Sam pov
Nakangiti si Gio habang lumalapit sakin , nakipagkita ako sa kanya sa park para kausapin sya at matigil na lahat ng kung ano mang meron kami dahil di ko kayang nakikitang nasasaktan ang bestfriend ko dahil sakin.
" Sam, bakit naisipan mong dito tayo magkita? Namiss mo ba to?" Nag-uumpisa ng dumilim at mga ilaw na lang sa park ang nakikita ko, ang sabi nya kasi mga dalawang oras pa sya makakarating kaya ngayon lamg ako dumating pero mas nauna pa sya sakin.
" Naalala mo pa ba na dito tayo unang nagkita at dito rin nag-umpisa ang lahat."
" Oo naman kaya nga gusto ko na di na matapos ang lahat at gusto kong mag-umpisa tayo ulit, yung malaya tayong mahalin ang sino mang gustuhin nating mahalin."
" Gio"
Inilahad nya ang kamay nya "Sam , come with me!"
" Gio, andito ako dahil may sasabihin ako sa'yo"
" Pwede bang bago yan may ipapakita muna ako?"
"Pero--"
" Sam, please?" I just nod dahil gusto kong malaman kung ano yun kahit eto na lang yung huling araw na makakausap ko sya ng ganito.
Piniringan nya yung mga mata ko gamit ang panyo nya at nag-umpisang maglakad habang hawak ang kamay ko. " Saan mo ba ako dadalhin?"
" Just relax dahil wala akong gagawing masama sa'yo."
" Wala nga ba?"
" Depende!" I hit his arm that made him flinch.
" Joke lang! Eh di sana matagal ko ng ginawa. Pero sana magusto mo to Sam dahil pinaghirapan ko to"
" Pero ano ba talaga yung ipapakita mo?" Nacurious talaga ako , ang lakas talaga magpasuspense nito.
" Just wait and see!" Bigla syang bumitaw sakin kaya natakot ako dahil nakapiring pa yung mga mata ko.
"Gio, asan ka na?"
" Pwede mo ng tanggalin?" Dahan dahan kong tinanggal ang nakatakip sa mga mata ko.
Nagulat ako ng bigla kong imulat ang mga mata ko.Bigla na lang akong may nakitang fireworks na nagniningning sa kalangitan, may heartshape at iba pa. Eto ba yung surprise nya?
After the fireworks-
" Naalala mo pa ba nung mga bata pa tayo gustong gusto mo ng fireworks at nagpromise ako na sabay tayong manonood ng fireworks at eto na yun, kaya sana nagustuhan mo dahil kung hindi papalitan ko nalang."
" Eto ba ang dahilan kung bakit may paantay antay ka pang nalalaman ah"
" Subukan mo kayang manood ng fireworks sa araw? Hahahaha!" Bigla syang tumawa, sana ganyan pa rin ang tawa mo pagkatapos nito dahil gusto kong lagi ka pa ring masaya kahit wala na ako.
" So its your turn, diba may sasabihin ka?"
" Gio-- i-- want to be honest to you. Its better if we should stop, itigil na natin to."
Gio pov
" Gio -- i-- want to be honest to you. Its better if we should stop , itigil na natin to" napahinto ako at tumingin sa kanya.
" Nagbibiro ka lang diba?" She shook her head
" kagaya ng sinabi mo kanina na dito tayo unang nagkita at dito rin nag-umpisa ang lahat ,kaya dito mismo sa lugar na to gusto ko ng tapusin lahat ng meron tayo dahil ito yung tamang gawin. Ang sabi nila pagsinunod mo yung puso mo sasaya ka pero bakit tayo sinusunod nga natin yung puso natin pero nasasaktan pa rin ako at nakakasakit pa rin tayo ng iba. Siguro nga nagkakilala lang tayo sa maling panahon at di pa nakaayon satin ang pagkakataon pero nangangako ako sayo na kahit na gaano man tayo ipaglayo ng pagkakataon lagi mong iisipin na andito ka lang sa puso ko at kahit sino man ang dumating di ka mawawala dito(heart) dahil lagi kang may puwang dito at di kita makakalimutan." Her face are all wet because of the tears , i keep on wiping it but there's no use. My tears started to fell when i saw her crying.
" lagi mo na lang sinasabi yan, ang bilis mong sumuko. Sam,paano ako paano tayo?"
" Gio, mahal kita at mahal ko rin si Val kaya please wag mo na akong pahirapan dahil hirap na hirap na ako. Wag ka namang magpakaimmature!" Ako immature?
" Ako immature? Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan, ako din? Kaya nga hindi ako sumusuko satin dahil umaasa pa rin ako na isang araw , pwede din pala. Pwede din pala tayong magsama ng walang ibang takot na nananaig sa puso natin na baka may masaktan na naman tayo."
" Mahal kita , mahal mo ako pero ano ba talaga tayo? May tayo nga ba o ako lang ang nag-iisip at nakakaramdam na pwede pa tayo. I'm sorry Gio pero ayoko ng umasa pa sa wala. So please, hayaan mo na ako" Natahimik ako dahil wala akong magawa para patunayan sa kanya na kaya kong pasayahin sya sa paraang gusto nya.
The next thing na naramdaman ko , she's hugging me but i didn't hug her back. I'm still in the state of shock na hindi pa nakakarecover sa nangyari.
nakaramdam ako ng pagpatak ng ulan , sige ulan pa.
ULAN PA MORE! IPAMUKHA MO NA NAMAN SA AKIN NA IIWAN NYA NA NAMAN AKO.
Gusto kong habulin si Sam pero malayo na sya , di ko namalayan na kanina pa pala ako dito nakatanga.
The last time na umulan at kasama ko sya we made a promise na kahit anong mangyari walang iwanan pero wala na ngayon yun.
Ang akala ko di na mauulit ang nangyari dati. She left me alone at umuulan at dito rin mismo sa lugar na to.
I want to fight for her pero paano pa kung sumuko na sya.
~~~~~~~~~~~
" Gio, what happened? where have you been? Bakit basang basa ka ng ulan?" Akala ko nasa condo ako pero nasa bahay pala ako ng parents ko.
" Are you drunk? Please answer me, Gio anak why are you doing this?" Si Mommy pala 'to and i'm sure pag naabutan pa ako ni Daddy sesermonan na naman ako nun.
" Ma, namiss ko po kayo" i hug my Mom not minding if she will be mad at me 'cause i'm wet because of the rain.
" Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?" Sya lang ang nakakaintindi sakin pag wala si Daddy pero pag andyan na si Daddy kumakampi sya kahit na mali pa ang Dad ko para sa kanya tama.
" Pumasok ka muna wala ang Daddy mo kaya dito ka muna magstay, ipapahanda ko lang yung kwarto mo kay Manang at maligo ka na rin baka magkasakit ka"
" Ma, may namatay na ba sa nagpaulan?" She just let a small laugh..
" ano bang nangyayari sa'yo? Kung ano ano ng pinagsasabi mong bata ka."
Beep Beep Beep Beep
" Your Dad, its your Dad. I thought he's on a business trip, di ka niya dapat makita dito at sa ganyang kondisyon." Tarantang sabi ni Mommy pero wala akong pakialam kung makita nya ako na ganito.
Sa halip lumabas ako at hinarap ko sya. Wala akong pakialam kung pagagalitan nya man ako ang mahalaga masabi ko sa kanya ang mga hinanakit ko bilang anak nya.
Buong buhay ko sinunod ko sya para patunayan ko sa kanyang anak nya ako pero hindi ako robot, tao ako at ako ang magdedesisyon kung sinong mamahalin ko at papakasalan ko. Di ko hahayaang kontrolin nya ang buhay ko, mahal kita Dad pero this time ako naman ang masusunod.
Di ko hahayaang magkalayo na naman kami ulit ni Samantha dahil baka di ko na kayanin.
To be continued...
A/N:
Habang tumatagal ang OA na ni Author pero pagpasensyahan nyo na si Author kasi ganyan yun mga pinagdadaanan nya charot lang hehehe yung iba😉Pero malapit na talaga ang ending nito kaya abangan nyo na lang kung anong mangyayari. Hanggang sa huli!
Thanks😊
Have a nice day and keep safe my dear Readers😘
BINABASA MO ANG
I'm In Love With My Best friend's Fiancee
SonstigesHighest Rank Achieved: #1 in Kilig ( 02 . 20 . 19 ) #2 in pretending #5 in Tagalog love story #13 in Fall #21 in Romance-Friendship #26 in Romantic Comedy #12 in Tagalog #10 in Taglish I'm Samantha Marie Martinez, single at walang balak magkaboyfri...