Chapter 8 : Avoiding him

1.4K 47 0
                                    

Sam pov

Habang pinapatuyo ko ang basang buhok ko, naalala ko na naman yung nangyari sa resort. Di ko maintindihan yung ugali nya pabago bago. Minsan okay sya , tapos biglang ang bitter nya sa ulan.

Tapos napakabastos, di ba nya alam na virgin pa yung lips ko. Sya pa lang ang nakakahalik sakin ah. Mabuti na lang walang nakakita samin nung nasa parking lot kami. Nakakahiya!

Bakit kasi pag lumalapit na sya sakin parang poste na lang ako na hindi makagalaw.

Sino ba sya sa akala nya, buti sana kung sya si Vanns. Tapos ang layo pa ng ugali nya kay Vanns, di ko talaga sya magugustuhan. Erase! Erase! Di ko naman talaga sya kailangang gustuhin dahil hindi naman nya ako fiancee. Hala, speaking of fiancee, bakit ba di ko pa nasabi sa kanya kanina na hindi ako si Valerie. "Patay!" Tapos para akong tanga na ginugulo ang buhok.

"Ate, sinong patay?" Nagulat ako kay sid habang nakatayo ito sa pinto.

" hah? Wala"

" ano bang nangyayari sayo? Ngayon, sabihin mo sakin kung ano ba talagang tinitira mo hah?" Tapos umupo sya sa tabi ko.

" wala nga sabi." Binatukan ko sya

" aray ate naman eh, isusumbong kita kay mom hah. Nakakarami kana!"

" Pumunta ka na nga sa kwarto mo, matutulog na ako."

" nga pala ate, saan ka ba galing kanina? Ang sabi ni Manang fe umalis ka raw."

" hah, galing ako sa kaibigan ko."

" kilan ka pa nagkaroon ng kaibigan, ang alam ko si Ate Val lang ang bestfriend mo"

" ang dami mo ng tinatanong ah, umalis ka na nga. Matulog ka na."

" nagtatanong lang eh, ang sungit kaagad."

Buti na lang umalis na si Sid at mababawasan ang iniisip ko. Haay buhay nga naman! Bakit kasi ako napasok sa ganitong sitwasyon.
Speaking of..... Matawagan nga ang bruha...

-----

......cannot be reached.... Ano ba? Kailan ka ba uuwi?

-----------------------------------------

Haay nasa school na naman ako, dati rati sa entrance ako dumadaan ngayon nasa exit na. Di na rin ako nagdala ng sasakyan, mahirap na,  para di ako makita ni Gio sa parking lot.

----

----

Natapos din sa wakas, makauwi na nga. Nasaan na ba si Manong, nagpapasundo nga yung tao eh.

Nasa daan na ako, ng bigla na lang huminto ang kotse ni Gio sa harap ko. Bumaba sya at hinatak ako papasok ng kotse nya.

" bitiwan mo nga ako,Ano bang ginagawa mo Gio?" Siraulo talaga tong tao nato eh.

" tumahimik ka nga dyan, ang daldal mo eh. Wala naman akong gagawin sayo." Tapos pinatakbo nya na yung kotse nya

" wala ba, kung hatakin mo ako kanina wagas. "

" for your information, youre not my type. Kahit magmakaawa ka pa sakin!"

" ang kapal talaga ng pagmumukha mong gago ka, saan mo ba ako dadalhin?"

" relax okay!, mamaya ka na magtanong. "

" saan nga, bakit ba di mo pa sabihin sakin?"

" pag di ka tumigil sa kakatanong mo dyan. Hahalikan kita!"

Tumahimik na lang ako habang nakatingin sa labas. Di na ako magtatanong, baka sabihin nya pa na gusto ko na halikan nya ako.

I'm In Love With My Best friend's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon