you with me - 45

229 2 0
                                    

part 45

Ang saya nito kahit ilang milya ang layo namin sa isa't isa ay mukhang magkatabi lang kaming dalawa at nagkukulitan. Hays. Miss ko na nga talaga si Ziggy. Paano pa kaya kung aalis na ako? Parang hindi ko yata kaya. Napa-iling ako, pero para naman to sa kinabukasan ko at sa future naming dalawa. Masama ba ang mangarap?

*****

Mama: Nak, Tumawag si George sa akin...

Vianne: (napalingon sa mama niya)

Mama: Ngayon pala ang flight niya...kaya...

Vianne: Ayoko, gusto ko ng umuwi...

Mama: Isang araw lang naman anak. Isasama natin siya dun sa bahay natin.

Vianne: (biglang naiinis) Isasama? Ma, ano ba naman kayo, huwag niyo nga isama yang niyo lalake sa bahay...

mama: (sad) Okay lang naman sa kanya na makasama kayo ng mga anak ko at yung papa niyo. Napag-usapan na namin to ni Georg--

Vianne: Kahit na Ma... Ako? Kay kuya? Hindi niyo nalang ba naisip na gusto namin o hindi? Naninibago pa nga ako sa lahat ng ito tapos may ganito palang biglaan? Grabe naman pang-abuso niyo sa kabaitan ko.

Mama: O sige, kung ganun, i-book lang natin siya ng hotel pero bukas na tayo makakauwi kasi sasalubungin natin siya sa airport.

Vianne: Ayoko. Gusto kong pumasok bukas. Konti na nga lang ang time ko para sa mga classmates ko, kukunin niyo pa.

Mama: Okay, so ano?

Vianne: Una na po akong umuwi sa inyo. Kung gusto niyo, kayo na lang po ang maghihintay kay George.

Mama: Ayaw mo ba talaga siyang makita anak?

Vianne: Eh diba sa kayo naman ang maging kasama ko dun sa labas? Parang ganun na rin yun.

Mama: O sige, ihahatid na muna kita sa terminal.

*****

Kung hindi siguro ako nakapag-timpi eh di sana galit na galit na naman ako kay mama. Eh, para sa akin kasi, sobrang mali ng mga pangyayari. Kahit sabihin nating utang namin lahat ng ito kay George, hindi parin pwede. Hindi naman kasi may utang na loob kami sa kanya mukhang kami pa ang mag-aadjust para sa kanya? Wag siyang mag-alala, mag-aaral ako ng mabuti para mabayaran siya.

****

Pagdating sa terminal, binigyan ako ni mama ng ticket. Ibibigay ko lang raw ito sa konduktor at tapos bababa na raw ako sa terminal ng baranggay namin. Nagpaalam siya sa akin at sabi magtext lang ako kung may problema.O mas maganda kung tatawag raw ako kung panigurado may problema nga. Sabi niya ingat. Napalunok ako nung umandar na ang bus. Hindi ko alam pero bakit nanginginig ako. Baka kung maligaw ako? Naku! Natulog pa naman ako nung dumating kami dito.

*****

Nagchat ako kay Ziggy.

****

2:36 pm

Vianne: Pauwi na ako. Ako lang mag-isa.

****

Hindi nagreply si Ziggy kaya mas lalo akong kinabahan.

****

Nagchat ulit ako.

****

3:45 pm

Vianne: Ziggy?

****

Hindi siya nagreply. Ziggy naman eh. Kailangan ko ng karamay. Tinawagan ko si Mama.

****

Vianne: Ma...

Mama: O anak? Nakarating ka na?

Vianne: Hindi ko nga po pala alam kung saan bababa.

Mama: Sinabihan ko ang konduktor kung saan ka baba.

Vianne: Kinakabahan ako...

Mama: Sabi ko naman sayo eh, sabay nalang sana tayo umuwi. I-pa-hotel lang naman natin si George...

Vianne: HUHUHU! Gusto ko na kasing makita si Ziggy ehh. (umiiyak na aprang bata) Miss ko na siya maaaaa...

Mama: Hay naku. Limang oras angtagal ng biyahe. May pagkain jan sa bag. Sige, huwag ka ng mag-drama jan. Kumain ka nalang para hindi ka namamayat pagkita niyo ni Ziggy.

Vianne: Mamaaaaaaaaaaa... (still crying)

****

Mabuti nalang talaga ang bait ni mama. Pagkatapos kung kumain ay nakatulog ako. Paggising ko, gabi na. Kaya mas lalo akong kinabahan. Madilim ang labas at ang liwanag galing sa ilaw ng loob ng bus ang nagsisilbing mata namin. AT SOBRANG TAHIMIK. Shyet, mukhang horror films.

****

Tinignan ko ang cellphone ko, 7:30 pm na. Binilang ko ang oras ng pagbiyahe. Nagstart ako ng 2:30 pm eh di makakarating ako sa amin ng 7:30 pm. Ang galing ko talaga sa math. Sa susunod na terminal, bababa na ako. Tiyak dun na ang amin. Sakto, lowbat na rin ako. Didiretso ako sa bahay nila Ziggy para ma-hug ko siya. Excited na ako.

*****

Bumaba ako nung nagstop over ang bus sa terminal. Pagtapak ko sa terminal ay parang may kakaiba akong nararamdaman. Kakaibang aura ang nandito, mukhang ang mga naliligaw na kaluluwa ay tinitignan ako. Char joke lang. Pero kakaiba talaga. Parang hindi yata to ang baranggay namin.

*****

Pinaikot ko angtingin sa palgid. Medyo tahimik na ang paligid pero may mga tao parin kahit konti lang. Ang iba nagliligpit ng mga tinda nila at ang iba ay mga pasahero. San ba ako na baranggay? Hindi talaga to sa amin eh.

*****

Kinuha ko ang cellphone at tatawagan sana si Mama pero namatay ito. Huhuhu.

****

San ba ako?

Ziggy!!

Maaaaaa!!

*****

TO BE CONTINUE.. 

You With Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon