part 48
Mahimbing ang tulog ko ng gabing yun. Sa sobrang himbing, na-late ako sa school. Kaya nakatayo ako ngayon sa labas ng room kasi nagstart na ang first period. Pagsapit ng recess, dun pa ako pinapasok ni maam pero pagkatapos pa niya akong pagalitan. Pero sa halip sa nalulungkot ako kasi pinapagalitan ako ay mas lalo pa akong napangiti. Sobrang ma-mimiss ko ang mga sermon nila mam sa akin. Ang senior high at high school memories ko.
****
Teacher: Miss Gomez... Minsan ka na nga lang pumasok, male-late ka pa.
Via: (napangiti) Sorry maam.
Teacher: At ano ang nakakatuwa sa sinabi ko?
Via: (teary eyes)
Teacher: At ngayon nakakaiyak na?
Classmate 1: Hala maam, bat mo yan pinaiyak?
Classmate 2: Labag yan sa civil code maam.
Teacher: Tsee! Hindi ko nga sya inaano jan.
Via: (teary eyes plus tawa) Natutuwa lang po talaga ako mam. Mami-miss ko po kayo. Pwede po bang payakap?
Teacher: Ang OA mo ha, hindi ka panga naka-take ng finals, eh kung hindi ka papasa dun? Eh di balik ka rin dito sa akin!
Via: Basta maam, payakap lang po! HUHUHU. (niyakap si maam)
Classmates: (nagsitawanan)
Teacher: O tama na. Tama na. Naka-drugs ka ba?
Via: (napaiyak) Hindi po maam pero ma-miss ko po talaga kayo maam. Hu hu hu.
Teacher: (kunot-noo)
****
Nagsitawanan ang klase sa ginawa ko kay maam. Sa lunch, kasabay ko sina MArcus at ang mga tropa niya. Sabi ko kay Ziggy na hindi muna kami magsasabay at huwag siyang magselos kay Marcus kasi magpapaalam lang ako sa kanya. Kaya ayun dun, siya sa kabilang table umupo. Next sa table namin nila Marcus.
****
Via: Guys! sagot ko ang lunch natin!
tropa: YEHEEEEY!
Marcus: May himala ba? Ililibre mo kami? Paano yung boyfriend mo?
Via: May pera naman yun. At tsaka, minsan lang to.
Marcus: (kunot noo)
Via: O, ano? Order na!
Marcus: O, cge basta ikaw bahala ha. Kukuha ako ng pinakamahal.
Via: Kahit limang pinaka-mahal pa jan na pagkain, sagot ko lahat.
Marcus: (kunot noo) Teka nga, mayaman na kayo? Nanalo ka ng lotto? O, nagnakaw ka sa papa mo no?
Via: Napaka-judgemental mo. Gusto mo bugbugin kita?
Marcus: Joke lang bossing. hahaha
****
Sa table...
****
Via: Huwag niyo akong kakalimutan ha, kung nasa malayo na kayo mag-college. For sure sa mga siyudad kayo mag-aaral!
tropa 1: Ah, hindi na ako mag-cocollege. Masyadong mahal.
tropa 2: Ako dito lang naman kasi ayaw kong mahiwalay sa pamilya ko.
Via: Hmmm. Ikaw Marcus?
Marcus: Ikaw san ba?
Via: Ahh. Depende kung makapasa sa finals. HA HA HA.
Marcus: Kaya mo yan, ipasa mo lang kay Ziggy ang test paper mo. Pagkatapos, ipasa mo din sa amin para makagraduate tayong lahat niyan.
Via: Baliw..
tropa 3: kami din, huwag mo kaming kalimutan.
Via: Basta, stay update lang tayo sa facebook ha. Kahit hindi tayo magkikita na, tandaan niyo mga tropa ko rin kayo. Part din ako sa barkada niyo.
Marcus: teka nga.. Mamatay ka na ba? Ba't ka puro mukhang nagpapaalam na?
Via: (silence)
Marcus: Seryoso?
Via: Baliw ka talaga... HINDI NO! Mag-aabroad ako!
Marcus: Magtratrabaho ka na? Ano? Domestic Helper?
Via: HINDI ULOL! HINDI PA PWEDE!
Marcus: Eh ano? Nakakalito naman.
Via: Kasi nakakalito ka ring kausap.
Marcus: Ano ba kasi?
Via: Dadalhin ako ni mama sa labas...
tropa 4: Sa labas ng?
tropa 5: Ng bahay?
Marcus: sa labas ng earth? Alien ba mama mo?
Via: Isa nalang pagsusuntukin ko na kayong mga adik kayo!
marcus: HA HA HA. (Biglang nagseryoso) Kaya pala hindi ka nagrereview ng seryoso para sa finals.
Via: (napatingin kay MArcus)
Marcus: Mag-ingat ka dun. Bibisita ako dun. Maybe summer? Basta, sabihan mo lang sa akin...
Via: Talaga? tapos ililibre mo ako?
Marcus: Pwede pwede din.
Via: Yehey! Promise yan ha?
Marcus: Oo naman. Okay lang ba sa boyfriend mo?
Via: At first hindi. Pero ngayon okay na.
Marcus: Kasi hindi yata okay makatinigin si Ziggy dito sa atin eh.
*****
Napatingin ako kay Ziggy at sobrang seryosong glare na tinitigan nya kami ni Marcus. Napalunok ako ng bale-isang daang beses. Grabe, mukha ng juice ang laway ko kung ganun. Napatawa lang kami ni Marcus nung nagpaalam siya sa akin at hinatid pa niya talaga ako kay Ziggy.
*****
Mami-miss ko ang Kenwood at ang memories ko dito. At for sure, alam kong ma-mimiss din ako ng Kenwood.
*****
Kenwood High School: In your dreams.
*****
TO BE CONTINUE..
BINABASA MO ANG
You With Me (COMPLETED)
Подростковая литератураPangarap nating mga babae na pakasalan tayo ng crush natin. Para sa atin, siya na ang ating dakilang OTL. Pero kung kayo pangarap niyo lang, ako, sisiguraduhin ko talagang maging kami. Kasi hindi ako mapakali kung hindi magiging kami. At walang mak...