part 22
Ito ang da best, excited ako sa Prom. Excited akong makita si Ziggy, tapos magsasayaw kami... tapos pupunta kami sa madilim na lugar... tapos AY hindi pwede kasi rated SPG. hahaha. Pero ang lahat ng tapos tapos na yan, ay hindi namn pala matutuloy kasi WALA AKONG PROM DRESS! Eh di ako na ang ambisosya!
So far, after ng heartbreak namin ni Tres na hindi naman naging kami ay parang gumaan ang puso ko dahil sa sinabi ni Ziggy sa akin nung nakaraang araw pero yun nga, nawala kasi wala naman akong damit. Ngayon ko lang naisip na sobrang talino pala ni Ziggy, alam niyang wala akong damit kaya ang galing din niyang gumawa ng dare. Hmmph! At mamaya ng gabi ang prom kaya wala kaming pasok nagyon. At ako, nagmumokmok sa salas kasi hindi ako bnigyan ni tatay ng pera pambili. Ang mga lalake talagang ang kapal!
******
Tatay: Pwede ka namang manghiram sa ninang mo. Baka may damit yun.
Kuya: Huwag ka na ngang pumunta sa prom na yan. Hindi ka naman bagay dun.
******
Oh diba? Ang saya. Siyempre may mga dress si ninang ang tanong, kaysa ba yun sa akin? Alam ko na talaga kung bakit kami iniwan ni nanay. Hay nalang. Alas singko na ng hapon pero wala parin akong dress. Wala ng pag-asa to. Naalala ko tuloy ang sinabi ni teacher. Kung gusto parin pupunta pero wala raw dress na suot, kelangan mag uniform daw. Eh, uniform lang meron ako. No choice.
*******
Guard: Gomez, walang pasok ngayon. Bat ka nakauniform?
Via: Kelangan ko lang pumasok kasi may titignan ako chip.
Guard: Wala ka bang damit?
Via: Wala eh.
Guard: Pagtatawanan ka dun. Gusto mo ba? Bakit hindi nalang sa lunes mo titignan ang gusto mo?
Via: Ee sa gusto ko ngayon na!
Guard: Bahala ka nga diyan.
Via: Salamat chip!
******
Nagmartsa ako papuntang gym. Walang tao sa hallway, aning! Siyempre nasa gym sila lahat! HAbang palakad ako papuntang gym ay hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Dahil ba naka-school uniform ako? O dahil sa sinabi ni Ziggy? Hindi naman niya sinabing magdress ah! Kaya bakit ba! Ang sabi lang niya naman ay pumunta sa prom kasi aanuhin niya ako... Bahala na to.
Pagpasok ko sa gym, siyempre ang lakas ng music tapos ang dilim, ang nagsisilbing ilaw lang ay ang mga disco lights. Nkakahilo naman to. Silang lahat ay nakaharap sa stage habang nakatayo pati siguro mga teachers na hindi ko na kilala. Hindi nila halata na nandito ako. Okay to! Hanapin ko si Ziggy para matapos na to. Luminga-linga ako pero hindi ko siya nakita, imbes, si Marcus na ubod ng lakas ang tawa. Lumapit ako sa kanya.
*******
Via: Oy!
Marcus: (nabigla #speechless)
Via: Nakita mo ba si Ziggy?
Marcus: ASTEG NG DRESS MO!
Via: Ulol! School uniform to. Asan ba si ZIggy?
MArcus: Ano?! Hindi kita marinig! Ang lakas ng sounds!!
Via: SI ZIggy asan!
Speaker: Ladies and gentlemen, we are now going to announce the Prom King and Queen.
Via: Tsk! Ang baduy naman.
Marcus: Mabuti pinapasok ka ng guard.
Via: Siyempre. Ako pa!
Speaker: The prom queen goes to (drum roll) Maria Gonzales! Let's give her around of applause!
Via: Tsk! Alam na... scripted! (cross arms)
Speaker: Any message Miss Prom Queen?
Maria: Thank you! Hindi sana ako pupunta pero inencourage ako ni Ziggy kaya hindi ko inexpect na mananalo ako.
Speaker: You deserve the crown Miss Prom Queen! Applause for her! Ang now for the prom king...
Via: Baka ikaw Marcus. Mayaman kayo eh.
Marcus: Ha? Ako? Himala yan! Si Ziggy partner date niyan! HAHAHA> Hindi mo nabalitaan?
Via: ANO!?? (nabigla)
Speaker: The prom king is (drum roll) Ziggy Gonzalez!
Crowd: (applause)
Speaker: Anong masasabi mo Ziggy?
******
TO BE CONTINUE...
BINABASA MO ANG
You With Me (COMPLETED)
Teen FictionPangarap nating mga babae na pakasalan tayo ng crush natin. Para sa atin, siya na ang ating dakilang OTL. Pero kung kayo pangarap niyo lang, ako, sisiguraduhin ko talagang maging kami. Kasi hindi ako mapakali kung hindi magiging kami. At walang mak...