you with me - 27

252 4 0
                                    

part 27

Sunday. March 1. Finals na malapit. Graduation na. Heartbroken.

Oo. Ganyan ako. Sobrang memorable nga talaga ng hayskul ko. Ginawa talagang memorable ni Ziggy. Siya na. Bilib na bilib na ako sa kanya.

At isa pa sa kinabiliban ko ay ang siya na nandito parin kahit sunday naman. Hindi ba siya umuwi? Umuwi siya. Bago na ang damit niya eh. Nasa salas siya ngayon kasama si kuya at nakikinig sa mga walang kwentang jokes niya.

********

Via: Wala ka bang bahay?

Ziggy: (napatingin kay Vianne)

Kuya: Oy! Ano ka ba Vianut! Hayaan mo nga kami rito ni Ziggy. Punta ka na dun sa kaharian mo.

Via: Bahala nga kayo. Baka pagkabukas, magjowa na kayong dalawa.

Kuya: HOY!

Via: Lalake na pala trip mo ngayon kuya?

Kuya: Umalis ka nga dito!

Via: Wala ka ng pag-asa kay Ziggy. May jowa na yan! Chikabebe. Malandi plus malandi at ubod ng landi.

Ziggy: (tinignan ng masama si Vianne)

Via: (nag-iwas ng tingin kay Ziggy) Bahala nga kayo jan! (umakyat papuntang kwarto)

********

Lumipas ang tanghali. Tapos hapunan na naman. Si Ziggy ay nandito pa rin sa amin. Hindi na naman ako feeling talaga pero alam ko kung bakit siya nandito. Kung hindi ko siya kausapin, hindi ito titigil eh. kaya sa hapunan, usual na makulit kami. Pagkatapos naming kumain, naghugas ako ng plato pagkatapos ay lumapit ako sa kanya.

********

Via: MAg-usap tayo sa labas.

Ziggy: (tingin lang kay Vianne)

Via: Bingi ka na ba? Tara na. (unang lumabas ng bahay)

Ziggy: (sumunod kay Vianne)

********

Doon ko siya dinala sa kanto. At dahil mga bandang alas otso na, halos wala masyadong tao kasi nanunuod na sila sa bahay nila ng ANG PROBINSYANO! Hinarap ko siya. Tinignan pero nag-iwas agad ako ng tingin, hindi ko kayang tignan siya. Ewan ko. Hindi! Alam ko. Masakit kasi. Sobra. Nakayuko na lang ako habang magsasalita. In this case, mababawasan ang hiya ko at baka kung swertehin hindi ako iiyak.

********

Via: Umuwi ka na. Baka pagalitan ako ni ninang. (nakayuko)

Ziggy: (silence)

Via: (nakayuko parin) Bat hindi ka kumikilos jan? Uwi ka na sabi eh! (tulak tulak si Ziggy)

Ziggy: (silence parin habang pinipigilan ang pagtulak ni Vianne sa kanya)

Via: Uwi ka na!

Ziggy: (niyakap si Vianne)

Via: HOY! ano ba! Bitawan mo ako!

Ziggy: Vianne... please....

Via: Bitaw sabi eh! (sinusuntok sa likod si Ziggy)

Ziggy: Please...

Via: (umiyak na) Bitaw! Sisigaw ako ng rape!

Ziggy: Ayaw ko.

Via:(umiiyak)

Ziggy: Vianne...

Via: (napagod na sa kasusuntok sa likod ni Ziggy) Bitaw na. Pagod na ako.

Ziggy: Ayoko Vianne...

Via: Sige na Zig. Bitawan mo na ako. Doon ka lang kay Maria.

Ziggy: Hindi kami

Via:(umiyak) Tama na Zig. Sinungaling ka talaga kahit kailan.

Ziggy: Totoo.

Via: (umiyak)

Ziggy: Ikaw lang Vianne. Ikaw lang naman ang gusto ko.

*******

TO BE CONTINUE...

You With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon