Chapter 15 : Road

1.2K 36 0
                                    

Gio pov

Ano ba naman to , kung minamalas ka nga ba naman .bigla pang tumirik yung sasakyan , sinubukan kong iistart ulit pero ayaw talagang umandar. Sira yata to eh.

" Valerie, bumaba ka na dyan. Nasiraan yata tayo.."  Ano ba yan, antukin talaga to. Tapos nagising na rin sya at bumaba.

Sinipa ko yung gulong sa inis, bakit ba ngayon pa nangyari to.

" ano bang ginagawa mo?"

" o ano na ngayon? Sira yung sasakyan. Kailangan nating maglakad."

" okay lang naman sakin! Tawagan mo na lang si Manong driver para sunduin tayo."

" ang layo pa ng lalakarin natin. Kaya mo ba?"

" oo naman, tara na!" aya nya sakin tapos lumakad na sya, di man lang sya nagreklamo. Kung ibang babae to, ang dami ng sinabing kaartehan.

Habang naglalakad kami ay di ko maiwasang tumingin sa kanya, tahimik lang syang naglalakad habang nakatingin sa paligid at hawak hawak yung cellphone nya.
Tapos bigla syang nag-aya sakin na magpapicture.

Lumapit ako sa kanya at nagpapicture kaming dalawa,

Tapos tumakbo sya sa harap at kinunan ako ng picture.

Ngumiti lang ako, ang saya saya nyang tingnan.

Tiningnan nya yung mga picture na kinunan nya kanina. Lumapit ako para makita ko rin.

" ang cute ko dito!" Sabi nya. Ang cute nya nga.

Swipe sya ng swipe sa phone nya para tingnan yung mga picture na kinunan nya kanina nang bigla kong makita yung picture ko nung kinunan nya ako sa resort. Nahinto kami pareho sa paglalakad.

Tapos tinago nya yung cellphone nya sa likod nya at tumingin sakin.

" Akala ko ba binura mo na yan! Di ka ba nagsasawa dyan. Alam mo pag kinasal na tayo, araw araw mong makikita yung pagmumukha na yan." Asar ko sa kanya.

" Ang kapal hah, nakalimutan ko lang naman.!" Agad kong kinuha ang cellphone nya at tinakbo.

" Hoy akin na yan!"

Hinabol nya ako, tapos napagod na ako sa katatakbo at huminto.

" Akin na nga yan Gio, ibigay mo na sakin yan." tinaas ko ang kamay ko para di nya maabot yung phone nya. Nakatip toe na sya pero di nya pa rin abot, ang pandak nya talaga. Hanggang baba ko lang kasi sya.

" Humanda ka sakin pag di mo binigay sakin yan" tumalon talon na sya pero di nya pa rin maabot, tapos nakayakap na sya sakin.

" di nya abot, sige talon pa!" Asar ko sa kanya.

Nanlilisik na yung mga mata nya tapos huminga sya ng malalim. Sabay talon nya.

" Woow!

-

Sam pov

"Ano ka ngayon?"

Anong nangyare?

Sinalakay ko lang naman sya kaya pareho kaming natumba sa daan. Tapos inupuan ko sya sa tiyan, dahil doon nakuha ko ulit yung phone ko.

" Anong akala mo na porket maliit ako , hindi kita kaya." Tapos tumayo na ako, sya naman mukhang naiilang na tumayo.

" sumakit likod ko doon ah!" Habang pinapagpag yung damit nya

" akin na nga!" Pumunta ako sa likod nya at pinagpag ko yung likod nya.

" ikaw kasi ang dami mong alam eh" sabi ko sa kanya, pero tahimik lang sya.

I'm In Love With My Best friend's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon