Chapter 13 : The Fight

1.2K 45 0
                                    

Sam pov

Nakakapagod talagang maglakad kanina. Hihiga na muna ako sa sopa tapos manonood ng tv sa living room. Mamaya na lang ako aakyat sa taas ng kwarto ko.

Malapit na kasing mag-umpisa yung teleserye na inaabangan ko.

Binuhay ko na yung Tv tapos umupo na ako.

Bigla na lang tumabi sakin si Gio at kinuha ang remote at nilipat ang channel.

" akin na nga yan, Gio" habang kinukuha ang remote sa kanya.

" Akin mo mukha mo. Ako naman ang manonood"

" Kakanood ko lang kaya"

" ano ngayon, sakin kaya yung tv."

" ang damot damot naman nito!"

" eh di wow!"

" Ayaw mo akong panoorin ng tv hah, humanda ka sa kin, may araw ka rin."

" may araw? Bakit hindi pa gabi?" Aba aba mamimilusopo pa to.

" Bukas na bukas din uuwi na ako. Uuwi na talaga ako, di ko kayang makisama sa isang katulad mo." Tumayo ako , wala talaga syang pakialam .

" tingin  mo  ako gusto ko! Bird Brain."

" Gio Lakastama!" Tiningnan nya ako ng masama. Tapos tumayo sya at lumapit sya sakin.

" Anong sabi mo? Pag-inulit mo pa yan"

" ano? Anong gagawin mo hah? Paparusahan mo ako, dyan ka naman magaling eh."

" ano bang tingin mo, hahalikan kita. You wish hah, youre not my type."

" anong akala mo na type kita. FYI, hindi din kita type. So wag kang assuming dyan." Habang dinuduro ko sya, tapos tinaas nya yung kilay nya.

" alam mo bang ikaw palang ang nagsabi sakin nyan."

" eh ano ngayon, wala akong pakialam.

" baka naman gusto mong maulit yung nangyari satin sa alam mo na..
wala bang epekto sayo ang halik ni Gio Lacsamana, kulang pa ba." Tapos dahan dahan syang lumapit sakin.

PAK

" isang sampap, isang halik. Yan ang gusto ko sa isang babae, Gusto mo na naman ba ng punishment" Ano bang ginagawa nya? Dahan syang lumalapit sakin at ako naman umuurong ng umurong. Nangyari na to dati eh..

" Tumigil ka nga sa mga hirit mo na yan. Lumayo ka sa kin!" Sabay tulak ko sa kanya, pero di man lang sya gumalaw. Ang hina ko talaga.!

" Eh kung sabihin ko sayong ayaw ko. May magagawa ka ba?"

" Manang, Manang!" Sigaw ko, kinakabahan na ako. Tapos ngumiti na sya.

" hahahaha, kahit anong gawin mong sigaw mo dito wala rin namang makakarinig sayo." tawa lang sya mg tawa.

" Hah, ano? Anong ibig mong sabihin?" Habang nanginig ako at nakakunot ang noo ko.

tapos bigla syang ngumiti

" natakot ba kita? Nakakatawa naman yung mukha mo kanina, ang akala mo ba na porket tayong dalawa lang dito ay may gagawin na ako sayo." Tapos ngumiti na naman sya habang umiiling ang ulo nya.

PAK

Sinampal ko sya ulit, anong akala ganun ganun na lang....

" How dare you? Ganyan ka ba talaga sa mga tao o sakin lang, dahil ba sa hindi mo ako gusto, kaya kaya mo ng gawin lahat ng gusto mo. Kaya kaya mo ng paglaruan at pagtripan ako, anong akala mo natutuwa ako sa mga ginagawa mo. Oo bird brain ako tanggap ko yun isama mo na yung pagiging stupid ko. Pero yung halikan mo ako , ang akala mo ba nakakatuwa ka pa. Wala pang nakakahalik sakin, dahil gusto ko yung unang hahalik sa kin ay yung taong mahal ko at mahal din ako." Natahimik sya sa mga sinabi ko, ang haba kaya nun. Pero yung luha ko, please wag kang tumulo .Tapos umakyat na ako papunta sa kwarto ko baka kasi makita nya pa akong umiyak at yun yung ayaw ko na makita nya, na mahina ako.

Tapos sinubsob ko yung ulo ko sa kama. Nakakahiya! Naman, Pag nalaman nyang hindi ako si Valerie di ko alam kung anong gagawin nya sakin. Dapat di ko na sinabi yun sa kanya.

Pero tama na rin na sinabi ko sa kanya yun tapos naka dalawang sampal pa ako sa kanya , dapat lang  yun sa kanya para naman matauhan sya.

Tok Tok Tok

Sya na naman to, di pa ba sya tapos.

Tok Tok Tok

Bahala ka dyan!

Tok Tok Tok

Nakakainis ka na ah, sa inis ko ay agad kong binuksan yung pinto at sumigaw.

" Ano na naman ba?" halos manliit ako sa hiya nang makita ko si Aling martha , hawak hawak nya yung cellphone ko at nanginginig .

" maam, pasensya na po sa abala. andito lang po ako para ibigay yung naiwan nyo kanina sa sasakyan. Ang sabi kasi ni Sir Gio ako na daw ang magbigay sa inyo."  Nanginginig na sabi ni Aling Martha.

" Aling martha, pasensya na po. Akala ko po kasi si---"

" sige po maam aalis na po ako, pasensya na po sa abala." Tapos bumaba na si Aling martha, naawa tuloy ako sa kanya , ang lakas kasi ng pagkakasigaw ko kanina.

Nakita ko si  Gio na paakyat na ng hagdan kaya pumasok agad ako at sinara ang pinto. Kasalanan mo to eh.

To be continued~

A/N: Happy 100 reads, i didn't expect na may magbabasa ng book  na to. Thank you sa mga readers!

Have a nice day!☺💞

I'm In Love With My Best friend's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon