Valerie pov
Pumunta ako sa isang madilim na park kung saan nya sinabing magkita kami.
Nakakatakot hah pero wala akong pakialam. Para kay Sam tong ginagawa ko.
" You're late " narinig ko ang tinig ng isang babae sa lilim ng isang puno, madilim kaya di ko nakikita ang mukha nya pero parang narinig ko na sa kung saan yung boses nya. Saan ko ba 'to narinig?
" Sino ka?" Dahan dahan syang lumapit sakin at laking gulat ko ng makita ang mukha nya.
She smirk" Hi Valerie!"
"Yumi! Anong ginagawa mo dito"
" Ako yung kausap mo kanina sa phone at---"
" Ikaw?"
" Ako nga at wala ng iba!" She crossed her arms at tinaas ang kilay nya.
" Walang hiya ka! Bakit mo to ginagawa kay Sam?" Sigaw ko sa kanya
" Bakit? Kagaya mo rin, ginagawa ko to dahil ito ang nararapat sa kanya. Lahat na lang inaagaw nya kaya dapat lang na mawala sya sa mundong to."
" Ano bang ginawa ni Sam sa'yo? Magkapatid kayo Yumi pero bakit kailangan mo pa syang ipahiya sa lahat."
" Teka nga lang Valerie, diba galit ka kay Sam pero anong nangyayari sayo?" Dahil mali ang hinala mong bruha ka
" Dahil bestfriend ko sya at hinding hindi ako magpapaloko sa'yo, masama ka. Masama! Kailangan malaman ni Sam lahat ng pinaggagawa mo." Tumalikod ako at akmang aalis ng bigla na lang may humampas sa likod ko at nawalan ako ng malay.
-
-
-
-
-Nagising ako sa isang kwarto na punong puno ng plastik na upuan ang nakapaligid sa akin. Nasaan ako?
Nakagapos ang mga kamay ko habang nakaupo ako sa upuan. Walang hiya ka Yumi!
" Tulong! Tulong! Tulungang nyo ako."
Blag~
" Tumahimik ka dyan kung ayaw mong manahimik habang buhay." Sigaw nya sakin. Hayop talaga tong babae na to!
" Pag nakawala ako dito papatayin kita!"
" Ang tanong makakawala ka kaya! Hahaha... Kung ako sa'yo magdasal dasal ka na dahil hinding hindi kita papakawalan dyan hanggang sa malagutan ka na ng hininga. "
" Hayop ka talaga!"
" Pasalamat ka nga binuhay pa kita at maeenjoy mo pa yung buhay mo kasama nga lang yung mga plastik na kagaya mo."
" kung nanahimik ka lang sana at nakipagtulungan sakin eh di wala ka ngayon dito. Eh di kasama mo pa yung Gio mo. Kakaawa ka naman imbis na ikakasal ka na, mukhang libing pa yata ang aaetenan nila at hindi kasal mo. Hahahahahahaha" tumawa lang sya ng tumawa hanggang sa makalabas sya ng kwarto na to.
Urggh! Pagnakawala lang ako dito papatayin talaga kita Yumi!
Ring Ring Ring Ring
Phone?, may phone pa ako. Pero nasa pocket ko. Pano na to nakagapos pa yung mga kamay ko. Ahhhh, ang higpit ng pagkakatali ng bruhang Yumi na yun sakin.
Sinubukan kong kunin ang phone ko kahit nakagapos pa yung mga kamay ko, mabuti na lang sa bulsa ko na nasa likod ng pants ko nailagay yung phone ko kaya nakuha ko agad.
Urggh, nahulog pa bwisit!
Pinilit kong hubarin ang sapatos ko para masagot yung tawag sa phone ko.
Si Sam, si Sam yung tumatawag! Paulit ulit nagriring yung phone ko.
Sinagot ko ang tawag nya gamit ang daliri sa paa ko. Di ko maimagine na nangyayari sakin to ngayon.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With My Best friend's Fiancee
RandomHighest Rank Achieved: #1 in Kilig ( 02 . 20 . 19 ) #2 in pretending #5 in Tagalog love story #13 in Fall #21 in Romance-Friendship #26 in Romantic Comedy #12 in Tagalog #10 in Taglish I'm Samantha Marie Martinez, single at walang balak magkaboyfri...