PART 39
At friday na. Kaswal lang ang pagpansin ko kay Ziggy sa school. Hindi na niya kasabay sa lunch si Maria. Sinong kasabay niya? Hulaan niyo. Sina Marcus. Kapag dadating na kasi siya ay hindi ko na inuubos ang lunch ko kaya ayun sabay sila sa tropa ni Marcus. Sa uwian, sabay kaming naglalakad pabalik sa amin. Madalas din siya sa bahay, nagdududa ako kung bakit hindi siya pinapagalitan ng mama niya. Kaya nung wednesday, dun na din kumain si ninang. Ang galing talaga niting si Ziggy, nandamay pa ng pamilya. Tulad ngayong gabi, dito na naman sila kumain ng hapunan. Nag-ihaw si papa sa labas at nagchika sina mama at ninang. Nanonood naman kami ng tv nila kuya at Ziggy. Magkatabi kami ni Ziggy at palaging tinutukso ni kuya. Binabato ko siya ng kutsilyo kasi kinikilig ako. Jk lang.
*******
Pagkatapos ng hapunan, nag-uwian na sina Ziggy at ninang. Naghinayang ako kasi sabi niya tatapusin pa raw niya ang movie kanina na pinanuod namin pero umuwi pala ang loko. Paasa talaga. Sanayin ko na kaya ang sarili ko? Nagmamahal ako ng paasang tao eh.
******
Kaya ngayon, nakatunga-nga akong nakahiga dito sa kwarto ko. Nagbibilang kung ilan ng butiki ang nasa kisame. Mga anim na yata sila na nandito.
Bigla nalang tumunog ang cellphone ko.
Text message.
******
//Unknown number: Gusto kong tapusin natin ang movie.
****
Sino to? Anong movie- Oh shoot! Si... Nagreply ako.
****
//Via: Tapusin mo mag-isa mo. Matutulog na ako.
//Ziggy: Okay Gud nayt. Dream of me <3
*****
Ulol. Hindi niya ba gets na galit ako? Ano bang klaseng tao to?
Nagtext siya ulet.
*****
//Ziggy: Hintayin ko lang kung kelan mo papatayin ang ilaw.
*****
Kumunot ang noo ko. Anong ilaw? Yung ilaw na nasa taas ko. Hihintayin niya? Bakit alam niya ba kung mamatay to. Napatayo ako. Tumingin ako sa bintana. Wala namang taong nagmamasid sa baba. May super powers ba ang mokong na to?
Biglang nagring ang cellphone ko...
Tumatawag si Ziggy.
Nanginginig ako kung ACCEPT ko ba o REJECT.
Nangibabaw ang kilig ni bruhang si Vianne at yun, sinagot ko ang tawag.
Hindi ako nagsalita nung una... Buntong hinga din ang narinig ko sa kabilang linya.
****
Via: Hindi ka ba magsasalita? Tumawag ka lang para huminga, ganun?
Ziggy: (tumawa)
Via: (tinakpan ang cellphone at inilayo sa tenga tapos nagsalita) Wag kang tumawa, kinikilig ako.
Ziggy: (tumawa) Kinikilig ka?
Via: (binalik sa tenga ang cellphone) A-ano? Hindi ah. Hindi ko naman yan sinabi.
Ziggy: Mali pala ang dinig ko dito sa labas.
Via: Anong labas? Eh wala ka naman sa labas.
Ziggy: Hinanap mo ako?
Via: Hindi no. Nagpapahangin lang ako dito sa may bintana.
Ziggy: (tumawa)
Via: Ano na naman ang nakakatawa?
Ziggy: Nasa labas ako ng kwarto mo.
Via: HA! (napatayo)
******
Dingig niya nga! Shoot naman. Binuksan ko ang kwarto ko at pumasok siya na bitbit ang isang laptop. Pinigilan ko pero ratsada ang pagpasok niya. Kalokohan to, bat ba kasi ang lakas niya kahit payatot siya?
Umupo siya sa sahig at nanuod ng movie sa laptop. Sumenyas siyang paupuin ako sa tabi niya.
Anong nangyayari sa mundo? Bakit biglang naging under ako ngayon?
******
Via: Bakit dito ka sa kwarto ko manonood ng ganyan?
Ziggy: Kasi gusto ko?
Via: Huwag kang PILOSOPO! TAYOHH! UMALIS KA DITO!
Ziggy: After ng movie marathon natin (smile)
Via: Natin? Ni hindi nga ako pumayag. At alam mong bawal mga lalake sa mga kwarto ng mga babae diba? Wala ka bang sense of...
Ziggy: Sense of?
Via: BASTA! Sense of respeto, parang ganun!
Ziggy: (tumawa) Nagpaalam na ako kay ninang. Pumayag naman siya basta sa kasalan daw matatapos ang lahat kung may mangyari man.
Via: Walang hiyang mama. Ibinibigay niya ako ng libre? Grabe siyaaaa...
Ziggy: (smile) Tara na. Pakasal na tayo?
Via: (nga-nga)
*****
TO BE CONTINUE...
BINABASA MO ANG
You With Me (COMPLETED)
Teen FictionPangarap nating mga babae na pakasalan tayo ng crush natin. Para sa atin, siya na ang ating dakilang OTL. Pero kung kayo pangarap niyo lang, ako, sisiguraduhin ko talagang maging kami. Kasi hindi ako mapakali kung hindi magiging kami. At walang mak...