Gabi na pero wala pa rin yung susundo sa amin ni Gio. Nasa labas ako ngayon at nagpapahangin .
" Iha, andito ka pala sa labas" wika ni Yaya Annie na nasa likod ko pala.
" ah opo, magpapahangin lang po."
" napagod ka ba kanina, di mo naman kailangang sumama kanina eh."
" si Gio po, malapit po pala ang loob nya sa mga bata. Marami pa talaga akong hindi alam sa kanya."
" Alam mo yang si Vann's, mabait yan. Kahit na minsan may pagkasuplado. Simula ng dalawang taon pa lang sya, ako na ang nag-alaga sa kanya. Kaya nga nung nagkahiwalay kami, sobrang nalungkot talaga ako." Kwento ni Yaya annie.
" Vanns po! Yaya, bakit po Vanns ang tawag nyo sa kanya?" Tinanong ko na si Yaya annie, kanina pa kasi ako nacucurious eh.
" Palayaw nya yan nung bata pa sya. " Di kaya sya si Vanns na bestfriend ko.
" yaya annie, kelan po kayo nagkahiwalay ni Vanns."
" Nung mga walong taon yata sya noon, pupunta na kasi sila ng daddy nya sa Amerika at ako naman umuwi na ako dito."
" Nung mga walong taon po ba si Gio, may naging kaibigan po ba sya , May naikwento po ba sya.?" Tanong ko kay yaya Annie.
" Naging importanteng kaibigan? Parang meron nga, Ano nga bang pangalan ng batang yun, babae yun eh. Sa---"
" Sam po!" Nagsimula ng manggilid ang luha sa mga mata ko.
" Ah oo yun nga yung pangalan., teka paano mo nalaman yung pangalan?"
" Hah, ano po kasi!" Tumulo na ang mga luha ko at takang taka naman si Yaya annie sa pagluha ko.
" Ano bang nangyayari sayo iha, teka ikaw ba.... yung Sam."
Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin ako kay Yaya annie.
" Ikaw nga yun! Tama ako diba?"
" Pero anong nangyari sa inyo?" Tanong ni Yaya annie.
" nung araw na yun, di po ako nakapunta sa park dahil sinugod sa hospital ang kapatid ko.." Paliwanag ko kay Yaya Annie.
Yaya annie pov
Flashback
Gabi na pero wala pa rin si Vanns asan na ba yung batang yun. Malalagot ako nito kina Sir Angelo at Maam Katherine.
Umuulan pa, lumabas na ako para hanapin si Vanns . nasa pinto na ako nang makita ko sya na basang basa sa ulan.
" Vanns, bakit basang basa ka, ano bang ginawa mo na bata ka.?" Lumapit ako sa kanya.
Pero di sya nagsasalita at malungkot ang itsura nya.
" Huy , ano bang nanyari sayo. Bakit ka ba nagpaulan?" Di man lang sya nagsalita, sa halip ay umakyat sya sa kwarto nya , nakasunod lang ako sa kanya nang bigla nya akong sarahan ng pinto.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With My Best friend's Fiancee
RastgeleHighest Rank Achieved: #1 in Kilig ( 02 . 20 . 19 ) #2 in pretending #5 in Tagalog love story #13 in Fall #21 in Romance-Friendship #26 in Romantic Comedy #12 in Tagalog #10 in Taglish I'm Samantha Marie Martinez, single at walang balak magkaboyfri...