Chapter 19 : Baby

1.2K 33 0
                                    

Sam pov

Hihiga na sana ako sa sahig para matulog, napagod ako kanina. biglang pumasok si Angel sa isang maliit na kwarto na to, kawayan lang ang sahig nito pero pinagamit sakin ni Yaya annie ang lumang kutson ng kaniyang anak. Andito pa rin kasi kami ni Gio sa bahay ni Yaya annie. Di kasi kami nasundo ng driver at pinigilan din kami ni Yaya annie at angel.

" mama, nasaan na po si Papa?" Tanong ni Angel habang yakap yakap nya yung unan nya. Dito kasi sya matutulog kasama ko.

" namiss mo ako agad baby" pumasok na rin sya tapos umupo sa tabi namin ni Angel.

" dito ka din ba matutulog?" Inis na tanong ko sa kanya. Ngayon lang kasi ako matutulog na may katabing lalaki, i mean nagkatabi na pala kami. Pero naiilang pa rin ako sa kanya.

" oo naman!" Habang nagpapacute pa. Pero cute naman talaga sya lalo na nung mga bata pa lang kami.

" Diba po ang mag-asawa magkatabi matulog? Kagaya nila Nanay at tatay." Iba rin mag-isip tong batang to.

" bakit po di nyo kasama yung anak nyo, nasaan po sya?" Dugtong pa niya. Nanlaki yung mga mata ko.

" Wala pa kasi kaming baby , bata pa kasi kami." Sabi ni Gio.

" ganun po ba, pero love nyo po  ba si Mama?" Kinakabahan ako sa sagot ni Gio, nakatingin lang ako sa kanya at ganun din sya.

" Baby, matulog na tayo? Baka inaantok na ang mama mo." Akala ko sasagutin nya.

Hihiga na sana si Gio nang biglang ...

" Papa, saan na po yung kiss ni Mama? Si tatay po kasi bago sya matulog kinikiss nya si Nanay." Tumingin sakin si Gio, tapos kiniss nya si Angel sa noo.

" Si mama pa po!" dugtong pa ni Angel. Lumapit si Gio sakin at hinalikan ako sa noo. Namumula na yung pisngi ko, ang dami kasing alam ni Angel eh.

" Yeey!, tulog na po tayo."

Humiga na sya  habang nakayakap sa kanya si Angel. At humiga na rin ako.

" Alam ko po na pareho nyong love ang isat isa, kaya nga po mag-asawa kayo diba. At magkakababy rin kayo, ang sabi kasi ni Nanay nagkakaroon daw po ng baby sa tiyan ng mama pag love nila pareho ang isat isa" bakit ba parang lalo akong naiilang kay Gio dahil sa pinagsasabi ni Angel at namumula na ang pisngi ko. Sana naman di nya napansin yun kanina.

" Baby matulog ka na, para lumaki ka kaagad" sabi ni Gio

" Okay po! Love you papa." Sabi ni Angel.

" Love you din baby Angel"

Para talaga silang mag-ama. At ako yung--- ano ba tong iniisip mo Sam. Remember na you're just pretending to Gio.

Saglit kong tiningnan si Gio at tinitigan, tulog na rin kasi sya pati si Angel.

Ang gwapo nya pala kahit tulog. Ngumiti na lang ako habang tinitigan sya..

Vanns, miss na kita... Sana mapatawad mo ako sa kasalanan ko sayo.

Gio pov

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas. Tila parang may nagbabayo.

Iminulat ko ang mga mata ako at bumungad sakin ang Mukha ng isang anghel na lumiliwanag dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha nya at nakayakap ito sakin.

Inalis ko ang kamay nya na nakapatong sa dibdib ko. Pero binabalik nya parin, tapos inalis ko yung paa nya na nakapatong sa binti ko pero binabalik nya pa rin.

Tiningnan ko ulit yung mukha nya  at Hinawakan ko yung pisngi nya at dahan dahan nyang minulat yung mga mata nya.

" Good morning!" Sabi ko at bigla syang umalis ng sa pagkakayakap sakin.

" Bakit nakayakap ka sakin" wika nya habang nakayakap sa sarili nya.

" siguro may ginawa ka sakin no." Dugtong nya pa.

" Ang OA hah, ikaw nga itong nakayakap sakin kanina."

" hindi ah" 

" Teka, nasaan na ba si Angel?"

" Papa, andito po ako sa labas. Halika ka po!" Bakit kaya nya ako tinatawag?

Lumabas ako at nakita ko syang nakauniform, Papasok na yata sya sa school. Nabanggit nga pala ni yaya annie na nasa Preschool na ito.

" papasok ka na ba sa school mo?"

" Opo, magpapaalam lang po ako sa inyo. Mukhang masarap po kasi yung tulog nyo kanina eh."

" Hintayin mo ako at ihahatid kita sa school mo."

" Si mama din po, sasama.?" Tiningnan ko si Valerie at ngumiti lang sya.

" Oo naman , baby. Sasama ako."

" yeeh, hintayin ko po kayo sa labas hah." Excited na sabi nito .

-
-

Sam pov

Paglabas namin sa bahay ni Yaya annie ay dumating na ang sundo namin ni Gio. Nasa labas na rin si Angel.

Nagpaalam na kami kay yaya annie at mang Dante dahil huling araw na namin dito sa farm at finally uuwi na rin kami. Pero di ko pa nasasabi kay Gio ang totoo.

Naging emosyonal si Yaya annie sa pag-alis namin ni Gio.

-

Hinatid muna namin si Angel sa school nya.

Pagkababa namin sa kotse ay kinausap muna ni Gio si angel.

" Papa, pasok na po ako!. Mamaya na lang po hah." Habang naka smile ito sa amin.

" Baby, kailangan na kasing umalis ni Papa eh. " habang nakayuko ito kay Angel.

" saan po kayo pupunta?" Habang kumukurap kurap pa ang mga mata nito. At nalulungkot.

" Kailangan na kasi naming umuwi samin, pero hayaan mo pupunta ulit ako dito para bisitahin ka. Okay ba yun"

" Oo naman po! Salamat po sa inyo ni ate ganda dahil po sa inyo naranasan ko po na magkaroon ng mama at papa." Nakateary eyed na si angel at ganun din ako.

Niyakap sya ni gio tapos niyakap ko na rin sya.

Mamimiss ko talaga tong batang to, baka ito na yung huling beses na makikita ko sya.

" Baby aalis na kami hah, wag kang magpapaapi sa mga umaaway sayo hah. Laban lang basta nasa tama ka." 

Niyakap ko sya ulit at doon na tumulo ang mga luha ko.

" Ate ganda, balik po kayo ni kuya pogi!" Natigilan naman ako sa sinabi nya.

" Oo naman, diba val." sagot ni Gio, tumango na lang ako.

" Promise po!" Ngumiti sya tapos yumakap kay Gio.

" Promise,  baby!"

" ate ganda, kuya pogi pasok na po ako sa loob hah, ba bye po! Ingat po kayo hah." Ngumiti na lang ako habang pumapasok sya sa loob at kumakaway sa amin ni Gio.

-
-





I'm In Love With My Best friend's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon