you with me - 20

252 2 0
                                    

part 20

Alas dos pal lang ng hapon, nasa park na ako. Mabuti nlang hindi masyadong mainit kasi parang may pararating na ulan. Kay medyo makuliblib ang panahon. Ang usapan namin ni Tres ay bandang alas singko ng hapon kami magkikita. Oh diba? Sobrang excited lang lola niyo eh. Kayo kaya nasa posisyon ko. Mga batang to oh! Nagtext ako sa kanya, sabi ko nandito na ako sa park pero hindi siya nagreply. Haha. Siyempre, ang aga pa no? Ano ba naman kayo. Hahaha. Biglang tumawag si kuya.

======

Kuya: Hoy! Nasan ka ba? Kanina ka pa hinahanap ng ninang mo!

Via: (smirk) sabihin mung hindi ako pupunta.

Kuya: Ano? San ka kakain kung ganun ha?

Via: May date ako!

Kuya: Hoy ambisosya! Pumunta ka na dito, kakain na tayo sa bahay nila Ziggy!

Via: Eh kayo nalang! Mga patay gutom naman kayo!

Kuya: Hoy!-

Via: Bakit hindi ba totoo! Bahala kayo diyan!

Kuya: Bahala ka rin mamatay ka sa gutom. Indyanin ka sana ng date mo!

Via: KUYA!! Humanda ka talaga sa akin.

Kuya: Huwag mo na akong lokohin. Wala kang regalo kay Ziggy kaya hindi ka pupunta!

Via: Yucks! eh kayo nga kahit walang regalo, ang kapal ng mga mukhang pumunta parin!

Kuya: Bahala ka! Gutom na kami ni tatay. Papatayin ko na ang tawag!

Via: Mabuti pa!

======

Ang kapal talaga ng pamilya ko. Mabuti nalang hindi ako kabilang sa uri nila. Ang kapal talaga! Kainin nga nila lahat. Pati si Ziggy kainin din nila. Magkatulad naman sila mga ang kakapal ng mukha.Hmmph!Hindi ko alam pero alas sais na at wala parin si Tres! Asan na ba yun?Ahh. Baka nagparebond pa ng buhok? Eh? Lalaki yun! Ahh! Baka, nagshopping ng petmalung damit kasi special ang araw nato! Sige. Wait lang ako ng konti.Ako lang ba ang nakakarinig na kanina pa tumutunog ang tiyan ko? Emas! Gutom na gutom na ako at sobrang dilim na ng park. 6:30pm na. Huhu. Tres? Nasan ka na?Nagtext ako sa kanya. Pero hindi siya nagrereply. Sinubukan ko ring tawagan, pero wala. Huhuhu.Papatayin ko rin si Tres kung iindyanin niya rin ako!Tumunog ang cellphone ko. isang text galing sa unknown number. baka si Tres!

======

Unknown Number: Nasan ka?

Via: Nasan ka ba Tres? Kanina pa ako naghihintay sayo.

Unknown Number: Si Ziggy to. Hindi to Tres mo.

Via: [sa isip: Nagchange siya ng number?]

Unknown Number: Hinahanap ka na ni mama.

Via: Sabihin mu hindi aku pupunta

Ziggy: Pagagalitan niya aku.

Via: Bahala ka sa buhay mo!

======

Hindi ko na siya nireplyan. Bahala siya sa buhay niya. Hinihintay ko si Tres kaya hihintayin ko siya. Bahala na kung mamatay man ako sa gutom.Alas otso. Letseng Tres. Hindi ko kayang mamatay sa gutom! Asan na ba yun?Tumunog ang cellphone ko.

======

Tres: Sorry :(

Via: nasan ka nba Tres?

Tres: Hindi pa ako ready, Via. Sorry

.======

Napatayo ako sa inuupuan ko. Ginagalit ako ng lalaking to ah! Tinawagan ko siya. Akala ko hindi niya sasagutin pero sinagot niya.

******

Via: (buntong-hininga)

Tres: Sorry.

Via: YUN LANG? SORRY? ALAS DOS PA AKO NG HAPON DITO! GUTOM NA GUTOM NA AKO TAPOS SORRY LANG? HINDI KA MAN LANG MAGREPLY AT SABIHIN NA HINDI KA MAKAKARATING KASI HINDI KA PA READY MGA BANDANG ALAS SAIS O ALAS SIYETE PARA MAKAUWI NA AKO?! ALAM MO BANG ANG DAMI KO NG KAGAT NG LAMOK DAHIL SAYO!

Tres: Sorry.

Via: SIGE! SORRY KA LANG NG SORRY! DIYAN NAMAN KAYO LAHAT MAGALING! HUWAG KA NG MAGTEXT SA AKIN! HUWAG NA KAHIT KELAN! LODI TALAGA KITA!

Tres: Sor-

Via: BAHALA KA SA BUHAY MO!

******

At pinatay ko na si Tres, este ang tawag. Bumuntong hininga ako habang nag-umpisang maglakad papunta sa bahay nila Ziggy.

******

Ninang: Vianne! Anak! Kain ka na! Kamusta ang date?

Via: Sina tatay at kuya po?

Ninang: Nag-inuman doon sa likod kasama mga kumpare nila.Via: (tumunog ang tiyan)Ninang: Hindi ka pa kumakain? Kamusta ang date mo?

Via: Okay lang po.

Ninang: Kain ka na!

Via: Okay po.

Ninang: Mabuti ka pa may date na eh si Ziggy ang torpeng-torpe hindi man masabi na-

Ziggy: MA!

Via: (napalingon kay Ziggy na kakalabas lang sa kwarto)

Ninang: Ay Ziggy! Nandito na si Vianne!

Ziggy: Bat ka nandito?

Via: Makikikain. Malamang.

Ninang: Iwan ko muna kayo ha... (at umalis)

Ziggy: Nasan na ang Tres mo? bat hindi mo sinama dito?

Via: Pinatay ko. Inilibing ko na kanina.

Ziggy: (stare kay Via)

Via: Oh ano? Gutom ako. gusto mo ikaw kainin ko?

Ziggy: (umalis) Hindi man lang marunong mag-greet.

Via: HOY! Narinig kita!

Ziggy: (tumigil sa pag-alis at hinarap si Vianne)

Via: Ano?

Ziggy: --

Via: May sasabihin ka?

Ziggy: tsk! (tumalikod at nagsimulang umalis)

Via: HAPPY BIRTHDAY!

Ziggy: (tingin balik kay Vianne)

Via: Umalis ka na nga!

Ziggy: (at umalis)

******

TO BE CONTINUE...

You With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon