Haay umaga na naman, makikita ko na naman yung asungot na yun.
Pero nagugutom na ako. Makababa na nga lang. Bahala sya dyan, di na ako magpapa uto sa kanya.
Pagbaba ko sa kusina ay wala akong nakita na Gio. Haayy salamat! Uy may pagkain na. Sakto gutom na gutom na ako.
Kumuha ako ng plato tapos umupo na ako.
Isusubo ko na sana yung pagkain ng biglang may tumapik sa kamay ko.
" Bakit ba?"
" Mag pray ka muna" ay oo nga pala nakalimutan ko. Teka si Gio ba talaga yung nagsabi sakin na magpray ako.
" Eh di mag pray!"
After kong magpray ay di ko inaasahan na ganun din pala sya. Marunong din pala sya.
" Kagaya po ng sinabi nya, salamat po sa mga biyaya na ibinigay nyo sa amin. Sana po magustuhan ng babaeng katabi ko ngayon yung niluto ko para sa kanya at mapatawad nya ako sa lahat ng mga maling nagawa ko sa kanya." May ganun ! Mukhang sincere naman.
" Kung kayo nga po marunong magpatawad, ako pa po ba. Pero mag sorry po muna sya" Dugtong ko sa pray nya. Ngumiti ako sa kanya at tumingin sya sakin at ngumiti.
" Amen!" Sabay pa kami sa pagsabi nun.
" Im sorry!" Natigilan naman ako sa narinig ko.
" Im sorry din" Tapos nagkatitigan kami. Bigla nya na lang akong inaya sa pagkainm
" Kain na tayo!" Yaya nya sakin.
Bat ba ang cute nya ngayon.?
" Ikaw ba lahat ang nagluto nito." Tumango lang sya, tapos nagpatuloy na sya sa pagkain.
" Marunong ka pala magluto!" Ano ba to , tumango na naman sya. Tahimik lang sya habang kumakain.
" Pupunta pa ba tayo sa farm?"
" kung gusto mo! "
" Puntahan natin yung yaya mo, yung sinasabi ni Mang ano ba yun?"
" si Mang Dante!, baka sino pa yung masabi nya?" Aba bubulong bulong pa..
" ay oo nga pala, di ko kasi masyadong narinig kahapon eh."
" pa check up mo na kaya yan!"
" ang alin? Sinasabi mo ba na mahina ang tenga ko?"
" di ako ang may sabi nyan!" Nagsisimula na naman to. Kumain na nga lang.
Gio pov
Ang akala ko dati yung mga babaeng galing states ay iba yung ugali , kagaya ng pinsan ko pagdating ang yabang na at panay ang english nila. Tapos kung magpalit ng boyfriend parang damit lang. Galing din naman akong states pero im not saying na lahat ganun.
Si Valerie iba sya, narealized ko kagabi na mali pala lahat ng akala ko sa kanya.
Yung pananamit nya napakasimple lang, di masyadong maiksi kung magshorts tapos yung damit di nakikita yung cleavage. di kagaya ng ibang babae na naghahabol sakin, nakaharap palang kita na ang---- basta iba talaga si Valerie.
" Sir, sasama pa po ba si Maam?" Tanong ng driver, nasa loob na kasi ako ng sasakyan ngayon. Yung bird brain na lang ang hinintay, ay mali si Valerie na lang pala.
" pwede bang ako na lang ang magdrive? Tutal alam ko naman yung pupuntahan namin."
" Kayo pong bahala sir."
" diba po hardenero din po kayo dito sa mansyon. Pakiayos na lang yung garden doon banda sa bintana ni Valerie. " tapos bumaba na yung driver at lumipat na ako sa driver seat.
" Aalis na ba tayo manong? Asan na po si Gio?" Wika ni Valerie habang papasok ng kotse.
" Manong ka dyan!" Lumingon ako sa kanya at nag wink. " Mukha ba akong driver? Sa gwapo kong to!"
" Nasaan na ba yung driver, bakit ikaw yung andyan?"
" Bakit ayaw mo ba akong maging driver mo?"
" Ayaw ko kaya ng supladong driver." Tapos nag cross arm sya.
" eh di bumaba ka!"
" di naman mabiro, sorry na! Sige na umalis na tayo. Nababagot na ako dito eh.
" Diba sabi mo kanina na driver ako, ngayon lumipat ka sa harap."
"Ang dami pang arte eh! Pwede naman dito ." reklamo nya pero Lumipat naman sya agad sa harap.
Napansin ko na di pa sya nakaseat belt kaya lumapit ako sa kanya para ikabit yung seat belt sa kanya.
" O anong ginagawa mo?" Tapos niyuko nya yung ulo nya, ano bang akala nya?
" Safety first!" Parang napahiya sya nung kinabit ko na yung seat belt nya. Ngumiti lang ako.
" O ano yang ngiti na yan? "
" sa susunod kasi magkabit ng seatbelt para di ibang tao ang nagkakabit ng seatbelt. Pasalamat ka fiancee kita!"
" eh di thank you!" Di ko maiwasang ngumiti pag nakikita ko syang ganyan, ang sarap nyang asarin at pagtripan.
" Umalis na nga tayo, tanghali na o. Gusto mo bang gabihin tayo?" Dugtong nya pa.
" Ngingiti pa to eh, gustong gusto nya talaga na inaasar ako" pabulong na sabi nya. Habang naka cross arm sya.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With My Best friend's Fiancee
RandomHighest Rank Achieved: #1 in Kilig ( 02 . 20 . 19 ) #2 in pretending #5 in Tagalog love story #13 in Fall #21 in Romance-Friendship #26 in Romantic Comedy #12 in Tagalog #10 in Taglish I'm Samantha Marie Martinez, single at walang balak magkaboyfri...