part 14
Isang araw na boring sa classroom. Hindi kami pinapsok ng mga teachers. Ang iba, nang-iiwan lang ng sitwork tapos iiwan din kami. Busy silang lahat kasi may magaganap na quiz bee ang school at tutok sila sa mga participants nila. Sa science category ay si Ziggy kaya wala din siya. Kasama niya si Maria. May bago ba? Sila Marcos naman ay nasa canteen nagstambay. Ako? Ilang panaginip na ang nagawa ko hindi parin natatapos tung araw nato. Hays. Kulitin ko nalang kaya si Tres.
******
//Via: Hi Tres!
*****
NO REPLY! Pati ba naman ikaw tres?
******
//Via: Tawagan kita Tres. Okay lang na hindi ka magsalita. May ikwekwento ako sayo.
******
Tinawagan ko si Tres. Nag-ring ito.
******
Classmate 1: Ang ingay naman ng cellphone ni Ziggy. Hindi ba siya marunong magsilent?
*******
Napatingin ako sa bag ni ziggy kung saan galing ang tunog. Biglang tumayo ang mga balahibo ko. Pinatay ko ang tawag. Nawala din ang tunog sa bag ni Ziggy. Anong ibig sabihin nito? Shet! Wag lang naman sana. Nanginginig akong tawagan ulit si Tres. Nagring ito. Kasabay ng pagtunog na naman ng bag ni Ziggy. Bigla kong pinatay ang tawag. Hindi pwede to! Baka nagkataon lang. Tinawagan ko ulit si Tres. At sa pangatlong pagkakataon, tumunog ulit ang bag ni Ziggy. Tatayo na sana ako at pupunta sa upuan ni Ziggy ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa doon ang mokong.
******
Classmate 1: Ziggy, ang cellphone mo ang ingay.
******
Tinignan ako ni Ziggy at ako naman ay nakatingin sa kanya. Hindi ko parin pinapatay ang tawag kaya maingay parin ito. Casual siyang lumapit sa upuan niya at kinuha ang cellphone. May pinindut siya at nawala ang tunog pero nagriring naman ang cellphone ko. Pagkatapos ay nagsalita siya.
****
Ziggy: Hello pre. May ginagawa ako. Pwede sa susunod nalang?
*****
Tinignan niya ulit ako at nagmartsa palabas ng classroom. Pinatay ko ang tawag. Abot langit ang kaba ko. Hindi kaya nagkataon lang? Pero nagring siya. Hindi ako nagkamali nun! Bumukas ulit ang pintuan at pumasok si Ziggy. Tinawagan ko ulit si Tres pero out of reach na. Tinawagan ko ulit pero hindi na talaga effective. Tinignan ko si Ziggy na may ginagawa sa isang libro at kunot ang noo. Naglakad ako papunta sa kanya.
*****
Via: Ziggy, pwede patext?
Ziggy: Wala akong load.
Via: Pa-selfie nalang sa cellphone mo.
Ziggy: Ubos na ang memory.
Via: Ikaw ba si Tres?
Ziggy: (napikon at tinignan si Via) Hindi ko kilala ang Tres mo.
Via: Ba't ayaw mong pahiram ng cellphone,kung ganun?
Ziggy: Ayaw ko lang.
Via: Pahiram para malaman ko. Dali!
Ziggy: Ayaw ko.
Via: Ayaw mo ha! (sapilitan kinuha ang bag ni Ziggy pero pinipigilan ni Ziggy)
*****
At the best talaga ang timing, dumating si teacher.
*****
Teacher: Ms. Gomez! What are you doing?!
Via: A-ah! Eh! Naglalaro lang kami ni Ziggy mam!
Teacher: Kita mo namang nagrereview si Ziggy para bukas tapos kinukulit mo pa! Tigilan mo yan! Matulog ka nalang dun sa upuan mo!
*****
Ziggy: (silence)
Via: (whisper) Mamaya ka lang sa akin.
******
Natapos ang araw sa skwela at dali-dali akong umuwi papunta sa bahay nila Ziggy. Ang mokong kasi wala na sa library pagpunta ko. Hindi ko naman kasi inexpect na cleaners ako kaya natagalan ako. Akala ko rin na magtatagal siya kaya binilisan ko. Pero 10 minutes pa lang after dismissal ay wala na siya sa library. Kaya naman ay mabilis akong umuwi papunta sa kanila. Pagdating ko ay nakita ko siya sa salas nila at nagbabasa ng kahit na ano. HORAY! Timing talaga!
*****
Via; Hi Tres!
Ziggy: (hindi pinansin)
Via: huy Tres! pansinin mo naman ako! Hindi kana matawagan ha!
Ziggy: Ma! Si Via ang ingay! Nagrereview ako dito para bukas!
Via: SUMBONGERO!
Ziggy: Umuwi ka na.
Via: Humanda ka talaga sa akin kapag malaman ko na ikaw si Tres!
Ziggy: (silence)
Via: Hindi ako titigil!
*****
Pagdating ko sa bahay ay tumunog ang cellphone ko. Nagtext si Tres.
//Tres: Sorry hindi ko nasagot. Nag-COC kasi ako.
//Via: COC MO MUKHA MO ZIGGY!!!!!
******
TO BE CONTINUE...
BINABASA MO ANG
You With Me (COMPLETED)
Teen FictionPangarap nating mga babae na pakasalan tayo ng crush natin. Para sa atin, siya na ang ating dakilang OTL. Pero kung kayo pangarap niyo lang, ako, sisiguraduhin ko talagang maging kami. Kasi hindi ako mapakali kung hindi magiging kami. At walang mak...