Sam pov
Nasa loob na kami ng bahay ni Yaya Annie at naka upo sa may sala .
" Magpalamig muna kayo mga anak, sigurado akong napagod kayo sa biyahe nyo." Habang nilalapag yung juice na dala ni Yaya annie.
" Maraming salamat po." Wika ko at kinuha ko na yung juice, nakakauhaw kasi.
" sino po bang kasama nyo dito.?" Dugtong ko pagkatapos kong inumin yung juice.
" ah yung asawa kong si Dante at yung isa kong apo, andyan lang sya sa labas , naglalaro."
Biglang may pumasok na batang babae sa loob at pumunta sa tabi ni Yaya annie. Mga 5 year old lang yata sya. Kulot ang buhok at maputi , ngumiti sya kay Gio at ganun din sa kin.
" Nay sino po siya? " habang nakatingin kay Gio.
" ah siya si Kuya Gio at Si Ate Valerie yung--"
" asawa nya po?" Tanong ng bata, bakit ba lagi na lang kaming napapagkamalan na mag-asawa.
" Oo asawa ko nga sya. Ano bang pangalan mo?" Napansin ko na napaka patient nya sa mga bata.
" Angel po " sagot ng bata.
" Angel, halika na maglaro na tayo!" Tawag ng batang kasama nya sa paglalaro.
" Mamaya na lang po hah, maglalaro pa po kami. Bye Kuya Pogi at Ate Ganda." Nagwave muna sya bago sya lumabas. Napakacute nya..
" Nasaan po yung mga magulang ni Angel?" Tanong ni Gio.
Ang kwento ni Yaya Annie, Nagtatrabaho daw ang anak nya sa maynila noon nang umuwi ito dito sa lugar nila ay buntis na.
iniwan daw si Angel sa kanila ni Mang dante pagkatapos nitong manganak , dahil di nya naman itong kayang buhayin. At simula noon ay di na nagpakita ang nanay ni Angel. Kaya lumaki si Angel kina Yaya Annie at Mang dante.Nakakaawa naman si Angel, di nya man lang nakilala yung mga magulang nya.
-
-Nakadungaw ako ngayon sa bintana ng makita kong inaaway si Angel ng mga kalaro at tinutulak sya. Lumabas ako para pumunta sa kanya.
" Anong nanyayari dito?" Habang sinamaan ko ng tingin ang isang batang lalaki na tumulak kay Angel.
Tapos tiningnan ko si Angel, umiiyak ito habang nakaupo sa lupa. Hinawakan ko yung kamay nya at pinatayo ko sya.
" Wala kasing mama yan eh, ahh-- iyakin!" Habang nakanguso yung batang lalaki na umaaway sa kanya.
" Anong wala? Hindi mo ba alam na ako ang mama nya. Kaya umalis na kayo kung ayaw nyong makatikim sakin." Pananakot ko sa kanya at sa dalawa nyang kasama.
" May mama nga pero walang papa. Ahh--- broken family pala to eh" Sumusobra na itong bata na to ah.
" Sinong nagsabing wala? Ako ang Papa nya. Simula ngayon wag nyo na syang aawayin, nagkakaintindihan ba tayo mga bata." Di ko alam na nasa likod lang pala namin sya. Tumahimik yung mga bata ng dumating si Gio.
" Ah opo," nanginginig na sabi ng mga bata.
" Umalis na kayo at wag nyo ng guguluhin pa si Angel." Sabi ni gio. Nagsipagtakbuhan na yung mga bata.
Umupo si Gio sa harap ni Angel at pinunasan ang mga luha nito.
" Tahan na, wala ng mang-aaway sayo. " tapos niyakap nya si Angel at kinarga papasok sa bahay at pinaupo.
Umupo kaming tatlo sa may sala at masa gitna namin sya.
" Bakit ka ba nila inaaway?" Tanong ni Gio.
" Kasi po wala daw po akong mama at papa." Malungkot na sabi nya. Habang kinukurap kurap yung mga mata nya.
" Gusto mo, kami muna ang mama at papa mo.?" Nanlaki naman yung mga mata ko sa narinig ko kay Gio.
Nagbibiro lang naman ako kanina kaya nasabi ko na ako yung mama nya." Talaga po?" Excited na tanong nya.
" oo naman, diba mahal.?" Sabay tingin nya sakin. May pa mahal mahal pa ang gago hah.
" Hah--- ah oo naman baby" naiilang na sabi ko.
" yeeeh!" Sabay taas nya ng kamay nya.
" o ano yan?" Andyan na pala si Mang dante.
" tay, may mama at papa na po ako"
" hah, ano yun" gulat na tanong ni Mang dante sa apo.
" Tay si Kuya Pogi po at si Ate ganda " habang nakahawak sya sa kamay namin ni Gio.
" Magandang araw po Sir at sayo din po maam."
" Mang dante, Gio na lang po"
" Nakakahiya po sir"
" bahala po kayo mang Dante"
" Dante , andyan ka na ba? Halika na , tawagin mo na yung mga bata ng makakain na" tawag ni Yaya annie, nasa kusina kasi sya para raw makahanda sya ng pagkain.
" Mama , Papa kain na po tayo. Masarap po magluto si Nanay. Tay, tara na po" aya nya samin.
Pumunta kami sa kusina
" Mama tabi po tayo, Papa dito po kayo sa tabi ni Mama" Nailang na lang ako nung umupo si Gio sa tabi ko.
" Papa lagyan nyo na po ng kanin si Mama. Sakin po kunti lang." Sabi ng bata, ang saya saya nya lang tingnan.
" Angel!" Saway ni Yaya Annie.
" Okay lang po Ya," sabi ni Gio.
Tapos nilagyan nya na kami ng kanin ni Angel.
"Yehey! " ang saya saya nya habang kumakain. Natahimik na lang ako. Nang biglang---
Cough Cough Cough
" gusto mo ng tubig" sabi ni gio sabay abot nya sakin ng isang basong tubig.
Kinuha ko yung tubig at ininom ko .
" salamat" sabi ko sa kanya.
" ang sweet naman ni Mama at Papa." Napangiti na lang ako at si Gio, pati na rin si Yaya annie at mang dante.
" Angel, kumain ka na lang. mga anak kain lang ng kain, pagpasensyahan nyo na si Angel hah." Sabi ni Yaya Annie.
-
-
-" papa, gusto nyo pong sumama sa bukid. Sasama po kasi ako kay Tatay eh, tara po." Aya nya samin ni Gio. Andito na kasi ngayon sa labas at nagpapahangin pagkatapos namin kumain.
" Nanay, sasama rin po kayo.?" Dugtong nya pa.
" Naku apo, baka hindi na muna. May bisita pa tayo, bukas na lang hah."
" Hindi po yaya annie, sasama po kami ni Gio. Diba Gio?"
" Ah oo po, sabi nya eh." Nakita ko naman na nginitian kami ni Yaya annie na tila may ibig sabihin ito.
" yeeh, sasama ang mama at papa ko." Excited na sabi ni Angel.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With My Best friend's Fiancee
AléatoireHighest Rank Achieved: #1 in Kilig ( 02 . 20 . 19 ) #2 in pretending #5 in Tagalog love story #13 in Fall #21 in Romance-Friendship #26 in Romantic Comedy #12 in Tagalog #10 in Taglish I'm Samantha Marie Martinez, single at walang balak magkaboyfri...