you with me - 33

234 4 0
                                    

part 33

Namamaga ang mata ko paggising ko kinabukasan. Ang sakit ng ulo, ng mata at ng tiyan ko. Hindi nga pala ako naghapunan kahapon. Tinignan ko ang cellphone ko. Alas diyes na ng umaga. Wow. Yun na siguro ang pinakamatagal na tulog ko. Bumangon ako at nagbihis. Nakatulog ako kahapon na naka-uniform pala. Biglang tumunog ang tiyan ko, hudyat na maloloka na ako kung hindi pa ako kakain. Pero bago ako baba, kailangan ko muna i-sure na wala sila sa bahay. Alam kong may trabaho si kuya. Si papa naman, alam kong wala din siya dito basta umaga. Hindi ko nga alam kay mama kung nandito siya. Inilapit ko ang tenga ko sa pintuan at narinig na wala namang boses na nagsasalita kaya baka safe akong bumaba? Dahan-dahan kung binuksan ang pinto at naglakad pababa ng hagdan. Amazing! Nakakarinig kasi ako ng ibang bagay, yan kasi ang special talent ko. Pero hindi ako Avengers. Hahaha. Pero biglang nagbago ang hangin ng may narinig akong mga taong nag-uusap. Mali yata ang narinig ko kanina eh! Letseng tenga, sasangit ako nito. Mabuti pa, mamaya na ako baba o hindi na kailanman. Babalik na sana ako ng may anrinig ako.

*******

Papa: kailan niyo balak dalhin si Vianne?

mama: sa madaling panahon na sana. Baka hindi na kasi kaya ni George.

papa: Sige, sasabihan ko ang principal nila para maasikaso na ang mga papeles niya.

mama: baka hindi na siya makagraduate dito...

papa: Pwede naman makausapan niyan. Sabihan ko lang si pinsan. Kaya na niya yan.

mama: Tama, si vice mayor pa.

****

Dali dali akong bumaba na ikinagulat nila.

****

Via: Anong gagawin niyo sa akin?

papa: Anak... gising ka na pala... Mag-almusal ka n--

via: ANONG GAGAWIN NIYOOO!!

papa: Anak, kumain ka mun-

via: Ibibigay niyo ako kay mama?

papa: Anak, hindi-

via: eh ano? Kasi dinig na dinig ko. Ano? Bumalik siya para kunin ako dito?

papa: Vianne-

via: Bat hindi nalang si kuya ang kunin niyo? Alam niyo namang ayaw ko sa inyo! (tinuro ang mama niya)

papa: Anak, makinig ka muna...

via: narinig ko na lahat at ayokong sumama. Tapos!

papa: WALA NA AKONG PERA PAPAARAL SAYO!

via: (silence)

papa: Anak... nakiusap ako sa mama mo na kukunin ka dito kasi hindi ko na kaya.

via: (umiyak na) Eh di hindi na ako magcollege. Magtratrabaho na lang ako tulad ni kuya-

papa: Anak naman eh.

via: Basta yun na, ayokong sumama sa kanya. Tapos ang usapan.

papa: Para naman yun sayo. Nagkamali kasi ako anak. Akala ko kasi kaya ko kaya hinayaan lang ako ng mama niyo. Pero hindi pala. Tignan mo yang kuya mo hindi na tuloy nakapagtapos-

via: Wala akong pakealam. Hindi ko naman gustong mag-aral.

mama: Vianne-

via: Wag mo akong kausapin. Hindi ako sasama sayo.

papa: ANAK!

via: Hindi ako sasama.

papa: Anak. makinig ka... ayokong matulad ka sa amin ng mama at kuya mo. Kaya ginagawa ko ito. Kahit hindi ko gusto, wala akong magagawa. Wala anak. (umiyak na si papa)

via: (napatingin kay papa)

papa: Anak, para naman saiyo ito lahat... (umiiyak)

via: (naiiyak na din) pa, magwoworking student po ako. Wag po kayong mag-alala...

papa: Mas ayos ang buhay mo duon anak. Mas maganda doon.

via: Ayoko po papa.

papa: sige na anak...

via: Ayoko poooo... Wag papa... (umiiyak na talaga)

papa: (niyakap ang anak)

via: (umiiyak) ayokong iwan kayo dito papa. Ayoko... Ayoko...

******

to be continue...  

You With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon