Chapter 27 : Helping hand

1.2K 24 0
                                    

Ethan pov

BLAGG!!

Anong ingay ba yun? Galing yata sa labas.

andito ako ngayon sa kusina at nagkakape , nakailang cup na nga ako eh mga 12 o'clock na pero wala pa rin sya. Di kasi ako makatulog nung tumawag ako sa kanya kanina tapos lasing pa yata sya.

Teka baka sya na yun, lumabas ako at nasa living room sya at sinisira nya yung mga gamit.

''Uy! wag yan, sakin yan bigay sakin yan ni Mama." nakita ko lang naman na hawak hawak nya na yung laptop ko at ibabagsak nya na.

Tumingin sya sakin at binaba nya yung laptop ko.

" Bro, ano bang nangyayari sayo, di ka naman ganyan kanina ah."

" wala kang pakialam, di kita pinatira dito para pakialaman ang buhay ko, kaya kung magtatanong at magrereklamo ka lang din ayan bukas ang pinto at makakaalis ka na." habang tinuturo nya yung pinto, ano bang nangyayari sa kanya.

Di na lang ako nagsalita dahil dumiretso na sya sa kwarto nya.

-
-

Sam pov

" I should be the one who face him. Ako dapat yung nasaktan hindi ikaw, masakit pa ba yung braso mo."

" Okay lang ako! Wag ka ng mag-alala. "

" Sam im really really sorry. Paminsan minsan talaga di gumagana yung utak ko. Ang tanga ko talaga, kung di ko lang pinili yung mokong na yun dati sana wala ka sa ganitong sitwasyon." Habang hinahawakan nya yung kamay ko.

" Val, ang sabi ko okay na. Kaya wag mo ng sisihin yung sarili mo. " pero ang totoo nyan hindi talaga ako okay, kagabi di ako makatulog dahil iniisip ko kung paano ko pa haharapin si Gio. Di ko na masasabi sa kanya na ako si Sam na bestfriend nya. Gusto kong bumalik ang bestfriend kong si Vanns at magkaayos kaming dalawa, sana mabalik pa namin yun.

" Anyway Sam, di ka ba papasok."

" Ahm... Bukas na lang siguro. Ano kasi?" Baka magkita kami ni Gio, di ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

" Ganun ba, l'll stay here na din. Sasamahan kita para di ka nag-iisa, just tell me kung may gusto ka okay. Kuha lang ako ng foods sa kitchen nyo tapos nood tayo ng movie."

I just nod at sumandal sa headboard  ng kama ko. Di ko talaga trip pumasok sa school ngayon.

Habang nakasandal ako sa headboard , naalaa ko na naman yung nangyari kahapon.

Paano mo ba ako mapapatawad Gio?

Di ko alam may luha na palang  tumulo sa pisngi ko.

" Sam, are you crying?" Pag-aalala nyang sabi sakin. Pinunasan ko agad yung luha ko. " Huh, wala lang to, Val. "

" Anong wala, sabihin mo na. Diba bestfriend tayo? Kaya andito lang ako para sayo when you are crying, happy or whatever. So please tell me, i'm just worried for you." Ang pilit talaga nito pero siguro dapat sabihin ko na sa kanya lahat. Ayoko ng may tinatago sa kanya.

" Val, did you remember Vanns, yung childhood bestfriend ko na kinukwento sayo dati. Yung nawala na lang parang bula."

" Yes of course, sya lang kaya yung laging kinukwento mo dati no. "

Sinabi ko kay Val na si Gio yung Vanns na childhood friend ko at di ko pa nasasabi kay Gio ang lahat. Pero yung feeeling ko para kay Gio, di nya na dapat malaman pa yun. Di ko na sisirain yung kaligayahan ni Valerie.

nung sinabi nyang gusto nya si Gio di ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko, kung matutuwa ba ako para sa bestfriend ko o magseselos ba ako.

Pero ang alam ko lang kung saan sya masaya, masaya na rin ako. Ganun siguro pag mahal mo ang isang tao, handa kang masaktan para maging masaya lang sya.

Nangyari man sakin na ganito na nagpanggap ako at napunta ako sa ganitong sitwasyon, di ako nagsisi. Dahil natuto akong magmahal at pahalagahan ang nararamdaman ng ibang tao.

" Sam, wag kang mag-alala pag nagkita kami ni Gio. Gagawa ako ng paraan para magkausap kayo at sana maging okay na kayo."

" Salamat Val" niyakap ko sya at niyakap nya rin ako.

Val pov

I need to help Sam . Pero paano ba?

" Hello Kenny! I need your help, Paki text naman yung number and address ni Gio. "

" Miss V, don't tell me interesado ka na kay Sir Gio." I rolled my eyes, chismosa talaga tong babae na to.

" whatever Kenny, i'll wait for it okay. Pakibilisan lang!" Then i hang up the phone.

-
-
-

Ito na pala yung condo nya, not bad.

Ding dong Ding dong

Bumukas ang pinto at nagulat ako ng makita ang isang pamilyar na mukha, saan ko ba to nakita?

" Who are you?" I irratedly say. Pero tinaas nya lang yung kilay nya.

" Huh, ang bilis mo namang makalimot, ikaw yung assumera diba." what did he call to me? What the f*ck?

" awww..." tinadyakan ko lang naman yung paa nya. Sumusobra na eh, tawagin ba naman akong assumera anong akala nya may gusto ako sa kanya.

" bakit kaba andito, anong kailangan mo sakin?"

" Excuse me, wag ka ngang assuming dyan. You wish hah, di naman ikaw yung ipinunta ko dito no. Assumerong to! " Ako pa ang assumera hah, anong tawag nya sa sarili nya.

" Kung mang-iinsulto ka lang din mabuti pa umalis ka na at nakakaistorbo ka na."

" aray, aray. Nakakarami ka na ah" Hinila ko lang naman yung tenga nya nang matauhan naman , kanina pa eh.

" Pag di ka tumigil, di lang yan ang aabutin mo"

" Ethan, anong ingay ba to? Kanina ko pa naririnig yung boses mo sino bang kasama mo dyan." di ko pa sya nakikita, nasa loob pa yata.

" Pwede ba miss umalis ka na?" Sabi ni Mokong na ethan yata yung dinig kong sabi ni Gio.

" ahhhhw , bitiwan mo ako." hinila hila nya ba naman ako papasok ng kotse ko.

" Kailangan ko ngang kausapin si Gio!" Habang inaalis

" No ,wag ngayon pwede? Bad mode yun, baka ano pang gawin nya sayo." Concerned? di halata. Tapos binitiwan nya na ako.

" Pero kailangan ko nga syang makausap?"

" I said no! Umalis ka na i'll just call you pag okay na , okay!. Tapos kinuha nya yung phone ko at may tinype sya.

" what are you doing?"

" Wag mong pagkakalat yung number ko huh, sayo ko lang binigay to" I'll just rolled my eyes, feelingero talaga tong mokong na to. Tapos binigay nya na yung phone.

" What the f*ck? Handsome Ethan, saan banda ,sa toilet? Handsome handsama ng mukha." Nilagay nya lang naman yung pangalan nya na nakasave dito.

" Eh di waw, ikaw na nga itong tinutulungan eh. Wala bang thank you dyan!"

" Thank you mo mukha mo!"

I really hate this guy, kung wala lang akong kailangan para sa  bestfriend ko di ako makikipag-usap sa feelingerong Ethan na to.

----------------------------------------
To be continued----💞

I'm In Love With My Best friend's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon