Chapter 7 : The Dinner Date

1.4K 42 0
                                    

Gio pov

Ang akala ko late na naman sya pero nauna sya sakin. Lumapit ako sa kanya pero parang may kausap sya sa phone.

" Yes, im here na nga. You dont have to worry about, like what i said kanina ako na ang bahala..." Sino kaya yung kausap nya, ?

"Am i late?" Pagpapansin ko sa kanya, lumingon naman sya agad sakin at parang gulat na gulat. At binaba kaagad yung phone nya.

" kanina ka pa, narinig mo yung..."

"Actually kararating ko pa lang, you dont have to worry about. Hindi ako yung tipo ng tao na nakikinig sa usapan ng may usapan."

" mabuti naman kung ganun." Ang sabi nya sakin. Is she hiding something?

Pagkaserve ng waiter sa amin ay kumain na ako. Pero pansin ko na hindi nya ginagalaw yung food nya. Tapos hindi nya ako tinitingnan , kundi sa pagkain nya sya nakatingin sa paligid lang at di sya tumitingin sa kin. Galit kaya sya sakin, dahil sa ginawa ko sa kanya.

"May problema ba? Di mo ba gusto yung food." Tanong ko sa kanya. Pero tiningnan nya lang ako bago sya sumagot.

" Wala lang akong gana."

Kring kring

Pansin ko na tinitingnan nya lang yung phone nya, sino kaya yung tumatawag bakit di nya sagutin. Kaya nagtanong na lang ako.

" bakit di mo sagutin? "

"Not important!" Malungkot nyang sabi habang nakapatong yung chin nya sa kamay nya.

" its Your boyfriend?" Tanong ko sa kanya, pero parang nagulat sya at tumingin sakin.

" Wala akong boyfriend!." Ang sabi nya sa kin. Wala... Di nga sa ganda nyang yan. As in wala talaga.

Sam pov

Mabuti na lang malapit na kaming matapos kumain, Haay napilitan lang akong pumunta dito, kaya di na ako masyadong magsasalita. Tapos biglang naging seryoso yung mukha nya, kailan ko kaya makikita yung ngiti nya. Yung totoong ngiti nya talaga. Nagulat ako ng bigla syang nagsalita.

" Im sorry!" Marunong pala sya nun.

" Para saan?" Tinanong ko na , marami kasi syang kasalanan sakin.

" Sa lahat." Pero mukhang hindi sincere yung pagsorry nya. Kaya nakakainis pa rin.

" Ano nga yun?"

" Basta , alam mo na yun!."

" di ko nga alam, pwede pakiisa isa naman oh." Pang-aasar na sabi ko sa kanya.

" Bahala ka nga dyan!" Yung mukha nya parang ewan, naasar ba sya sa paulit ulit na tanong ko.

" Mr. Gio Lacsamana, nagsosorry po ba kayo o pinagtitripan nyo lang ako. Kasi ang nagsosorry ganito hah isasample ko sa inyo." Sinabi ko yung sorry tapos pinakita ko yung sincerity ng mukha ko.

" hah, Binabawi ko na yung sorry ko. Wag na lang!" Parang bata eh.

" sige, ngumiti ka na lang. Para okay na. You dont have to say sorry." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti sya pero halatang pilit yung ngiti nya.

" Okay na ba?"

" No, you fail. Ang smile ganito hanggang tenga." Tapos ngumiti ako ng sobra tapos ginaya nya. Pero hindi pa rin talaga, di ba sya marunong ngumiti? Mapagtripan nga ang gago.

" Gio last nalang" ngumiti sya tapos kinuha ko yung cellphone ko at pinictiyuran ko sya.

" what are you doing, akin na yung phone mo." Tapos kunwari iaabot ko yung phone ko sa kanya, nang abutin nya na yung phone ko ay tumakbo agad ako. Hinabol nya ako hanggang sa makarating kami malapit sa dagat.

" akin na nga yan sabi!" Nasa likod ko sya , pilit nyang kinukuha yung phone ko, ng bigla na lang syang napayakap sakin.

Gio pov

Napabitaw ako sa kay Valerie tapos tumayo ako. Pero yung kaba sa dibdib ko andoon pa rin, parang pamilyar sakin yung ganitong pakiramdam. Saan ko ba to naramdaman?

" O bakit, ayaw mo ng kunin to?" Tanong nya sakin habang tinitingnan nya ako. At umupo sya sa buhangin.

" sayo na yan , halata naman na gusto mo yan eh."

" ang kapal naman ng  pagmumukha mo!"

" eh di makapal, kung doon ka sasaya. Kanina, bakit malungkot ka?" Tapos umupo ako sa buhangin

" Alam kong pareho tayo na hindi agree sa fix marriage na to, but we have to do this. Pero kung talagang ayaw mo, wala namang pumipilit sayo. Sabihin mo lang habang maaga pa."

"Hah, no hindi sa ayaw ko. "

" So ano nga?"

" Gio, may sasabihin sana ako sayo. Wag ka sanang magagalit." Ano kaya yun, nacurious na naman ako.

" Hindi ako------ si ---" bigla syang yumuko.

Biglang pumatak ang ulan, hinila ko si Valerie para sumilong pero tila di nya ako naririnig, natigilan ako ng makita ko syang pumikit.

" ano bang ginagawa mo? Come on, mababasa ka na ng ulan." Pero di nya man lang ako pinapansin. Adik ba to? Anong nagustuhan nya sa ulan? I hate rain,  Bahala ka nga dyan.

Dali dali akong sumilong at sya naman nandoon pa rin sya nakatayo malapit sa dagat habang nakadipa at tila ninanamnam ang sarap ng ulan.

Sam pov

I really love rain, i am happy when the rain is coming, and when i feel it on my skin.

Nung mga bata pa lang kami ni Vanns gusto na talaga namin ang ulan, lalo na ang paglalaro sa ulan.

" Miss na kita, kailan ba kita ulit makikita?"

" kahit kelan mo gusto" napamulat ako ng marinig ang boses na yun. Nakita kong nakatitig sya sakin ngayon habang hawak ang payong nya.

" What are you doing?"

" diba dapat ako ang magtanong sayo nyan, bakit ka ba nagpapaulan. Kung magkasakit ka." Concern ba talaga sya o senesermonan ako.

" kung iniisip mo na concern ako, youre  wrong. Im not gonna concern to a stupid girl like you especially sa mga gusto ng ulan."

" at bakit ka ba andito, leave me alone. Stupid ako diba, sorry hah naabala pa kita. And sorry dahil gusto ko ng ulan, so what if i like rain. May problema ka ba dun?" Abnormal yata to eh.

" oo meron, youre my fiancee. Please act like youre age, hindi ko alam na ganyan ka pala kachildish."

" eh ano kung isip bata ako, ikaw tingin mo ano ka. Malala ka pa sakin, gagong to. Palibhasa kasi di mo naranasan to, na maligo sa ulan." 

" And so, wala akong pakialam sa ulan mo. Bahala ka nga dyan" umalis sya at ako naman eto naliligo pa rin sa ulan. Kahit na isipin pa niya na ignorante ako sa ulan.

Third person pov

Habang naliligo si Sam sa ulan ay nasa malayo lang si Gio at nanonood sa kanya. Di nya maintindihan ang nararamdaman nya habang pinapanood si Sam. Di nya mapigilan na ngumiti at mainis na rin sa ginagawa ni Sam.

I'm In Love With My Best friend's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon