part 41
Ang sarap ng gising ko ngayong sabado. Ang ganda ng panaginip ko. Ang ganda ng huni ng mga ibon, este ang mga kapitbahay namin na ke-aga-aga nag-aaway na. Kaya nga napagising ako eh. Pero di bale, ang ganda parin ng mood ko ngayon. Isang napakagandang sabado sa isang napakagandang dalagang katulad ko. Walang halot charoot yun mga besh. Bumaba ako sa hagdan na parang prinsesa at umupo sa kainan na parang reyna. Oh? Echos ha? Pinagtinginan lang ako nila mama, papa at especially ni kuya, na tawa pa ng tawa pagkakita sa akin. Bahala siya basta good vibes ako.
******
Kuya: Hulaan ko, kumain ka ba ng toothpaste kagabi?
Via: (natatawa) Bakit? Kinakain ba yun?
Kuya: Hindi ko alam, ang laway mo kasi mukhang toothpaste sa pisngi mo. HAHAHAHA
Via: (napakunot noo) Excuse me. Hindi kaya ako tulo laway?
Kuya: Tignan mo kaya sa salamin.
Via: Mama oh, si kuya, ke-aga aga, nambwe-bwesit. Totoo ba ma?
Mama: (tango-tango)
Via: Paaaaa... (lingon kay papa)
Papa: Ang sarap siguro ng tulog mo no? O sobra pagkain mo kasi naglalaway ka na? Mukha kang aso...
Mama: Naparami siguro ng juice...
Via: TAMA NA NGA! Ang ganda ng tulog ko tapos aawayin niyo ako? Mga bad vibes...
Papa: Kunwari, hindi nalang namin nakita, anak. Para masaya parin ang tulog mo...
Mama: Oo nga, ayos yun...
Kuya: Ano tayo? bulag? Eh kita nga tulo laway. Panaginip siguro niyan si Zig- aray! Pa, bat ka nanapak?
Papa: Shhh... Kain na tayo..
******
Nagroll-eyes ako kay kuya. Binelat niya ako. Hinga Vianne. Walang makakasira ng good vibes mo. After kung kumain, kasi feeling prinsesa ako, nanood ako ng tv. Ang malas lang, katabi ko si kuya. Pero, good vibes parin ako.
*****
Kuya: Hoy! Tulo laway. Ano panaginip mo? Si Ziggy no?
Via: Mama oh. Si kuya...
Kuya: Yucks. Naglalaway kay Ziggy.
Via: Ayoko ng manood! Bahala ka nga diyan! (umakyat papuntang kwarto)
Kuya: Yehey! Basketball time!
****
Pagpunta ng kwarto at tinignan ko agad ang sarili sa salamin. OMO! May laway nga. Buti nalang hindi pumunta si ZIggy dito. Paano ba yun makakapunta eh, alas dos ng umaga na siya umuwi kagabi. Hinintay pa namin ma-clear na ang kalsada at wala na ang mga tambay kasi sa bintana siya dadaan. Nagkataon kasing sa salas nakatulog si papa. Bakit kaseeee. Buti nalang talaga hindi siya pumunta kundi, NAKAKAHIYA! huhubels.
*****
I-text ko siya kung gisig na ba siya pero nakita ko ang message ni Marcus.
From Marcus: "Regalo ko wag mong kalimutan. No gift. No entry"
*****
Napatayo ako. Sheyt. Hindi ko pa pala siya nabilhan ng regalo. Ang dami kasing nangyarin ngayong linggo eh. Dali-dali akong naligo. Im sure makakauwi pa ako bago mag-gabi. Alas sais ng gabi ang kainan nila eh. Pupunta muna akong mall.
*****
Pagpunta ko ng mall, tatlong oras pa akong naglibot para makita ang regalo ni Marcus. Pero ang mahal. Mahal ba ang problema? Sa China Mall tayo. Este, tiangge. Pagpunta ko sa tiangge, ayun may alternative. Hindi na niya mapapansin to. Mayaman yun pero hindi naman yun choosy. Yun ang nagustuhan ko sa kanya. Jikjik.
*****
Mga alas kuwatro na ako nung nakabalik na ako sa bahay. Maliligo ako ulet tapos, gora na.
****
Mama: O nak. Nandito kanina si Ziggy, hinanap ka. sabi ko, bumili ka ng regalo para sa classmate niyo. Sabi niya, uuwi muna siya at sabay na raw kayo pumunta dun.
Via: Ha? A-ahh. Okay po.
*****
Nagmadali akong naligo. Nag-tshirt lang ako at jeans. Okay na to! Kung hindi nila ako papasukin kasi ang sosyal ng mga suot nila, eh di umakyat sa pader. Problema ba yun? High-skills ko yun. Try me!
****
Pagbaba ko sa hagdan ay nandun na sa sofa si Ziggy, naghihintay. Naka-polo shirt siya at jeans din. Napanga-nga ako habang naglalakad papunta sa kanya. shyet. Ang bango pa niya. Ramdam ko habang papalapit sa kanya. Sobrang mali na dapat pumunta siya. Baka nandun si Maria? O may iba pang nandun na aishh, manggugulo na naman sa aming dalawa. Ang hirap kung sobrang gwapo ng boyfriend mo beh, hindi ka na girlfriend, mukha ka ng guard kakabantay sa kanya. Huhubels.
****
Via: Mas maganda kung hindi na lang tayo pupunta...
Ziggy: Bakit?
Via: Pagguguluhan ka dun! Hindi ka ba natatakot?
Ziggy: (tumawa) Matakot sila sa girlfriend ko. Nambubogbog ng tao.
Via: Tse! Ba't ka ba sasama? Eh hindi ka naman invited. At tsaka, hindi ka umaattend ng mga ganito diba?
Ziggy: (biglang seryoso) Classmate niya ako. Dapat invited ako.
Via: Wow ganun? kung classmate, invited agad?
Ziggy: Kung hindi ako sasama, wag ka ng pumunta.
Via: (nga-nga plus silence)
Ziggy: Ano?
Via: Ano bang nangyari sayo? Halika na nga...
*****
Ang wierd ng lalaking to, kanina tumawa tapos ngayong ang seryoso ng mukha habang nasa tricycle kami papunta sa bahay nila Marcus. Bakit biglang lumamig ang paligid?
*****
Ziggy: Nilalamig ka?
Via: H-ha? e-ee, malamig yung mga tingin mo...
Ziggy: Ha?
Via: Ah! Nandito na tayo! Dito lang po manong...
Ziggy: (nagbayad sa tricycle driver tapos bumaba) Tara! (kinuha ang kamay ni Vianne at hinawakan ng mahigpit)
Via: (#speechless hindi na nakatanggi kasi sobrang dali ng pangyayari)
Ziggy: Dito ka lang palagi sa tabi ko. Huwag kang makikipag-usap sa mga lalake. Baka di ko mapigilan, magabugbog ulet ako.
Via: (lunok laway)
*****
TO BE CONTINUE...
BINABASA MO ANG
You With Me (COMPLETED)
Novela JuvenilPangarap nating mga babae na pakasalan tayo ng crush natin. Para sa atin, siya na ang ating dakilang OTL. Pero kung kayo pangarap niyo lang, ako, sisiguraduhin ko talagang maging kami. Kasi hindi ako mapakali kung hindi magiging kami. At walang mak...