part 30
At natapos ang araw na hindi kaming dalawa pumasok sa school. Mabuti nalang hindi kami pinagalitan ni ninang nung nalaman niya. Eh kasi ang magaling kong kuya, nagsumbong. Nahuli niya kasi kaming... hep hep hep, bago ko sasabihin, ipaalala ko lang hindi po ito rated SPG. hahaha. Well, pumunta kami sa park, nagkataon na nandun ang kuya kong magaling kaya nahuli kami. Ang kuya kong sumbungero. Hahaha. Kaya kinabukasan, sabay kaming pumasok ng school. Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa hallway. Pinagtitinginan kaya kami pero bahala, nakakakilig naman. Pero hindi kami nakaabot ng room kasi biglang sumingit si teacher, pinapapunta siya sa principal raw.
*******
Via: (pagpasok sa room) HI GUYS!
Classmates: (in-waw mode)
Marcus: Happy ka ah?
Via: Oy Mar Roxas!
Marcus: Happy ka nga. Anong meron?
Via: Ha? Wala ah. Araw-araw naman akong masaya eh.
Marcus: Eh last week nga, maitim yang mukha mo.
Via: Siyempre!
Marcus: kaya nga, anung meron?
Via: Wala nga. Masaya lang ako.
********
Naglunchbreak na. Nasa canteen ako at kasama sina Marcus habang kumakain. Pero natigilan ako ng nakita ko sina Ziggy na nagtatawanan kasama si Maria. napatingin sa akin si Ziggy at umiwas ng tingin tapos kinausap si Maria tapos iniwan niya ito at lumapit sa akin. Nang nakalapit siya ay biglang natigilan sina Marcus sa pagkain at napatingin din sa kanya.
*******
Ziggy: Sabay tayong maglunch.
Via: (nga-nga)
Ziggy: tara na.
Via: Ah hindi. Kasama mo naman si Maria at tsaka patapos na kami.
Ziggy: Kinausap kami ng principal kanina.
Via: Ah ganun? Sige kain na kayo. Okay lang ako.
Ziggy:Vianne...
Via: Ziggy sige na. Hindi ako magseselos. Okay?
Ziggy: (silence)
Via: Sige na.
Ziggy:(at umalis)
*******
Marcus: Kayo na?
Via: Ha?
Marcus: Kayo na ba ni Ziggy?
Via: Oo. Sana lang totoo.
******
After lunch break, mag-isa akong bumalik ng classroom. Iniwan ko sila Marcus, ang bagal kasi. Pagdating ko ng classroom, ay si Maria lang ang meron. Hindi ko siya pinansin at umupo lang ako sa aking pwesto.
******
Maria: Hi Vianne.
Via: Hi.
Maria: Kayo pala ni Ziggy?
VIa: Bakit? Sasabihin mo na naman na kayo?
Maria: Siyempre. Kasi sekreto lang yun. Hindi pwedeng kumalat.
Via: (kunot-noo) Ambisyosa ka talaga kahit kailan.
Maria: Hindi ba pwede? tutal, magkakatuluyan naman kami.
Via: Tsk! Ulol! Hindi no! Allergy yun sa mga higad.
Maria: Yeah? Really? Kasi after ng school year na to. Sabay kaming papasok sa isang university na I doubt hindi kaya ng IQ mo.
Via: Anong ibig mong sabihin?
Maria: My lolo will give him a scholarship. Its free. Titira kami sa isang bubong. Kakain kami sa isang mesa. For six years. At alam kong, in that time, maghihiwalay din kayo.
Via: Tanga ka ba? Hindi yun sasama sayo.
Maria: Why not? Mamaya magdidinner kami sa bahay.
Via: (shock)
Maria: Mag-uusap na sila ni lolo. Pipirma na siya ng kontrata.
Via: HINDI TOTOO YAN.
******
Tumakbo ako sa hallway. Hinanap si Ziggy. SIX YEARS? Hindi ko kaya yun. Bakit hindi niya sinabi sa akin. Oo, hindi impossibleng maghihiwalay kaming dalawa. Sobrang posible! Nakita ko siyang naglalakad habang nagbabasa ng papel. Tumakbo ako papaunta sa kanya habang umiiyak.
******
Via: ZIGGY! (hingal na naabutan si Ziggy)
Ziggy: Anong nangyari sayo? (nag-alala)
Via: Hindi ka pupunta mamaya diba? (naiiyak)
Ziggy: Anong mamaya?
VIa: Sa dinner! (grabe na sa sigaw)
Ziggy: Sinabi ba ni Maria?
Via: Please Ziggy. Huwag! Paano ako?
Ziggy: Pero...
Via: (napaiyak) Tama. Sino ba ako? Future mo yan hindi akin. Wala akong karapatan.
Ziggy: (niyakap si Via) We'll work this out, okay?
******
TO BE CONTINUE...
BINABASA MO ANG
You With Me (COMPLETED)
Teen FictionPangarap nating mga babae na pakasalan tayo ng crush natin. Para sa atin, siya na ang ating dakilang OTL. Pero kung kayo pangarap niyo lang, ako, sisiguraduhin ko talagang maging kami. Kasi hindi ako mapakali kung hindi magiging kami. At walang mak...