Chapter 17 : Bond

1.1K 39 0
                                    

Gio pov

Naglalakad kami ngayon sa gilid ng palayan habang buhat ko si Angel at nakakarga sa balikat ko at hawak ko yung dalawang kamay nya.

" Papa si mama po ba kinakarga nyo din."

" Kung gusto nya, kakargahin ko din sya " aba, nagkukulitan na naman yung piling mag-ama sa likuran ko.

" Naku apo, baka pagod na ang kuya mo bumaba ka na dyan." Sabi ni yaya annie.

" Okay lang po yaya annie. Kaya ko po, minsan lang naman po to."

" bahala ka iho, baka masanay yang si Angel sa yo."

" Papa, ano po ba yung nagustuhan nyo kay mama bakit po sya ang asawa nyo.?"  Nalintikan na , nagpapakapiling papa ka dyan hah. Sagutin mo nga yung tanong ng bata sayo.

" Bakit mo naman natanong yan baby?"

" Kasi po si Nanay at tatay may dahilan sila kaya nagustuhan nila at minahal ang isat isa. At kaya po sila nagpakasal. Sagutin nyo na po yung tanong ko, para naman may ikukuwento ako sa kalaro ko. " ngumiti naman ako, habang pinapanood sila sa likuran.

" Nagustuhan ko sa kanya? Wala naman akong nagustuhan." Kumunot naman ang noo ko sa narinig ko kay gio.

" kasi nga naramdaman ko na lang na mahal ko na pala sya at sya ang gusto kong makasama habang buhay at ibibigay ko lahat ng meron ako para sa kanya." Dugtong ni Gio kaya nagsimula namang mamula ang pisngi ko at Natigilan naman ako sa paglakad .

" Nakakakilig po talaga kayo , uy si mama kinikilig din. " naiilang akong lumingon kay gio nakatingin kasi sya sakin. Baka sabihin pa nito na totoong kinikilig ako dahil sa mga sinabi nya.

" Huy, Val. " nagulat nalang ako na nasa harap ko na pala sila gio.
Para akong tanga dito, pakiramdam ko talaga tumigil ang mundo ko.

Sam wake up, sabi ni Isip.

-
-
-

Kring kring kring

Si Val, tumatawag ano bang kailangan nya.?

" Hello!"

" Finally, sumagot ka na rin. I've tried to call you pero cannot be reach yung phone mo. Asan ka ba ngayon?" Paki nya, ang akala ko hahayaan nya na akong makulong sa sitwasyon na to.

" Im with him."

" With who?"

" With your fiancee! Were in vacation in their farm."

" Hah, what? Sumama ka talaga!"

" why not? Halos kaladkarin nya ako  madala lang nya ako dito."

" What ? May ganun na palang nangyari, di mo man lang sinabi."

" mama, bilisan nyo po maiiwan na po kayo " tawag ni Angel sakin

" Mama? Sino yun?" Pagtataka ni val.

" hah, anyway Val. I have to go, tawagan na lang kita mamaya okay."

" wait lang Sam." Pinatayan ko kaagad sya. Maiiwan na kasi ako nila Gio, natatakot kasi ako maiwan baka maligaw pa ako.

" Val, kanina ka pa namin inaantay dito bilisan mo naman. Ang bagal bagal naman nito." Nagsimula akong maglakad papunta sa kanila.

-
-
-

Kring kring kring

Inoff ko na lang yung phone ko, kanina pa to tumatawag eh. Nakakainis na sya.

Ang sarap naman ng hangin dito, napaka sariwa, nasa ilalim ako ng puno ngayon habang pinapanood ko si Gio.

Tinutulungan kasi nya si Mang dante sa pagtatanim ng palay. Di ko alam na marunong pala sya nun.

Pero totoo nga ang kanta na "Magtanim ay di biro" kaya chineer ko si Gio habang nasa malayo ito.

" Go Gio! " tumingin sya sakin at ngumiti ito. Sya ba talaga to?

" Naiinip na ba ang misis ko? " Sabi na eh,ay ibig sabihin yung ngiti na yun eh, mang-aasar na naman sya.

I just rolled my eyes, but deep inside i -----

" Mama, ang gwapo po nya no?" Sabi ni Angel.

" Hah, oo gwapo nga sya." Teka si Angel talaga eh,

" Mama, ako na naman po ang magtatanong sa inyo. Ano po bang nagustuhan nyo kay Papa?" Umupo sya sa tabi ko.

" nagustuhan? Ikaw talaga, ang bata bata mo pa lang pero yung mga tanong mo..." Tapos ginulo ko yung buhok nya.

" Sabihin nyo na po, please" paano ko ba sasabihin sa batang to, wala naman talaga akong gusto sa mokong na yan. Di ko pa kasi naranasan talaga na mainlove kaya siguro di ko magawang magsinungaling sa nararamdaman ko.

" Ah angel, ikaw ba? Di mo ba hinahanap ang mama mo o di ka ba galit sa kanya?"

" minsan po , pero naintindihan ko po sya. " hah agad, ang bata bata pa nito eh pero naiintindin nya na. Imposible!

" Ang swerte nya dahil ikaw ang naging anak nya." Hinawakan ko yung pisngi nya.

" Kahit wala ang mama at papa mo, matuto kang ipagtanggol ang sarili mo, kasi di lahat ng oras ay andyan sila para ipagtanggol ka sa mga nagtatangkang saktan ka. Fight fight lang!" Habang nakakuyom ang kanang kamay ko at tinataas,

" Fight Fight lang!" Ginaya naman ito ni Angel.

" Hoy sali ako dyan!" Sabi ni Yaya annie.

" Ako din!" Sabi ni Gio habang nasa malayo at nagtanim ng palay.

" Dyan ka lang! Bawal ang mga pangit dito." Asar ko sa kanya.

" aba aba, pangit pala ako hah. Humanda ka sakin mamaya."

Natawa naman ako kay Gio, para kasi syang bata pag napikon.

I'm In Love With My Best friend's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon