you with me - 37

276 3 0
                                    

part 37

Maraming nagtatanong sa akin kung okay na raw ba ako. Siyempre ang sinabi ko, hindi! Eh hindi naman talaga, sino ba maging okay sa mga nangyayari sa'yo nung mga nagdaang araw hanggang ngayon? Hah! Pero so far, wala namang nangyari ng hindi kaaya-aya sa umaga ng klase. Pinatawag ako ng principal at sinabing okay na raw ang mga papeles ko. Ang dali lang talaga ng mundo kapag may kapit. Hi Maria! Wala lang gusto ko lang magshout-out. Pagbalik ko ng classroom, nagbell na para sa lunch break. Ang dali naman ng panahon hahaha.

******

Marcos: Oy Namiss ki-kaaaaa namin...

Via: Wee? Mga mukha niyo? Kalokohan...

Barkada ni Marcos: Oo nga naman Vianne...

Via: Kung hindi ko alam, nagchichismiss kayo sa akin. Libre mo nalang ako Marcos ng lunch.

Marcos: Oo ba! Basta wag kang makalimot sa birthday ko ah. Punta ka talaga dun.

Via: Hindi ko yata yun nakalimutan. Tatak na sa akin yun oy! Kelan nga?

Marcos: Ayun! Paasa-

Via: Joke lang! Siyempre hindi ko makalimutan yun. Bibili pa nga ako ng regalo para sayo.

Marcos: Kahit anong gusto mo! Libre ko! Tara na!

******

Hay salamat! May normal din na nangyari sa araw na ito. Yung araw-araw na sabay mo sila Marcos at ang tropa niyang kumakain ng lunch tapos busog na busog ka kasi libre. Ang bait talaga nitong si Marcos! Sana magkasyota ito na mabait din. Natigila ang pagnguya ko, hindi lang pala ako kundi kaming lahat ng biglang tumayo sa harap namin si Ziggy na dala-dala ang kanyang tray ng pagkain. Nagkatinginan kaming lahat nila Marcos pero ako alam ko na kung anong mangyayari. Pa-show off na naman ang isa to. Alam ko na to.

*****

Ziggy: Pwede bang sumabay kumain?

Via: (roll eyes kay Ziggy)

Marcos: Sure bro! Dito ka sa harap namin.

Ziggy: (ngumisi tapos tinapik si Marcos) Dito ako katabi ni Vianne. (umupo sa tabi ni Vianne)

Marcos: (Hindi na nakapalag kasi bigla nalang umupo si Ziggy katabi kay Vianne)

Via: (patuloy sa pagnguya; hindi pinapansin si Ziggy)

Ziggy: Vianne, bumili ako ng mango juice...

Via: Aanohin ko yan?

Ziggy: Binili ko para sayo...

Via: Bat hindi mo ibigay kay Maria? (tinignan ng masama si Ziggy)

Ziggy: (hindi nagsalita)

Via: (Biglang tumayo) Balik na ako sa classroom! Marcos, brother! Ang sarap talaga ng libre mo kahit kailan. Mas masarap pa sa ibang mango juice jan. (walk-out drama queen)

Marcos: A-ahh Ha Ha Ha! T-teka, sama na din kaming lahat. (tumayo na rin) Sige Ziggy, enjoy your food. (tinapik si Ziggy sa balikat)

Ziggy: (hindi nagsalita at tinignan lang ang pagkain)

******

Pahamak na Ziggy, ni hindi ko man lang na-enjoy ang libre ni Marcos sa akin. Leche! Kaya ngayon gutom na gutom ako. Mamaya nalang siguro sa library time namin, tatakas ako para makakain ako sa canteen. Sige kasi Vianne, magtigas-tigasan ka pa, mamayat ka nito. Hah! Wag na kasi siyang lumapit sa akin, minsan nakakabaliw kung paano ko siya iiwasan eh. Kayo kaya sa posisyon ko. Ang hirap sobraaaaa...

*****

[Sa library...]

Teacher: Okay class, behave while you are here or else...

You With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon