Yumi pov
" Hi Sam!" Binati ko sya bago pa man sya makaupo sa tabi ko pero tumango lang sya at pilit na ngumiti, ano na naman kaya ang problema nito?
" Oh anong nangyari?"
" Okay lang po ako!" Malungkot nyang sabi
" Kumusta na si Dad at si Sid? Di na ako nakabisita sa inyo eh"
" Okay naman, nagkabalikan na rin si Dad at si Mom kaya happy na ulit si Sid." What a perfect family! Di tulad ko hanggang ngayon kami lang ni Mama ang magkasama , may tatay nga ako pero may iba namang pamilya pero natutuwa pa rin ako na kinilala na ako ng tatay ko bilang anak nya.
"Ate, Nakita mo ba si Val?" I shook my head dahio di ko pa rin nakikita sa school yung bruha na yun.
" Nasaan na ba yun? Baka kung anong gawin nun sa sarili nya." Pag-aalalang sabi nya
" Ano naman ang gagawin nun?"
Kinuha nya yung phone nya.
" Hello Val,Asan ka?" Ospital? Anong ginagawa mo dyan? Anong nangyari?" Pupuntahan kita dyan!"
" Ate, emergency. Pupunta muna ako sa hospital! Mamaya na ako magpapaliwanag." Sinong nasa ospital? Pero di ko na nagawang magtanong dahil umalis kaagad sya, problema nun.
Sam pov
Pagdating ko sa hospital nagtanong kaagad ako sa front desk.
" Anong room ni Valerie Montefalcon"
" Valerie po ba yung fiancee nyang si Mr. Lacsamana?" Close sila?
" Opo!"
" Di naman po si Miss Valerie ang naospital kundi yung fiancee nyang si Mr. Lacsamana." Si Gio?
Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ni Gio at maraming tanong ang naglalaro sa isip ko na kung bakit si Gio ang nasa ospital ?
" Miss, kaano-ano po kayo ng pasyente?"
" Gir--- kaibigan nya! Kaibigan nya ako"
" Room 143!"
-
-
-Nakarating ako sa room ni Gio pero nag-aalangan ako kung bubuksan ko yung pinto. Pinagtabuyan ko na sya pero bakit ba andito pa ako?
Hinawakan ko ang door knob at dahan dahan na binuksan ang pinto.
Di ko alam kung anong mararamdaman sa nakita ko, nakita ko silang magkayakap ni Valerie" Valerie, thank you! Di mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayong araw na to. Thank you so much! Gagawin ko lahat para makabawi sayo." masayang sambit nya habang magkayakap pa rin sila, maling andito ako di ko na dapat sinasaktan pa ang sarili ko.
" Talaga lahat?"
" kahit ano?"
" Pakasal na tayo ngayon!" Sinara ko na ang pinto ,habang naglalakad ako palayo ay naririnig ko pa ang tawa at halakhak nilang dalawa.
Masaya ako para sa kanila kahit na masakit para sakin na nakikitang magkasama sila dahil para sakin masaya ako pagnakikita kong masaya ang bestfriend ko at ganun na din si Gio. Makakalimutan din kita Gio at walang makakaalam na minsang minahal kita at minsang minahal mo ako dahil mananatiling lihim yun sa lahat lalong lalo na kay Valerie. Masasaktan lang sya pag nalaman nya lahat ng naging meron tayo, ang nakaraan ay mananatiling nakaraan at pwedeng kalimutan at di na maibabalik pa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sid pov
" Dad, matagal pa ba si Ate Sam nagugutom na ako eh." 8pm na pero wala pa rin si Ate, we're having a family dinner in our favorite restaurant.
" Sid, you can eat now. Hon, lets eat. She won't come and i guess si Yumi di rin pupunta." We start to eat nang biglang dumating si Yumi.
" Dad, i'm sorry po na late ako." Invited din pala sya, Ate ko nga sya pero may something talaga sa kanya na di ko maintindihan.
" Its okay, take your seat!" Sabi ni Dad at Umupo sya sa tabi ko na dapat sana si Ate Sam ang katabi ko at hindi si Yumi.
" Si Sam po?" Tanong ni Yumi
" Anyway Yumi, have you seen her 'cause its seems that she won't gonna come and we've been trying to call her but----"
" Oh my God!" Kunwari gulat may patakip takip pa ng bibig, di na bebenta sakin yan.
" What's wrong hija?" Ayon pinag-aalala pa si Mom, nakita ko nga si Ate na nasa bahay na sya ayaw nya lang ipasabi sa parents namin dahil mag-aalala lang sila. I'm sure dahil na naman sa love life yun, mabuti pa nung N.B.S.B sya di ko sya palaging nakikita na umiiyak syempre nga walang love life. Kelan kaya sya babalik sa dati.
Di sa tsismoso ako pero nung nakaraang gabi sinundan ko sya at nakita ko yung kasama nya, pati yung kacornihan ng fireworks hehehe. Akala ko okay na pero sa huli kasabay ng mga luha nila ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Napag-alaman ko na ikakasal na pala yung Gio na yun kay Ate Val. Pagnakita ko talaga yung lalaki na yun di ko alam kung anong magagawa ko sa kanya kung di lang kasalanan sa Diyos ang pagpatay baka napatay ko na yun . Lagi nya na lang pinapaiyak ang Ate ko.
"Si Sam po kasi kanina di pumasok sa school." Sinungaling talaga to.
" What?" Gulat na tanong ni Dad
" i'm sorry Dad pero pinagbawalan kasi ako ni Sam na wag ko raw sasabihin sa inyo na pinuntahan nya yung---"
" Pwede ba tama na, hindi totoo yan. Di magagawa ni Ate ang mga pinagsasabi mo." Ang drama eh, pinagbawalan pala huh. Eh bakit nagsasalita ka.
" Sid, don't talk to your sister that way." Saway ni Dad pero wala akong pakialam dahil sinisiraan nya na ang Ate ko.
" Dad, nagsisinungaling sya."
" Sid, i told you to stop."
" Sid, tama ang Dad mo" pati ba naman si Mom, sige magkampihan kayo.
"Dad! Mom!"
" Tita, kanina po kasi bigla na lang po syang umalis sa school. At di ko po alam kung saan pumunta."
" Kaya nga, di mo alam diba. Pero wag kang mag-isip na may ibang pinuntahan sya dahil nasa bahay na sya kanina pa."
" totoo ba yan Sid?" Tanong ng babaeng to
" Why not? If you didn't believe. Okay, come with me at ipapakita ko sa inyo na nasa bahay lang si Ate."
" Okay Sid, i believe you pero bakit di mo sinabi samin ng Mom mo. You knew that Me and your Mom are really worried about her."
" She's not feeling well and that's it . Pinilit nyang pumunta pero di nya raw kaya . kaya di nya sinabi sa inyo dahil alam nyang ikakansel nyo lang yung dinner na to." Pwede na ba akong artista? Walang sinabi sakin si Ate na ganyan, ako lang ang nakaimbento nyan. Di rin sya nagtext, nung pumasok ako sa kwarto nya kanina nakita ko syang umiiyak at ayokong makita sya ng parents namin kung anong nangyayari sa kanya kaya pinagtakpan ko sya.
Di ka magtatagumpay sa binabalak mong Yumi ka. Sisraan mo pa ang Ate ko huh. Asa ka pa!
~~~~~~~~~~~~
Someone pov
Sasamantalahin ko ang pagkahibang mo kay Gio at sisirain kita sa mata ng mga mahal mo.
Wala na si Gio sa'yo at magpakasaya ka na dahil mawawala din sa'yo ang kaisa isang bestfriend mo.
At di pa dyan nagtatapos dahil di ko pa nakakalimutan ang ginawa ni Valerie sakin nung nasa Grades school pa lang tayo at wala kang ginawa kundi manood. Di ko pa rin nakakalimutan yun Samantha, isa kang mapagkunwari. Pinapakita mo lang na mabait ka pero ang totoo isa kang malaking sinungaling.
Kung kay Valerie nga naglihim ka at nagawa mong agawin si Gio sa kanya ano pa kaya sakin. Sa tinagal tagal ko ng nagpapansin sa kanya di man lang sya napasaakin.
Ano nga bang meron ka bakit lahat na lang pinipili ka?
To be continued.......
A/N: just a four chapter at ending na po kaya abangan nyo po ang epilogue. Hanggang sa huli mga minamahal kong readers.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With My Best friend's Fiancee
De TodoHighest Rank Achieved: #1 in Kilig ( 02 . 20 . 19 ) #2 in pretending #5 in Tagalog love story #13 in Fall #21 in Romance-Friendship #26 in Romantic Comedy #12 in Tagalog #10 in Taglish I'm Samantha Marie Martinez, single at walang balak magkaboyfri...