Gio pov
Papasok na ako ng kwarto ko ay napansin kong bukas ang kwarto ni Valerie.
Di man lang marunong maglock.
Isasara ko na sana yung pinto nya ng mapansin kong natutulog sya ng walang kumot.
Lumapit ako sa kanya.
Tumayo ako sa tabi nya at pinagmasdan syang matulog, nakaharap sya ngayon at nasa gitna ng kama nya ,tulog na tulog hah.
Nagulat ako ng bigla na lang sya gumulong papalapit sakin , napaupo naman ako sa tabi nya baka kasi mahulog sya. Pinatong nya yung ulo nya sa hita ko, ginawa pa akong unan ah. Ang likot pala nito matulog.
Tapos kinapa nya ako.
" anong klaseng unan ba to?"
tapos nahawakan nya yung kamay ko.
" Huy!"
Hinila nya kasi ako kaya napatabi ako sa kanya. Tapos niyakap nya ako ng mahigpit. Di ako makapaniwala na sa payat nyang yan nakayanan nyang hilahin ang isang katulad ko. Ibang klase yung lakas ng babae na to.
" hmmm.. Ang sarap naman ng unan ko , hmm.. Ang bango bango pa." Anong akala nya sakin unan.
Inalis ko yung kamay nya na nakahawak sa braso ko, pero binabalik nya rin. Lalo nyang hinigpitan ang pagkakayakap sakin. Di na ko makagalaw!
Bakit ba kasi naisip ko pang pumunta dito.?
Paano ako makakaalis dito ngayon? Gusto ko ng matulog.
-
-
-Sam pov
Iminulat ko ang aking mga mata ng maramdaman ko na tumatama na ang sikat ng araw sa aking mukha. Ginalaw ko yung kamay ko at nakapa ko ang isang braso. Bakit may braso, ang tigas hah?
Tuluyan kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad sakin ang mukha ni Gio. Nanlaki yung mga mata ko tapos Sumigaw ako.
"Bastos, manyak. Anong ginagawa mo dito bakit nakayakap ka sakin?" Lumayo agad ako sa kanya, habang yakap yakap ang sarili ko.
Nakita kong iminulat nya na ang mga mata nya.
" Bakit andito ka, anong ginawa mo sakin?"
Bumangon sya at umupo at hawak nya yung ulo nya.
" magsalita ka nga, anong ginawa mo sakin?"
" Wag ka ngang O.A. dyan."
" bakit nakayakap ka sakin?"
" ako pa, ikaw kaya ang nakayakap sakin?"
" Ano ? Ang kapal naman ng pagmumukha mo?"
" ikaw nga eh! Kung ano ano yung pinag gagawa mo sakin kagabi."
" Aray! Ano ba?" Binatukan ko lang naman sya.
" Hoy hoy! Bakit naman ako, ako pa ang may ginawa hah."
Lumabas sya ng kwarto ko at ako naman hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano bang ginawa ko.
Haay ano ba na naman ba to?
Makaligo na nga lang!
Bababa na sana ako ng makita kong bukas ang kwarto nya kaya pumasok ako, sya nga pumasok ng hindi nagpapaalam ako pa ba!
Narinig kong may lumabas ng CR kaya agad akong nagtago sa ilalim ng kama nya.
Andyan na sya, huhuhu pagnahuli nya ako dito baka iba pa isipin nya sakin.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With My Best friend's Fiancee
RandomHighest Rank Achieved: #1 in Kilig ( 02 . 20 . 19 ) #2 in pretending #5 in Tagalog love story #13 in Fall #21 in Romance-Friendship #26 in Romantic Comedy #12 in Tagalog #10 in Taglish I'm Samantha Marie Martinez, single at walang balak magkaboyfri...