you with me - 42

243 2 0
                                    

part 42

Pagpasok namin sa hall, ang daming tao tapos ang sikip. Pero mas masikip ang hawak ni Ziggy sa kamay ko. Nasasaktan na ako konti sa sakit pero keri parin naman, ano ba naman to, kikiligin na sana ako kasi magka-holding hands kami pero nasasakal yata ako sa kasobraan.

*****

Every year ganito ang birthday ni Marcus, mayaman kasi sila. Yung daddy niya, konsehal sa lugar at mayaman talaga ang pamilya nila. Halos mga classmate namin nandito. At sino pa? Eh di si Maria din. Tignan mo nga naman, naka-dress pa ang bruha. At naka-heels. Kung may parlor games ng pabilisang tumakbo, sure akong hindi yan mananalo. Kilala niyo na ang champion, siyempre sino pa? AKO! Hahaha.

****

Nahanap ko si Marcus, kasama ng mga classmates din namin, nagtatawanan. Pupunta sana ako sa direksyon niya pero hinagit ni Ziggy ang kamay ko. Sabi niya sabay raw kami.

****

Via: Teka lang... (pinilit bumitaw sa holding hands)

Ziggy: Anong ginagawa mo?

Via: Ang saket na ng kamay ko, kelan mo ba bibitawan yan? Bitaw na...

Ziggy: (binitawan ang kamay ni Vianne)

Via: (nakahinga ng mabuti) Hay. Salamat. Ano bang problema mo? Kanina ka pa sa bahay. Pati sa tricycle.

Ziggy: (hindi nagsalita)

Via: Huy!

Ziggy: (tumingin sa ibang direksyon)

Via: So hindi ka magsasalita? Aishh. Akala ko pa naman kikiligin ako sa holding hands, nakakasakal pala. Ang sakit mung kumapit. (pumunta kay Marcus)

Ziggy: (pinigilan si Vianne) San ka pupunta?

Via: Ano ba! Kay Marcus, ibibigay tung regalo ko!

Ziggy: sabay ako. Dito ka lang sa tabi ko.

Via: Ang weird mo...

*****

Nag-greet ako kay Marcos. Nasiyahan siya sa regalo ko. Alam niya agad na sa tiangge ako bumili. Kaya nga natatawa siya.

****

Marcus: Oy Ziggy, buti sumama ka. First time!

Ziggy: Binantayan ko si Vianne.

Via: (napatingin kay Ziggy)

Marcus: Whoa. Bantay? Ano ka aso?

Ziggy: (glare kay Marcus) Boyfrie--

Via: Whoa! Nakakagutom ang biyahe namin Marcus ha! Ilang lechon ba inihaw niyo?

Marcus: Tatlo lahat. Ang dami kasing bisita ni daddy. Mukhang siya ang may birthday. Kain na kayo dun banda tapos magswimming tayo dun sa likod ng bahay. May DJ akong kinuha.

Via: Swimming? Bat hindi mo sinabi? Wala akong pamalit!

Marcus: Nagtext ako! Anu ba naman yan! Magpapabili lang ako. Sandali, tatawagin ko ang guard ko... (kuha cellphone)

Ziggy: Hindi ka magswi-swimming. Uuwi tayo pagkatapos kumain. (pinaharap si Vianne sa kanya)

Via: (natawa kay Ziggy) Wow. Wag ka ngang KJ jan. Ang laki ng pool nila. May slides pa.

Ziggy: Hindi nga sabi.

Via: Bahala ka. Manuod ka na lang. Huwag ka ng magswimming.

Marcus: May problema ba?

Ziggy: Hindi magsi-swimming si Vianne...

Marcus: Takot ka na sa tubig Vianne? Eh last year, nagswimming din tayo dito ah.

You With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon