Sid pov
" Sid, pakitawag ang Ate mo may pag-uusapan kami." kanina pa si Dad ganito, simula ng may inabot ang waiter na envelope kanina sa kanya. Ano bang laman nun bakit galit na galit sya? Umupo sya sa sopa at minasahe ang noo nya.
" Dad, okay lang"
" Ang sabi ko tawagin mo ang Ate mo."
" Okay Dad!"
Umakyat ako at tumungo sa kwarto ni Ate Sam pero di ko sya nakita, pumunta ako sa banyo pero wala rin sya doon. Patay ako nito kay Dad!
Bumaba ako at tumingin agad sakin si Dad. Ano bang gagawin ko?
" Dad--"
" Where is she?"
" Ah Dad, si Ate po-- si Ate po kasi-"
" Asan?"
" Di ko po sya makita!"
" Anong hindi?"
" Ate" buti naman dumating ka na kundi ako ang malalagot dito.
" Dad, andyan na po sya."
Lumapit sya kay Dad at niyakap ito. Pero ganun pa rin ang aura ng mukha ni Dad, kay Ate ba sya galit?
" Sid, iwan mo muna kami ng Ate mo." utos ni Dad at sumunod naman ako. Umakyat ako papunta sa kwarto ko. Bakit hindi?
Sam pov
Inabot sakin ni Dad ang brown envelope.
" Dad, ano po to?"
" Buksan mo"
I was shock when i saw my picture with Gio, yung isa binackhug ako ni Gio tapos yung isa nung niyakap ko sya nung nasa park kami at marami pang iba. Saang galing 'to? Ang galing ng pagkakakuha huh
" Ngayon ako na naman ang magtatanong, ano yan? Anong ibig sabihin nyan?" Tinignan ako ng masama ni Dad habang nakacross arm ito.
" Dad let me explain!"
" Go ahead at siguraduhin mong magugustuhan ko" ahm-- paano ko ba sisimulan?
" Ako na lang ang magtatanong at wala kang ibang sagot kundi oo o hindi. Boyfriend mo sya?"
" Hindi po!"
" Kailangan mo pa natutong magsinungaling Sam, anong ginagawa nyo kung hindi mo sya boyfriend? Sya ba ang dahil kung bakit na kacutting classes ka? Ano mo sya? SUMAGOT KA!"
" Dad, wala po!" Nanginginig na sagot ko dahil wala naman talaga.
" WALA, anong wala"
" MAHAL KO SYA! Mahal ko sya at wala pong naging kami dahil ikakasal na sya sa iba. " and this time tumulo na ang mga luha sa mga mata ko.
" Ano?"
" Yun po ang totoo Dad, hindi po ako nagsisinungaling sa inyo. Sya po si Gio ang fiancee ni Valerie at mahal ko po siya." Tumakbo ako sa taas kahit na narinig ko pa na tinatawag nya ko ay nagpatuloy lang ako sa pagtakbo papunta sa kwarto ko.
Bakit meron si Dad ng mga picture namin? Hindi kaya lagi nya akong pinasusundan pero bakit tinanong nya pa ako kung alam nya na.
May mali eh... Kung kailan mas pinili kong kalimutan si Gio ngayon pa lumabas to, kailangan malaman ni Valerie to bago nya pa man malaman sa iba.
Sasabihin ko na lahat sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
![](https://img.wattpad.com/cover/158268582-288-k540839.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm In Love With My Best friend's Fiancee
RandomHighest Rank Achieved: #1 in Kilig ( 02 . 20 . 19 ) #2 in pretending #5 in Tagalog love story #13 in Fall #21 in Romance-Friendship #26 in Romantic Comedy #12 in Tagalog #10 in Taglish I'm Samantha Marie Martinez, single at walang balak magkaboyfri...