----------------
BINABASA MO ANG
I'm In Love With My Best friend's Fiancee
RandomHighest Rank Achieved: #1 in Kilig ( 02 . 20 . 19 ) #2 in pretending #5 in Tagalog love story #13 in Fall #21 in Romance-Friendship #26 in Romantic Comedy #12 in Tagalog #10 in Taglish I'm Samantha Marie Martinez, single at walang balak magkaboyfri...