Gio pov
Fast forward
1 year later
After our wedding natapos din yung dream house namin ni Samantha. Ginamit ko yung pera na binigay ni Dad as wedding gift. He's really different before kaya sobrang thankful ko dahil nakikinig na sya kay Mommy.
Nagtatrabaho ako ng mabuti para sa amin at syempre para sa magiging baby namin ni Sam , she is now 6 months pregnant in our twin. We're gonna have a twin, a boy and a girl.
At ngayon 1 o'clock ng umaga andito ako sa labas para bumili ng milk ice cream, white chocolate. Di ko alam kung bakit naiba ang paborito nya dati naman chocolate ang gusto nya pero ngayon hindi na. Pinupuno ko na nga yung Ref namin ng kung ano mang gustuhin nya pero ang sabi nya wala daw dun kaya tuwing hating gabi ginigising nya na lang ako para bumili. Walang gabi na hindi ako ginising ng asawa ko simula nang nagbubuntis sya pero di naman ako nagrereklamo. Dahil ang buntis dapat inaalagaan. Tatlong buwan na lang naman matatapos din to.
Kaya ko pa naman, kahit na nagbabake pa ako ng cake sa gabi, i mean umaga pala.
Kagaya kagabi at ng mga nakaraang buwan alas dos na ng umaga nagbabake pa ako ng cake at ngayon maaga pa naman mga ala una pa lang naman.
Nag-aral pa ako magbake ng cake para sa kanya , kasi nung unang bake ko ng cake. Sinunod ko lang yung sinabi ni Ethan sa phone, kaya yun di ko pa alam kung anong gagawin at napaso pa yung mga kamay ko dahil sa katangahan ko pero worth it naman lahat ng mga ginawa ko dahil nagustuhan nya yung binake ko para sa kanya kahit na di maintindihan yung itsura ng cake. Ayaw nya kasi yung binibili sa bakeshop, gusto nya ako daw ang kailangan magluto ng kakainin nya kaya kahit tanghali umuuwi ako galing sa trabaho para ipagluto lang sya at kahit puyat ako sa gabi ako pa ang nagluluto ng breakfast nya.
Nakakahiya man kay Dad pero mabuti na lang naiintindihan nya ako dahil ganito din daw yung Mommy ko nung nagbubuntis.
" Nasaan na yung cake ko? Ang tagal!" Sigaw ng asawa ko galing sa living room. Akala ko nakatulog na pero hindi pa pala, nanood ng mga korean novela. Di ba sya inaantok at napapagod na tuwing hating gabi gising sya.
Inislice ko agad yung cake at dinala sa kanya.
" Asan na?." Sabay pout, ang cute pa rin talaga nyang magpout. Napangiti ako at nawala ang antok ko, ang babaw lang talaga ng kaligayahan ko.. Hahaahah
" Eto na! Kain ka na." Tiningnan nya lang yung cake at bumalik sa panonood.
" Mahal,pwede bang milk ice cream na lang? Nawalan na kasi ako ng gana at tsaka milk chocolate na rin bili mo ako ubos na kasi yung stocks ko." May bukas pa kayang tindahan?
Ngumiti na lang ako sa kanya at tumayo, di ko na pinapakita kung gaano ako kaantok." Kukunin ko lang yung jacket ko" hinalikan ko sya sa noo bago ako umalis.
~~
Pagkatapos kong libutin lahat ng tindahan mabuti na lang may bukas pa.
Pagkadating ko sa bahay ay inilagay ko agad yung ice cream nya sa cup at ipinatong sa tray at dinala sa kwarto namin.
Naabutan ko naman syang nakaupo sa gilid ng kama namin at nagmumokmok. Tinawag ko sya at tiningnan lang ako ng masama. Eto na naman sya, ganiyo ba talaga pagnagbubuntis.
" Bakit ngayon ka lang?"
" Ang tagal ko ba?" Habang nilalagay yung tray sa tabi nya.
" Bakit lumabas ka ng ganyan?"
" Nang ano?"
" Bakit ang gwapo mo pa rin? Paano kung bigla ka na lang kinidnap sakin ng mga babaeng hanggang ngayon---" i immediately sealed my lips on her to shut her up.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With My Best friend's Fiancee
RandomHighest Rank Achieved: #1 in Kilig ( 02 . 20 . 19 ) #2 in pretending #5 in Tagalog love story #13 in Fall #21 in Romance-Friendship #26 in Romantic Comedy #12 in Tagalog #10 in Taglish I'm Samantha Marie Martinez, single at walang balak magkaboyfri...