YOU WITH ME - 2
Second day. Weew! Mabuti nalang maaga ako. Gumising pa talaga ako ng alas tres ng umaga para di ako malate. Ang tagal ko sa banyo kasi nagconcert pa ako. Reklamo nga si tatay kasi pinaulan ko na naman ang buong mundo! Ang power talaga ng voice ko! Hihihi.
Marcos: Ganda mood natin ngayon ah!
Via: Aba siyempre Mar Roxas! Kailangan kong magpapaganda para hindi na maghahanap ng iba si Ziggy Beybeh Ko!
Marcos: Nakakasuka naman. At pwede ba, huwag mo na nga akong tawaging Mar Roxas, marinig ka pa niyan.
Via: Diba palayaw mo yun?
Ito talagang si Marcos Roxas. Barkadang tapat ko! Hindi talaga proud na kamag-anak niya si Mar Roxas, ayaw niya yun? Sikat kaya siya!
Marcos: Hindi ah! Hindi ko nga kamag anak yun! At tsaka Marcos Cojas pangalan ko. Hindi Mar Roxas.
Via: Aw hindi ba? Sige hindi na kita tatawagin nun. (nakita si Ziggy na pumasok sa room nila) Oh Ziggy Beybeh, wait for me! Pasok na ako ng una, Mar Roxas (sabay habol kay Ziggy)
Marcos: Hoy! Sabing hindi!
Pagpasok ko ng room ay nakita ko na agad ang beybeh ko. Siyempre, nagbabasa na naman siya ng book para ibigin. Hahaha. Kakilig talaga. Hindi ba kayo kinikilig? Hindi? Sakalin ko kayo jan eh!
Via: Hi Ziggy. Alam mo ang bango ko. Ikalimang beses akong nagshampoo ngayong araw.
Ziggy: ---
Via: Amuyin mo pa diba mas lalo kang maiinlab sa akin.
Ziggy: ---
Via: Ah, mamaya ng recess time mo aamuyin? Oki. Patient naman ako.
Ziggy: ---
Via: Alam mo, kahit poreber mo akong isnob, wala akong pake basta maging tayo lang in the future.
Teacher: Tama na yan, Ms. Gomez. (kakapasok lang ni teacher)
Ay one whole SHEET!! Nandito na si Ms. Tanda! Ang teacher na ubod ka choosy kaya tumandang dalaga. Kailangan pa ba tu magreresign? Magpapakain talaga ako sa amin pag nagkataon. Ayoko sa kanya eh! Ginagawa niyang hardworking si Ziggy kaya wala na kaming time together. Hmmmph! Siye din kasi ang adviser namin last year.
Teacher: Rule ng school ang 1:20. Pero dahil importante ang transferee na ito, magiging 1:21 na kayo. Apo siya ng may-ari ng school nato. Kaya please be good to her.
Via: Hangin niyan ah! (sabi sa sarili)
Teacher: Let's welcome, Maria Gonzalez.
(ENTER MARIA. SLOW-MO WALK)
Via: Gonzales? Kamag anak ni Ziggy?
Teacher: Hindi Ms. Gomez. Maria Gonzalez. Iba din si Ziggy Gonzales.
Via: Ahh. Akala ko pa naman magiging kamag-anak ko rin yan.
Teacher: Maria, umupo ka katabi ni Ziggy Gonzales.
Via: (shock!) BAKIT MAM?! AKO? SAN AKO UUPO??!
Teacher: Dun ka sa likod ni Maria. Ikaw ang ika 21 student ng room na to.
Via: Pero mam, wala akong ka row. Ako lang isa dito sa likuran?
Teacher: Ms. Gomez, halika muna dito.
(Pumunta si Via kay teacher)
Teacher: Ms Gomez, hindi ka dapat umalma kasi baka mawalan ka ng scholarship. Apo yan ng president ikaw malayong kamag-anak lang ni mayor.
Via: Pero katabi ko si Ziggy since birth. Bakit niyo ako papalitan?!
Teacher: E wala na tayong magagawa! Kailangan mo nalang sumunod. Kundi, bye bye high school ka na talaga.
Via: (#angrybirds)
to be continue...
BINABASA MO ANG
You With Me (COMPLETED)
Teen FictionPangarap nating mga babae na pakasalan tayo ng crush natin. Para sa atin, siya na ang ating dakilang OTL. Pero kung kayo pangarap niyo lang, ako, sisiguraduhin ko talagang maging kami. Kasi hindi ako mapakali kung hindi magiging kami. At walang mak...