Chapter 30 : Divorce

1.2K 25 0
                                    

Sam pov

" Lahat na lang ng bagay nagiging kumplikado." I said as i wipe my last tears in my cheeks.

" Hindi totoo yan, tayo lang talaga ang dahilan at gumagawa ng ibang bagay kaya nagiging kumplikado ang lahat."

Lumingon ako at nakita ko si Mom na nakatayo sa pinto habang pinagmamasdan ako.

Lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko.

" Anak, i'm sorry . Dahil sa away namin ng Dad mo, nakalimutan na namin kayo ng kapatid mo." She said while holding my hand and caressing my cheeks.

" I'm sorry din po, di ko po sinasadyang sigawan kayo ni Dad."

" Shhh..." she hushed and hug me tightly and i hug her back. I miss my Mom so much."Don't worry about it, okay!"

" Okay na po ba kayo ulit ni Dad"

" Nag-usap na kami ng Dad mo at nagkaayos na kami... Ulit!" Wala namang bago. Ngumiti ako pero bumalik pa rin yung pagkalungkot ko kagaya kanina. Di ko talaga maitatago ang nararamdaman ko.

" Bata ka pa lang kilala na kita, may gugulo ba sayo anak. Kasi alam mo kahit na sa tingin nyo ng kapatid mo na napapabayaan na namin kayo, hindi totoo yan! Lagi ko pa rin kayong inaalala at hindi magbabago yun. Mahal na mahal ko kayo , kami ng Daddy nyo. Kaya kung ano man yan, andito lang ako." Tumulo na naman ang kanina ko pang pinipigilan na luha. Ganito ba talaga ka unli ang mga luha na to. Maubos ka na please!

Sob ~sob~ sob~

" Tahan na, anak. Di ka iiwan ni Mommy. Andito lang ako, di ako mawawala." While caressing my back, i really miss her comporting me.

"Mom, sali ako dyan!" Napatingin ako kay Sid habang pinupunasan ang mga luha ko. Nilagay nya yung mga pagkain na dala nya sa night stand at lumapit sa amin ni Mom.

" Sid!" Mom said

" Mom, okay na po kayo ni Dad?"

" May sasabihin ako mga anak, wag sana kayong mabibigla. Nakapagdecide kami ng Daddy nyo na----" she paused

" Magdidivorce na kami!" Naschock kami ni Sid sa narinig namin galing kay Mom. Seryoso ba to?

" Huh, mom sigurado po ba kayo? Di nyo na po ba mahal si Dad?" Tanong ni Sid, nauna pa syang nakarecover kaysa sakin huh.

" I'm sorry mga anak, di ko kasi alam kung hanggang kailan pa ako magbubulag bulagan sa mga pinaggagawa ng Dad nyo, pero please wag kayong magagalit sa kanya. Sya pa rin ang Dad nyo."

" 4 years ago, i've found  out na  may anak sa labas ang Dad nyo." Mas lalo kaming nashock ni Sid sa sunod na sinabi ni Mom.

" Sa simula pa lang alam ko ng babaero ang Daddy nyo pero pinakasalan ko pa rin sya sa pagkakaakala kong nagbago na sya pero nagkamali ako. After 15 years nalaman ko na hindi sya naging tapat sa pagsasama namin at nalaman kong nagkaanak pala sya sa dating sekretarya nya. Noon pa lang gusto ko na syang hiwalayan pero nakiusap sya sa akin na magsama ulit kami alang alang man lang sa inyo ni Sid. Kaya simula noon , di na ako nagtitiwala sa kanya." Napansin kong may tumulo ng luha sa mga mata ni Mom.

" Mom, i'm sorry!"

" wala kang kasalanan kaya di mo na kailangang magsorry, okay. Labas kayo sa problema namin ng Daddy nyo."

" Mom, about sa sinasabi nyong anak ni Dad. Nakita nyo na ba sya?" Tanong ni Sid

Tumango si Mom" uhm, nakita ko na sya at kilala mo rin sya Sam. Nagkita na kayo ng kapatid mo, nasa college na rin sya at sinabi ng Daddy mo na pareho kayo ng kurso. " kilala ko?

" Nayumi Ramirez , yun yung pangalan nya. Matanda lang sya sayo ng 5 months, have you met her?"

Si Nayumi? Hmmm... Ah Yung nagbigay sakin ng sandwich at yung sa Canteen. ( Chapter 4)

Mukha syang mabait pero alam nya kayang magkapatid kami.

" Mom, may ate pa po ako?" Tanong ni Sid. " i can't believe this! Pinagtitiisan ko na nga lang si Ate Sam, madadagdagan pa ng isa. Aray, ate naman" Siniko ko lang naman yung tagiliran nya.

"Ansabe mong bata ka! Sobra ka sakin huh."

" Sya nga pala, Sam, Sid. Mag impake na kayo at aalis na tayo  "

" Mom? Saan po tayo pupunta?" Tanong ni Sid

" Mga anak, wala ng dahilan para manatili pa ako dito. Maghihiwalay na kami ng Daddy nyo. Sasama ba kayo sakin, naiintindihan ko kung hindi. "

"Mom, sigurado na po ba talaga kayo?" Nag-aalangan kong tanong kay Mom.

She sighed at niyakap kami ni Sid. Sasama ba ako? Pero paano naman si Dad? Ang hirap namang pumili.

"Walang aalis!" Napalingon kami ng marinig namin si Dad. " Di kayo aalis, kung may dapat mang umalis ako yun. Ako na lang ang aalis!"

"Dad!" Lumapit ako sa kanya at niyakap sya, bakit ba kailangan pang mangyari to?

" Di nyo na po ba maaayos to? Mom, Dad. Pag-usapan nyo naman to? " Sigaw ni Sid tapos nagwalk-out, sinundan ko naman sya at naiwan si Mommy at Daddy sa loob.

Nakarating ako sa garahe at nakita kong pinatakbo nya na ang kotse nya at pumasok agad ako sa kotse ko at sinundan sya. Baka ano pang mangyari sa kanya, dahil ang bilis ng pagpapatakbo nya sa kotse nya at isa pa madilim na.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number nya.

" Sid sagutin mo?" Tatlong beses ko na syang tinatawagan pero di pa rin sumasagot.

Binilisan ko ang pagpapatakbo ko para maabutan ko sya.

Ring Ring Ring

Sinagot ko kaagad yung phone ko nang hindi man lang tinitingnan kung sino yung tumatawag.

" Sid!"

" Sam, ako to!" Please lang Gio, wag ngayon.

" Sam, mag-usap naman tayo!"

" Wala na tayong dapat pag-usapan Gio. Kaya please tama na!" Sigaw ko pero eto na naman yung luha ko, bakit ba kusa kang tumutulo?

" Sam, mahal na mahal kita!" Ano bang ginagawa mo Gio? Lalo mo lang pinapahirapan ang loob ko.

" Kahit na ano pang gawin mo, di ako titigil na mahalin ka. Sam please tell me that you love me too."

"Gio, oo mahal kita pero di na tayo pwede. Naiintindihan mo! Si Valerie gusto ka niya at fiancee mo na siya kaya please lang wag mo na akong guguluhin pa. Kalimutan mo na ako!" Bakit ba nasabi ko yun?

Gio pov

"Gio, oo mahal kita pero di na tayo pwede. Naiintindihan mo! Si Valerie gusto ka niya at fiancee mo na siya kaya please lang wag mo na akong guguluhin pa. Kalimutan mo na ako!" Yung sinabi nyang she love me too, di ko alam kung anong mararamdaman ko. Masaya ako kahit na sabihin nya pang kalimutan ko na sya wala akong pakialam.

" Sam, i can't. Nasaan ka ba ngayon , pupuntahan kita dyan." Pero parang di nya naman ako naririnig.

"Beeeeeeppppp~~"

" Hello, Sam!" Pero di sya sumasagot. Tiningnan ko yung phone ko at di pa nag Call ended. Pero bakit di sya sumasagot?

Bigla akong kinabahan at napahawak sa dibdib ko.

Hindi kaya?

Hindi pwede!



To be continued~~~~


------------------

A/N: Haay buhay!! Nakaupdate din!, busy busyhan kasi si Author kaya bago lang nakaupdate. Hello readers!

Again i'm sorry for the grammatical errors, this is unedited part.  

Anyway please also support my new book, published na po sya!

Have a nice day!💖☺😊

I'm In Love With My Best friend's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon